Bagong Kapuso shows na aabangan ngayong September: Loving Miss Bridgette, Las Hermanas, To Have And To Hold

by PEP Troika
Sep 1, 2021
Kabilang sa aabangang Kapuso shows ngayong September ang Loving Miss Bridgette nina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda; Las Hermanas nina Yasmien Kurdi, Faith Da Silva, at Thea Tolentino; at To Have & To Hold nina Carla Abellana, Max Collins, at Rocco Nacino.
PHOTO/S: GMA Network

JERRY OLEA

BER month na!

Uso na naman si Jose Mari Chan at ang awit niyang "Christmas In Our Hearts."

Lalampas na kaya sa dalawang milyon (2M) ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ngayong Setyembre 1, Miyerkules?

Hindi pa tapos ang Ghost Month 2021 na nag-umpisa noong Agosto 8. Ang huling araw nito ay sa Setyembre 6, Lunes.

May mga inaabangan tayong bagong Kapuso shows pagkatapos ng Ghost Month.

Huling pasiklaban na ng Catch Me Out Philippines sa Setyembre 4, Sabado ng 8:30 p.m.

Sa Setyembre 11, Sabado ng 8:30 p.m. ang primetime pilot ng Regal Studio Presents. Magpapakilig sina Ken Chan at Sanya Lopez sa episode na "That Thin Line Between," sa direksiyon ni Easy Ferrer.

Hanggang Setyembre 10, Biyernes, na lang ang panghapong teledrama nina Ken Chan at Rita Daniela na Ang Dalawang Ikaw.

Sa Setyembre 13, Lunes ng hapon, nakatakda ang pag-uumpisa ng Stories from the Heart. Ang unang mini-series nitong Loving Miss Bridgette ay pagbibidahan nina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda, sa direksiyon ni Adolf Alix Jr.

Continue reading below ↓

Ipina-plug na ng GMA ang Las Hermanas nina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, Faith da Silva, at Albert Martinez. Pang-afternoon prime din ito.

Umeere na rin ang teaser para sa To Have and To Hold nina Carla Abellana, Max Collins, Rocco Nacino, at Rafael Rosell. May pa-save the date ito…Setyembre 27.

Bilang na ang mga araw ng rerun ng Endless Love. Nalaman na ni Jenny (Marian Rivera) na meron siyang leukemia.

Abang-abang na rin syempre ang mga Kapuso sa Season 4 ng singing competition na The Clash.

GORGY RULA

Mahirap pa rin sa production staff ng mga programang magsisimula ng taping.

Kagaya nitong 4th season ng The Clash, na sa pagkakaalam ko ay magsisimula nang mag-taping next week, pagkatapos nilang i-announce ang 30 finalists. Nakatakda silang umere sa September 25.

Kaya lang, nandiyan ang pangamba nilang lahat na baka merong magkasakit, kaagad pack-up ang taping.

Yun naman ang sinusunod nila ngayon, na meron lang isang magkasakit o mahawa ng COVID-19, pack-up agad ang taping. Kaya idinadalangin nilang wala sanang mag-positive kapag nag-swab test bago isalang sa taping.

Continue reading below ↓

Sobrang maingat at mas naghigpit ngayon ang lahat, kaya nahihirapan pa rin silang mag-adjust sa ganitong set-up ng trabaho.

Kagaya nitong isang premyadong aktres na may guesting dapat sa isang weekly show. Talagang pinaghandaan ng production staff ang guesting na yun dahil first time niya sa programa.

Pero na-cancel bigla ang guesting at kailangang i-quarantine si premyadong actress dahil na-expose siya sa isang COVID-positive.

Hindi ko lang sure kung sino sa mga kasamahan niyang madalas nakakasama ang nagka-COVID, kaya kailangan siyang i-quaratine ng ilang araw.

Mabuti at negative naman si premyadong aktres, pero kailangan pa ring tapusin ang quarantine bago siya isalang sa TV guestings.

Totoo kayang itong si premyadong aktres ay aapir as special guest sa isang itini-tape na drama series?

NOEL FERRER

Isa pang JOSE ang nagpapaalala sa akin lagi sa pagpasok ng BER months at pagsisimula ng Pasko—si Jose Ariel Rivera na nagse-celebrate din ng kaarawan ngayon.

Continue reading below ↓

Ang ganda naman at maraming magsisimulang programa ngayong September!

Ang Hoy! Love You! nina Joross at Roxanne ay magpapalabas ng Season 2 simula Setyembre 11.

Meron ding Marry Me, Marry You na ipapalabas ngayong BER month sa iba’t ibang TV and online platforms. Bida rito sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.

Marami pang ibang produksyon na in progress. Exciting ang mga palabas.

At alam ninyo ba, maging ang kapartner ng mga Kapamilya na si MVP ay lalabas sa isang programa nila soon?

Ngayong Setyembre rin unang ipagdiriwang ang Philippine Film Industry Month. Ang opening ceremony ay mamayang 7:00 p.m. sa FDCP Channel, pati na sa Facebook page at YouTube channel ng Film Development Council of the Philippines.

Ratsada ang Vivamax sa streaming this month — 69 + 1 sa Setyembre 3, The Housemaid sa Setyembre 10, Bekis on the Run sa Setyembre 17, at Paraluman sa Setyembre 24.

Streaming naman sa Netflix ang Here and There/Dito at Doon (Setyembre 2), The Promise/Pangako Sa ‘Yo (Setyembre 10), at I’m Drunk, I Love You (Setyembre 15).

Continue reading below ↓

Pasko na nga, at habang ang dami-dami nating pinagdaraanan sa ating bansa, kailangan talaga tayong magkaisa at magsanib-puwersa!

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang sa aabangang Kapuso shows ngayong September ang Loving Miss Bridgette nina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda; Las Hermanas nina Yasmien Kurdi, Faith Da Silva, at Thea Tolentino; at To Have & To Hold nina Carla Abellana, Max Collins, at Rocco Nacino.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results