Xian Lim, tikom ang bibig sa pinagdadaanan ng girlfriend na si Kim Chiu

by PEP Troika
Aug 31, 2021
Xian Lim on girlfriend Kim Chiu: "When it comes po sa decision ni Kim, ang masasabi ko lang po diyan is, we’re very supportive sa kahit ano mang decision o kahit ano man pong moves na gawin namin, mapa-working with other actors, working on different projects, hindi po kami… yun nga po, we’re very supportive."
PHOTO/S: @xianlimm / @chinitaprincess on Instagram

GORGY RULA

Ngayong Agosto 31, Martes, pormal na inanunsiyo ang pagiging Kapuso ni Xian Lim.

Matagal na ring pinag-uusapan ito, pero ngayon lamang nagsalita ang dating Kapamilya actor dahil tuloy na tuloy na ang project na pagsasamahan nila ni Jennylyn Mercado, ang Love. Die. Repeat. ni Direk Irene Villamor.

Nasa quarantine na sila ngayon. Pagkatapos ng RT-PCR test, magsisimula na sila ng lock-in taping.

Sumabay sa paglipat ni Xian sa GMA-7 ang isyu ng girlfriend niyang si Kim Chiu, kung saan mismong fans ang nagkokomento sa social media na tila hindi masaya ang Kapamilya actress sa ginagawa nito ngayon sa It’s Showtime.

May mga nagsasabi pang sana ay sumunod na si Kim kay Xian sa Kapuso network.

Pero ayon kay Xian, hindi sila nagpapakialaman ni Kim pagdating sa kanilang career.

Kagaya nitong gagawing drama series ni Xian sa GMA-7, hindi na raw niya ito ipinaalam pa kay Kim.

“Hindi ako nagpaalam because I know suportado namin ang isa’t isa, mapaano mang desisyong gawin namin.

Continue reading below ↓

“Even po sa mga proyekto, kunyari po sa mga pelikula or teleserye, never po kami umabot sa point na, ‘Uy, magpapaalam muna ako bago ko gawin ‘to.’

“Even nung nagsisimula pa lang po kami, hindi po kami ganung type ng relationship po namin, hindi po ganun,” saad ni Xian sa kanyang virtual mediacon ngayong araw, August 31.

Pero kahit magkakahiwalay man sila ng network, tiniyak ni Xian na nandiyan pa rin daw ang KimXi loveteam. Pero malay naman natin, baka mag-swak din ang tandem nila ni Jennylyn.

Sa tingin ko kasi, mga ka-Troiks, si Jennylyn ang tipong madaling bumagay sa mga nakaka-partner niya.

Sabi ni Xian, “I’m looking forward dahil I’m a fan of Jen.

“Yung mga pelikula na ginagawa niya before, it’s very surreal na nakakatuwa na nabigyan ako ng pagkakataon to work with her, to work with the network, and to be here sa position ko ngayon.”

JERRY OLEA

Continue reading below ↓

Noong Hunyo 23 pa natin natalakay rito sa PEP Troika ang napipintong pagiging Kapuso ni Xian, bilang bagong leading man ni Jennylyn Mercado sa isang drama series.

Inantabayanan natin kung ang official na announcement ng GMA kay Xian ay kagaya ng kay Bea Alonzo.

Hulyo 1 pumirma si Bea ng kontrata sa GMA Network. Bea was welcomed in full force by GMA executives via Zoom, video messages and their presence at the Garden Ballroom of Edsa Shangri-La Hotel.

Sa dami ng nababalitaan nating pumapanaw o nasa kritikal na kalagayan sa mga araw na ito, naaasiwa ako na may “Die” sa title ng TV project nila ni Jennylyn. Negatron ang vibes sa akin.

Ngayong katapusan ng Agosto ay 13,827 ang nadagdag na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Umabot na sa 1,989,857 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng coronavirus sa ating bansa.

Continue reading below ↓

Ber month na bukas, malamang na marinig na natin natin ang "Christmas In Our Hearts" ni Jose Mari Chan.

Malamang din na lumampas na bukas sa 2M ang kabuuang bilang ng naitalang COVID-19 sa bayang magiliw nina Juan de la Cruz at Aling Nena.

Kung gusto talagang magdirek muli ni Xian, mas makabubuting sa Vivamax siya mag-pitch. Ratsada ang Vivamax sa streaming ng mga bagong pelikula. More & more ang paandar nila.

Facebook post ni Kim Chiu ngayong Tuesday sa kanyang mga ootd:

Continue reading below ↓

Ang tugon ni Xian sa tanong kung gusto rin ba niyang sumunod sa kanya si Kim sa GMA 7: “When it comes po sa decision ni Kim, ang masasabi ko lang po diyan is, we’re very supportive sa kahit ano mang decision o kahit ano man pong moves na gawin namin, mapa-working with other actors, working on different projects, hindi po kami… yun nga po, we’re very supportive.

“Hindi po kami nakikialam sa isa’t isa na ‘Ah, huwag mong gawin ‘to, huwag mong gawin ‘yan, ganyan ganyan.’

“We’re just happy, we’re just happy to be working, and mabigyan ng opportunity.”

Wala raw siya sa posisyon na pag-usapan ang kung meron mang pinagdadaanan ngayon si Kim pagdating sa career nito.

“Definitely kung meron man pong meron siyang pinagdadaanan, napapag-usapan po namin yung mga ganung bagay.

“As a couple, siyempre that’s something we have and we tell each other ng mga hinanakit namin, mga sama ng loob. But it’s part of it, it’s part of being in a relationship.”

Continue reading below ↓

Walang ichius iyan, ha?!

NOEL FERRER

True to his being an alumnus of the Ricky Lee Writing Workshop, sinabi ni Xian na kung mabibigyan siya ng chance, gusto sana niyang maging part ng creative team ng Kapuso network.

Gusto rin niyang subukang magdirek at sana ay magamit ang ibang mga isinulat niyang kuwento.

Remember, he directed the 2019 Cinemalaya movieTabon, starring Christopher Roxas? I’m sure gusto niyang maulit muli iyon.

Sabi ni Xian, “Ngayon pa lang, gusto kong sabihin na gusto ko mabigyan ng opportunity to pitch stories ng mga isinulat ko po.

“I wanna be able to have the opportunity to direct… hopefully be part of the creatives. Ang creative process na pagawa ng isang proyekto, that’s something that I’m very passionate with.

“Ngayon pa lang po, nananawagan na nga ako, e. It’s something I love doing.”

Dagdag pa niya, “Aside from acting, hosting… sana po mabigyan din ako ng pagkakataon na kumanta. Makapag-perform with the great singers.”

Continue reading below ↓

Wow, all around. Multimedia Xian.

Tingnan natin how far his being a Kapuso will go. Good luck, Xi!!!

ALSO READ
, "widget":"Hot Stories"} ]

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Xian Lim on girlfriend Kim Chiu: "When it comes po sa decision ni Kim, ang masasabi ko lang po diyan is, we’re very supportive sa kahit ano mang decision o kahit ano man pong moves na gawin namin, mapa-working with other actors, working on different projects, hindi po kami… yun nga po, we’re very supportive."
PHOTO/S: @xianlimm / @chinitaprincess on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results