JERRY OLEA
Inisnab ng mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP) si Paulo Avelino (Fangirl).
Nag-best actor si Paulo sa MMFF 2020 at 4th Eddys, pero ligwak siya sa listahan ng mga nominadong best actor sa 44th Gawad Urian.
Kasama sa walong BEST ACTOR nominees ng Gawad Urian sina Keann Johnson at Adrian Lindayag, na mga bida sa MMFF 2020 film na The Boy Foretold by the Stars.
Ang anim pang best actor nominees ng Gawad Urian ay sina Elijah Canlas (He Who is Without Sin), Enchong Dee (Alter Me), Noel Escondo (Memories of Forgetting), Nanding Josef (Lahi, Hayop), Zanjoe Marudo (Malaya), at JC Santos (On Vodka, Beers, and Regrets).
In-elevate ng mga Manunuri si Shaina Magdayao (Tagpuan) sa kategoryang BEST ACTRESS. Sa MMFF 2020 at Eddys, pinarangalan si Shaina ay sa kategoryang best supporting actress.
Walo ang mga katunggali ni Shaina sa pagiging best actress ng 44th Gawad Urian.
Ang mga ito ay sina Jasmine Curtis (Alter Me), Glaiza de Castro (Midnight in a Perfect World), Alessandra de Rossi (Watch List), Charlie Dizon (Fan Girl), Bela Padilla (On Vodka, Beers, and Regrets), Lovi Poe (Malaya), Sue Ramirez (Finding Agnes), at Cristine Reyes (Untrue).
Lima ang nominadong BEST SUPPORTING ACTRESS — sina Sandy Andolong (Finding Agnes), Lolita Carbon (Lahi, Hayop), Dexter Doria (Memories of Forgetting), Hazel Orencio (Lahi, Hayop), at Bing Pimentel (Midnight in a Perfect World).
Lima rin ang mga nominadong BEST SUPPORTING ACTOR — sina Micko Laurente (Watch List), Jake Macapagal (Watch List), Jess Mendoza (Watch List), Dino Pastrano (Midnight in a Perfect World), at Enzo Pineda (He Who is Without Sin).
Sigurado nang may award ang pelikulang Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story. Ito ang nag-iisang nominado sa kategoryang BEST ANIMATION.
Kasama rin ang Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story sa pitong nominadong BEST PICTURE, maging ang documentaries na Aswang at A Thousand Cuts.
Ang apat pang nominadong best picture ay Kintsugi, Lahi, Hayop, Midnight in a Perfect World, at Watch List.
Laglag ang Fan Girl sa kategoryang best film, pero ang direktor nitong si Antonette Jadaone ay kabilang sa labing-isang nominadong BEST DIRECTOR.
Ang sampung katunggali ni Antonette sa kategoryang best director ay sina Joselito Altarejos (Memories of Forgetting), Alyx Arumpac (Aswang), Dodo Dayao (Midnight in a Perfect World), Dolly Dulu (The Boy Foretold by the Stars), Lav Diaz (Lahi, Hayop), Ramona Diaz (A Thousand Cuts), Lawrence Fajardo (Kintsugi), Avid Liongoren (Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story), Ben Rekhi (Watch List), at Irene Villamor (On Vodka, Beers, and Regrets).
NOEL FERRER
Buti talaga at nagmamasigasig pa rin ang Urian despite the pandemic.
As always, nakakagulat ang ilan sa kanilang choices, but Urian is Urian.
This will be made doubly special dahil magkaroon sila ng Gawad Dekada. The recipient of the Natatanging Gawad Urian, the Lifetime Achievement Award, and the Gawad Dekada representing the best of the decade, will be released a few days before the awarding ceremonies.
Ang tentative schedule ng 44th Gawad Urian ay sa Oktubre 6 ng 6:00 p.m. sa Facebook page ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino, at sa YouTube channel ng UPDZ.
GORGY RULA
Hindi na bago na may mga nagkukuwestiyon sa mga napiling nominees ng mga Manunuri.
Ganun pa rin naman ang sagot diyan: Yun ang choice ng mga Manunuri, wala na tayong magagawa.
Pero yun din ang unang reaksiyon ko: Bakit hindi nasama sina Paulo Avelino at Iza Calzado (Tagpuan) sa mga nominado?
May ilan akong napagtanungan, kinapos lang daw talaga sila ng boto.
Ayon sa iba pang napagtanungan ko, medyo nakukulangan daw sila sa performance ni Paulo. Parang napaka-physical daw.
Kay Iza naman, dahil magaling na talaga siyang aktres, tumaas tuloy ang standard niya.
Yun din ang napapansin dati kay Ricky Davao, dahil likas na talaga siyang magaling, kapag medyo nabawasan lang nang konti, naliligwak na dahil hindi nito naabot ang standard ng isang Ricky Davao.
Ganun din daw ang nangyari kay Iza na no question talaga ang galing niya sa pag-arte.
Mabuti na ring tuloy pa rin ang ganitong award-giving body at nairaraos pa rin sa gitna ng pandemya.
JERRY OLEA
Ang best actor sa 43rd Gawad Urian ay si Elijah Canlas (Kalel, 15). Mag-back-to-back kaya si Elijah sa Urian?
Ilang magkakasunod na taon nang nominado si Bela Padilla na best actress sa Gawad Urian.
Sa 41st Gawad Urian ay nominado si Bela para sa 100 Tula para kay Stella. Ang nagwagi ay si Joanna Ampil (Ang Larawan).
Sa 42nd Gawad Urian ay nominado si Bela para sa Meet Me in St. Gallen. Ang nagwagi ay si Nadine Lustre (Never Not Love You).
Sa 43rd Gawad Urian last year ay nominado si Bela para sa Mañanita. Ang nagwagi ay si Janine Gutierrez (Babae at Baril).
This year, mananalo na kaya si Bela? O si Alessandra de Rossi ang makakasilat?
Last year ay nominado ring best actress si Alessandra (Lucid).
Sa 41st Gawad Urian ay nominado si Alessandra para sa Kita Kita.
Sa 39th Gawad Urian ay nominado si Alessandra para sa Bambanti. Ang winner ay si LJ Reyes (Anino sa Likod ng Buwan).
Sa 36th Gawad Urian ay nominado si Alessandra para sa Baybayin. Ang winner ay si Nora Aunor (Thy Womb).
Sa 35th Gawad Urian ay nominado si Alessandra para sa Ka Oryang. Ang winner ay si Maja Salvador (Thelma).
Sa 26th Gawad Urian ay nominado si Alessandra para sa Mga Munting Tinig. Ang winner ay si Vilma Santos (Dekada ‘70).
Sa 24th Gawad Urian ay nominado si Alessandra para sa Azucena. Ang winner ay si Gloria Romero (Tanging Yaman).
Ang Urian pa lang ni Alessandra ay sa kategoryang best supporting actress para sa pelikulang Sta. Niña sa 36th Gawad Urian.