Charles Delgado, kasama na ang kapatid sa trabaho; Jervy delos Reyes, iba na ang raket

by PEP Troika
Sep 1, 2021
Tuloy pa rin sa pagbebenta ng private videos ang indie actor na si Charles Delgado (top, left) at ngayon ay kasama na niya ang bunsong kapatid na si Kyle Delgado (top, right); pati na ang Tiktok influencer na si Lloyd Agustin (bottom left); samantalang tumigil na sa ganitong raket ang BidaMan finalist na si Jervy delos Reyes (right) at Miko Pasamonte (bottom, right).
PHOTO/S: Twitter / Instagram / Facebook

JERRY OLEA

Aariba na ang private Telegram account ng indie actor na si Charles Delgado para sa September subscribers.

Sa Twitter account ni Daddy Charles ay mas mapangahas ang mga litratong ipinapasilip niya.

Ang bunsong kapatid niyang si Kyle Delgado, sasabak na rin sa pagiging Online Sex Worker (OSW).

Ang private Telegram ni Baby Kyle, magsisimula na ngayong Setyembre. Like kuya, like bunso!

Continue reading below ↓

Ang Tiktokerist at tattoo artist na si Lloyd Agustin, level up ang payanig sa Just For Fans (JFF).

Nakakawindang ang collab nila ni Vladimir Castillo nitong Agosto. Mas mabangis kaya sa pagsapit ng BER month?

Ang kaibigan ni Lloyd at BidaMan finalist na si Jervy de los Reyes, nakaipon ng capital para magnegosyo.

Nag-open si Jervy ng BBQ stand sa may pigar-pigar restaurant ni Kirst Viray, kung saan may palamis stand naman si Ahron Villena.

Nang mag-ECQ, nagsara ang barbecue-han ni Jervy, pati iyong tindahan ni Ahron. Ang resto ni Kirst, pan-take out na lang siyempre.

Nag-tweet si Jervy nitong Agosto 31, Martes ng gabi, “Hi guys! Nag dedeliver po ako ng leche flan and BBQ. Order na po kayo sakin sa mga gusto jan PM niyo lang po ako. Open na po ako sa pag take ng orders for tomorrow! 1-7pm delivery time po. God bless po!”

Continue reading below ↓

May nag-comment na buti pa si Jervy at hindi na ginawang hanapbuhay ang pagiging hubadero.

Tweet ni Jervy, “Salamat po. Matagal na po akong huminto sa ginagawa kong trabaho dati. Di po mahalaga ang pera sakin ang mahalaga sakin kung ano talaga ang nakakapag pasaya sakin. at yun ang Pamilya ko. Balang araw masusuklian ko din sila.”

Continue reading below ↓

Kinumusta ko kay Jervy kung marami bang umoorder sa kanya at nagpapa-deliver.

“Marami po! Salamat po sa mga tumatangkilik!” sagot ni Jervy nitong Setyembre 1, Miyerkules ng hapon, via Messenger.

E, ano iyong tsika na magiging masseur siya sa isang spakol?

“Wala po iyon! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” tugon ni Jervy.

Sandamukal ang hopia at asado na mag-vidjakol muli ang indie actor na si Miko Pasamonte.

“Puro ‘seen’ lang ako sa PM nila. Hindi ako sumasagot,” sabi ni Miko ngayong Wednesday afternoon via Messenger.

Continue reading below ↓

Setyembre 2020 tumigil si Miko sa pagbebenta ng private videos matapos siyang alukin ni Joed Serrano na magbalik-pelikula via Anak ng Macho Dancer.

Kuwento pa ni Miko, “Nagla-live stream ako sa Bigo at Blued. Kumakanta ako, sumasayaw at nagpapatawa.

“Hindi ako naghuhubad doon. Bawal ang bastos. Maba-ban ka pag naghubad.

“May monthly rin na ipinapadala sa akin si Joed. Sapat na iyon para sa akin, at sa gamot ng nanay ko.”

Sa Setyembre 5, Linggo, ang unang anibersaryo ng pagtatagpo nina Joed at Miko. Mula sa Tarlac, hinanap ni Joed ang bahay ni Miko sa Dasmariñas, Cavite.

“Sana, maipakilala ko si Joed nang personal sa nanay kong nasa Caba, La Union,” sabi pa ni Miko.

GORGY RULA

Open ang mga artistang ito sa ganitong klaseng raket. Hindi nila itinatanggi, kaya lalo pa silang nakikilala at maaring nakatulong pa siguro ito sa raket nila, di ba?

Marami pa riyan ang hindi lantad ang ganitong raket. Tahimik sila pero kumikita, lalo na ngayong pandemyang mahina ang trabaho.

Continue reading below ↓

Ewan ko lang kung kailangang pa ng swab test bago ang booking. Pero nakakalusot at tuluy-tuloy ang ganitong sideline.

Nagulat ako nang nalaman kong ganito rin pala ang raket ng isang young actress, kaya siguro nagkahiwalay sila ng aktor na boyfriend niya.

Sandali lamang ang kanilang relasyon at marami ang nagtaka kung bakit break na sila agad. Tikom ang bibig nila sa dahilan ng hiwalayan.

Pero pinag-uusapan ng ilang katrabaho ni young actress na bongga pa rin ang mga gamit nito. Nakarating daw sa kanila ang tsismis na tuloy pa rin ang booking nito sa mayayamang kliyente kahit may ECQ, MECQ, at kung anu-ano pang heightened restrictions.

Ang hirap kaya ng buhay! Kaya dapat madiskarte, at diyan daw magaling si young actress.

NOEL FERRER

I came across the sites and modes of earning for our kababayans online.

No judgment, just questions—why have we come to this? Wala na ba tayong puwedeng ibang pagkakitaan ngayong pandemic?

Continue reading below ↓

Sabihin na lang natin na baka yung iba ay nag-e-enjoy sa ginagawa nila, wala bang maibibigay na alternative ang ating lipunan?

Habang ang iba’y nagkakamal ng milyon at bilyong piso mula sa pandemya, hindi ba’t mas nakaririmarim pa ang ginagawang pangugunglimbat sa pera ng bayan kumpara sa mga ganitong kumakapit sa patalim para lamang mabuhay?

Tapos, sila pa rin ba ang papanigan natin sa darating na eleksyon? Sana, matauhan na tayo!

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tuloy pa rin sa pagbebenta ng private videos ang indie actor na si Charles Delgado (top, left) at ngayon ay kasama na niya ang bunsong kapatid na si Kyle Delgado (top, right); pati na ang Tiktok influencer na si Lloyd Agustin (bottom left); samantalang tumigil na sa ganitong raket ang BidaMan finalist na si Jervy delos Reyes (right) at Miko Pasamonte (bottom, right).
PHOTO/S: Twitter / Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results