Ano ang ibig sabihin ng Bvlgari couple rings nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte?

by PEP Troika
Aug 30, 2021
Dinala na ba nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa next level ang kanilang relasyon? Bumili ng couple ring ang dalawa sa Hong Kong... engagement ring na ba ito o commitment ring lang?
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Ipinasa ng ilang fans sa PEP Troika ang Instagram post ng isang jewellery shop kung saan makikitang suot ng Kapamilya actress na si Loisa Andalio ang isang Bvlgari ring.

Ipinost ito noong Linggo, August 29.

Caption dito: "SPOTTED!! Our #LoiNie heart (in love emoji) Miss @iamandalioloisa and Mr. @iamr2alonte wearing our Bvlgari White Ceramic Ring in 18k HK setting (white heart emoji) #couplegoals #couplerings.”

Akala ng iba ay engaged na ang dalawa, pero maaaring commitment ring ito ng magkasintahan.

Limang litrato ang ipinost ng jewellery shop—ang dalawa ay si Loisa na suot ang naturang singsing sa kanyang ring finger, at ang isa ay litrato naman ng kamay ng boyfriend niyang si Ronnie Alonte na suot ang singsing sa hintuturo nito.

May kuha rin ng resibo ng naturang jewellery shop sa Hong Kong.

Continue reading below ↓

Ganoon na siguro kaseryoso ang relasyon ng dalawa.

Noong August 20, Biyernes ng umaga, nakita ko sa IG Live ni Ronnie na nasa kotse siya kasama si Loisa.

Hindi gaanong nakikita si Loisa, pero may pagkakataong pinupupog siya ng halik ni Ronnie.

Nagbiro pa si Ronnie na ibang Loisa raw ang kasama niya. Pero bandang huli ay nakita rin ang mukha ng Kapamilya actress.

Continue reading below ↓

Ang sabi ni Ronnie, sinundo niya si Loisa dahil ihahatid nila sa veterinarian ang kanilang aso. Pero matagal din silang nagbibiruan at naghaharutan sa IG live.

Meron pang may nagri-request ng kili-kili reveal kay Ronnie. Itinataas naman ng aktor ang kanyang kamay para makita ang makinis niyang kili kili.

Hinalikan pa ito ni Loisa at nagbiro ring meron na raw siyang pang-asim sa ulam.

Pero teka, may programa kaya silang dalawang gagawin sa Kapamilya Channel

Nang lumipat si Mr. Johnny Manahan sa GMA-7, silang dalawa ang ilan sa hinuhulaang susunod kay Mr. M.

Sila kaya ang kumausap sa GMA Artist Center consultant na isama na sila sa Kapuso network?

JERRY OLEA

Valentine presentation ang pelikula nina Ronnie, Loisa, at Donny Pangilinan na James & Pat & Dave noong Pebrero 12, 2020.

Pebrero 2021 nag-streaming sa iWant TFC ang romcom series nina Ronnie at Loisa na Unloving U.

Bali-balita noong huhubugin sana si Loisa bilang bagong Sex Goddess — mala-Alma Moreno noong mid-‘70s hanggang early ‘80s. Kaso, nagkapandemya at nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Abangan na lang natin kung magiging Kapuso sina Ronnie at Loisa.

May bagong paandar kaya sila para sa Pebrero 2022?

NOEL FERRER

Kahit lumipat ang Loisa-Ronnie sa Kapuso network, na hindi naman kataka-taka, sana ay hindi makalimutan sina Ruru Madrid, Bianca Umali, Barbie Forteza, at Miguel Tanfelix na mga kaedad nina Loisa at Ronnie na puwedeng pumoste sa mga programa at aktingan.

Paano na pala ang Kapuso love team nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos na nauna na dapat ini-launch? Balita namin ay sa Enero 2022 magre-resume ang taping ng serye nilang Love You, Stranger.

Mapapanood muna ang Gabbi-Khalil tandem sa third episode ng Regal Studio Presents sa Setyembre.

Sa dami ng galawan sa Kapuso network, sana ay hindi magkasikipan at lahat ay mapakinabangan.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dinala na ba nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa next level ang kanilang relasyon? Bumili ng couple ring ang dalawa sa Hong Kong... engagement ring na ba ito o commitment ring lang?
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results