Hidilyn Diaz at ibang Pinoy Olympic medalists, abala ngayon sa courtesy calls

by PEP Troika
Aug 26, 2021
Hidilyn Diaz (second from left) and fellow Olympic medalists Carlo Paalam (extreme left), Nesthy Petecio (second from right), and Eumir Marcial (extreme right) made a courtesy call to President Rodrigo Duterte last Monday, August 23.
PHOTO/S: @hidilyndiaz on Instagram

NOEL FERRER

Busy ang ating Olympians ngayong week dahil sa mga courtesy call nila sa Malacañang, PNP, Air Force, at marami pang sangay ng gobyerno pagkatapos nilang makapag-uwi ng medalya mula sa Tokyo 2020 Olympics.

Kasama ng gold medalist na si Hidilyn Diaz ang ibang medalists at coaches sa Malacañang at pinag-uusapan ang photo na inilabas.

Continue reading below ↓

Martes, August 24, nagkita si Hidilyn at si Sir Ramon Ang ng San Miguel Corporation. Ibinigay ni Sir Ramon ang P10M na prize habang inaayos ang endorsements nito sa San Miguel family.

Tapos ngayong Huwebes, August 26, nasa Philippine Army naman si Hidilyn kasama si Eumir Marcial para sa kanilang Heroes' Welcome.

At sa September 1, Miyerkules, nakatakda ang paglipad ni Hidilyn papuntang Zamboanga para sa kanyang homecoming.

GORGY RULA

Ang concern ko lang sa napabalitang courtesy call ng Olympic medalists sa Malacañang kamakailan, sana ay hindi sila magagamit sa pulitika.

Buti na lang sa group photo, hindi naki-fist bump sina Hidilyn at Nesthy kasama ang mga pulitikong nandoon.

Mas happy ako kung na-fist bump nila yun sa pulitikong nandoon na may pinakamakapal na fez!

Kasi, ang narinig ko, may ilang pulitikong nagagamit si Hidilyn sa pang-eepal ng isang pulitiko. Wala namang naibigay.

Hindi lang sana maabuso rito ang mga atletang nagbigay ng karangalan sa ating bansa.

Continue reading below ↓

Ang nagustuhan ko sa ginawa ng Malacañang, hindi nila kinalimutan ang isa ring silver medalist na si Onyok Velasco at nabahaginan din ng sapat na pabuya.

Sobrang saya ako para kay Onyok na pinangakuan lang noon, hindi naman natupad lahat!

JERRY OLEA

Ano na ba ang mangyayari sa napag-usapang parking space sa condo unit ni Hidilyn sa Eastwood City na bigay ng Megaworld Corporation? Ibibigay ba ang parking space kay Hidilyn o ipagkakait?

At saan na nagte-train si Hidilyn, Tito Noel?

Balita namin, nahirapang kumuha ng permit ang GMA-7 para sa shoot sa gym nila, at maging si Hidilyn ay hindi pinayagang mag-train doon sa Eastwood condo gym pansamantala.

Akala ko ba, ipinagmalaki nila yun sa write-ups noon? Abangan ang susunod na golden chapter!

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hidilyn Diaz (second from left) and fellow Olympic medalists Carlo Paalam (extreme left), Nesthy Petecio (second from right), and Eumir Marcial (extreme right) made a courtesy call to President Rodrigo Duterte last Monday, August 23.
PHOTO/S: @hidilyndiaz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results