Bea Alonzo, nag-react sa tirada ni Janus del Prado kay Gerald Anderson

by PEP Troika
Aug 28, 2021
Bea Alonzo (kaliwa) naiintindihan ang pagiging protective sa kanya ng kaibigang si Janus del Prado (gitna). Tungkol sa kanyang ex-boyfriend na si Gerald Anderson (kanan), sabi ni Bea: "Ang plastik ko naman kapag sinabi kong napatawad ko na siya. It’s not about asking for forgiveness, it’s taking accountability and being responsible for your actions. Let’s just leave it at that."
PHOTO/S: @beaalonzo / @janusdelprado / @andersongeraldjr Instagram

NOEL FERRER

"I'm never the type of person who would seek revenge."

Ito ang sabi ni Bea Alonzo sa aming Level Up interview sa Radyo Katipunan nitong Agosto 27, Biyernes.

She talked about a lot of things—getting over past hurts, reclaiming her voice, learnings from the pandemic, and her newfound skill as a content creator with a YouTube channel na umabot na ng 2M followers!

Napag-usapan din namin ang mga nasabi ng kaibigan niyang si Janus del Prado, na parang naging remnants ng isang past issue kahit naka-move on na si Bea.

Nang tanungin ko siya ukol dito, sabi ni Bea: "Nagtataka rin ako bakit di pa rin natatapos. Probably because my friends are very protective of me.

"I love them. Lumaki kami nang magkakasama. At itong mga kaibigan ko, nasasaktan sila kapag nakakarinig ng mga bagay concerning me.

"They tend to be protective of me, and they speak for me. Kasi, kaya ko ring makipagpatayan sa mga friends ko, and I guess it goes both ways.

Continue reading below ↓

"Siguro, kung wala silang bagay na naririnig, wala rin silang bagay na sasabihin."

Naiintindihan ni Bea na napa-react si Janus dahil sa mga salitang nabitiwan ng ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson.

Hindi pinangalanan ni Bea si Gerald, pero hindi kaila sa publiko na ito ang huli niyang nakarelasyon.

Noong August 20, sinabi ni Gerald sa isang online show na sana ay mapatawad na siya ni Bea.

Gustuhin man daw niyang baguhin ang nangyari noon, tapos na raw iyon at pareho silang nagkamali.

Noong August 23, kinuwestiyon ni Janus ang paghingi ng sorry ni Gerald.

Nang banggitin ko ang paghingi ng kapatawaran ng kanyang ex-boyfriend, heto ang prangkang nasabi ni Bea: "Ang plastik ko naman kapag sinabi kong napatawad ko na siya.

"It’s not about asking for forgiveness, it’s taking accountability and being responsible for your actions.

"Let’s just leave it at that."

Hindi na nagdetalye pa si Bea sa isyu na iyon.

Continue reading below ↓

ON BEING A KAPUSO

New Beginnings. New Network.

Noong July 1 ganap na naging Kapuso si Bea.

"It was an emotional decision. I spent almost 20 years of my life sa ABS-CBN," sambit ni Bea.

Maraming naglabasang comments about her network transfer, naapektuhan ba siya sa mga nasabi ng mga Kapamilya niya rati?

"To be honest, when I made my decision to move, I was bracing myself for all these things. Iniyakan ko iyan.

"Of course, they matter to me, e. If they’re bashers, hindi ako masasaktan.

"Pero I’ll be honest, nasaktan ako. Dahil hindi nila alam ang whole story," saad ni Bea.

Grateful pa rin si Bea sa mga Kapamilya, lalo na raw kay Sir Carlo Katigbak, ang ABS-CBN CEO & President, na naiintindihan ang desisyon niya.

Maliit lang ang industriya. Magkikita-kita pa rin ang mga tao at magkakatrabaho.

Tuloy ang Alden Richards-Bea movie ng GMA Films, APT, at Viva.

Continue reading below ↓

Pagkatapos, may John Lloyd Cruz-Bea Alonzo movie pa ring naka-commit sa Star Cinema.

Mauuna raw ang mga pelikula kaysa sa teleserye, ani Bea. Hangad niyang masolusyunan na ang pandemya para magbukas na ulit ang mga sinehan.

FUN CATCH-UP

The second part of our discussion was a mini-reunion ng workshop class namin under Sir Ricky Lee.

Ang saya lang kasi kami pa rin ang last batch na buo na face-to-face classes, and really significant dahil yung first day namin ay ang first day ng ghosting experience ng aming movie queen.

All in all, na-miss namin ni Bea ang isa’t isa, at maraming salamat sa lahat ng mga tumutok sa espesyal na episode kanina sa Radyo Katipunan.

JERRY OLEA

Bagong simula rin para kay Bea ang pag-amin niya sa relasyon nila ni Dominic Roque.

Saad ni Bea, "He was there all along as a friend. Barkada kami. And hindi naman na kami mga bata.

Continue reading below ↓

"The good thing there is that merong nag-aalaga sa akin. At may integration ang aming mga pamilya."

May mga pictures ngang magkakasama sina Bea, Dom, at ang mga magulang nila.

Sabi pa ni Bea, cool lang at walang pressure ang relasyon niya with Dominic.

"Napapasaya niya ako. I hope napapasaya ko siya, and we’re trying to bring out the best in us," ani Bea.

"Hindi ako nagmamadali. Hindi na rin ako aayon sa expectations at timetable ng ibang mga tao.

"We are happy and we are enjoying it!"

GORGY RULA

Hindi talaga maganda ang paghihiwalay nila ni Gerald, kaya maingat ang mga sagot ni Bea.

Mainit na isyu pa rin ito ngayon kaya mas minabuti ng Kapuso actress na huwag na lang mag-comment, lalo nang binanggit pa ni Sir Noel si Julia Barretto.

Pero naging open si Bea na pag-usapan ang ibang ex-boyfriend niya.

Kinuwento pa ni Bea ang tungkol sa namayapang si Mico Palanca, na nagparamdam daw sa kanya nang pumanaw ito. Nasa Macau raw siya noong araw na yun.

Continue reading below ↓

Maganda rin ang mga sinabi niya kay Zanjoe Marudo, na kaibigan niya hanggang ngayon.

Hindi raw niya makalimutan ang natutunan niya kay Zanjoe noong sila pa—na dapat matuto siyang i-qualify ang sagot niyang "yes" at "no."

Sabi pa ni Bea, "Even after our relationship, I still care about Z.

"It’s like ano… hindi na nga romantically, but I still care about him. I still care about the entire family.

"Hindi siya natatapos lang dun."

Ang daming natutunan ni Bea sa kanyang buhay pag-ibig.

At bongga ‘yan kung magkakaroon siya ng talk show sa GMA-7 para maibahagi niya iyan.

Iyan pala ang isa sa hiningi niya sa Kapuso network, na sana ay makapag-host siya ng isang talk show.

HOT STORIES

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo (kaliwa) naiintindihan ang pagiging protective sa kanya ng kaibigang si Janus del Prado (gitna). Tungkol sa kanyang ex-boyfriend na si Gerald Anderson (kanan), sabi ni Bea: "Ang plastik ko naman kapag sinabi kong napatawad ko na siya. It’s not about asking for forgiveness, it’s taking accountability and being responsible for your actions. Let’s just leave it at that."
PHOTO/S: @beaalonzo / @janusdelprado / @andersongeraldjr Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results