Paulo Avelino, ibinuking na matagal nang gustong maging Kapamilya ni Janine Gutierrez

by PEP Troika
Sep 2, 2021
Paulo Avelino on Janine Gutierrez: "When it comes to Janine, I feel like a manager. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Or someone who always needs to help her, to support her all throughout her career.”
PHOTO/S: Kapamilya Channel

JERRY OLEA

Ibinuking ni Paulo Avelino na matagal nang gustong maging Kapamilya ni Janine Gutierrez.

Sa mediacon kasi ng teleserye nilang Marry Me, Marry You nitong Setyembre 2, Huwebes, inamin ni Janine na gusto niyang simulan ang kanyang ABS-CBN journey with Paulo, at natupad naman iyon.

“Ahh, thank you, thank you,” napangiting sambit ni Paulo sabay tingin sa katabing si Janine.

“I’ve always wanted to welcome you here. Ahh, quick trivia. Sabihin ko ba?

“Parang… Janine was supposed to be here maybe a few years back.

“Tapos, nagkaproblema lang with something. Tapos, hayun… nabalitaan ko, we have the same manager [Leo Dominguez], management.

“So, parang… I get the stories first hand. So, my manager called me, iyak daw nang iyak si Janine. Kasi, hindi makakalipat.”

Tumatawang tinapik ni Janine nang bahagya ang balikat ni Paulo.

Napayuko si Janine sa pagpapatuloy ni Paulo, “So, parang… matagal nang ginusto ni Janine na maging Kapamilya! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Continue reading below ↓

Napatalikod si Janine na humahalakhak din.

Dagdag ni Paulo, “But you know, I always see Janine on magazines, or on posts.

“Parang you always wonder, parang… 'Oh, how’s Janine doing? What is she doing now?'

“Parang it makes you also want to try to work with her, because I know she has more to offer, and she has been winning awards here and there.

“And I don’t know, I just… when it comes to Janine, I feel like a manager. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

“True!” singit ni Janine.

Sabi pa ni Paulo, “Or someone who always needs to help her, to support her all throughout her career.”

Mapapanood ang teleseryeng Marry Me, Marry You umpisa Setyembre 13, Lunes ng 9:20 p.m., sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5.

Bago pa nagtambal sina Janine at Paulo sa teleseryeng ito ay may natapos na silang pelikula, iyong Ngayon Kaya. Isa iyon sa napiling walong official entries ng 1st Summer MMFF na gaganapin sana noong Abril 11-21, 2020.

Continue reading below ↓

Dahil sa COVID-19 pandemic ay naudlot ang nasabing filmfest, at hanggang ngayon ay hindi pa naipapalabas ang Ngayon Kaya na prinodyus ng T-Rex Entertainment.

Iyong pelikula ni Janine na Dito at Doon (Here and There) with JC Santos ay streaming na sa Netflix umpisa ngayong Huwebes.

GORGY RULA

Sana, nilinaw ni Paulo Avelino kung kailan exactly ginusto ni Janine Gutierrez na lumipat sa Kapamilya Channel.

Sabi niya, a few years back.

So, bago pa ang shutdown ng ABS-CBN ay inisip na ni Janine na mangabilang-bakod, kahit sumunod na sa kanya sa GMA-7 ang nobyong si Rayver Cruz?

Kasi, few years back, taong 2017, mahaba-habang umere ang kanyang Kapuso afternoon drama na Legally Blind. Maganda ang rating at feedback sa seryeng iyon.

Taong 2018 ay siya ang kinuhang leading lady ni Alden Richards sa Victor Magtanggol, bukod sa guestings sa ilan pang programa.

Ang huling ginawa niya sa GMA-7 ay ang Dragon Lady, noong 2019, na isa ring panghapong serye na consistent ding mataas ang rating.

Continue reading below ↓

Tuwing nai-interview si Janine noon ay nagpapasalamat siya sa GMA-7 na hindi siya pinabayaan, dahil magagandang projects ang ibinigay sa kanya.

Hindi na ba siya masaya nung panahong yun?

Late 2019 ay may pinakawalan siyang kontrobersiyal na tweet na sa pagkakaalam ko ay ikinadismaya ng GMA-7.

Kung hindi ako nagkakamali, patapos na noon ang kontrata niya sa GMA-7 at ewan ko lang kung may alok bang renewal ng kontrata. Pero hindi na siya nabibigyan ng projects.

Maaaring nung panahong yun ay pinag-iisipan na niyang lumipat ng Kapamilya Channel, at baka nararamdaman niyang walang plano ang GMA-7 sa kanya.

Ngayong taon lamang nakumpirmang magiging Kapamilya na siya, at itong Marry Me, Marry You ang kauna-unahan niyang Kapamilya teleserye.

Hindi ko lang matantiya kung kailan niya naisipang lumipat ng Kapamilya network, dahil ilang taon lang ang nakararaan ay sunud-sunod ang malalaking projects niya sa Kapuso network.

Pero move on, move on na!

Continue reading below ↓

Masaya si Janine sa kinalabasan ng teleserye niya, dahil mukhang maganda, at aliw na aliw si Sir Jerry sa preview ng teleseryeng ito.

NOEL FERRER

All the best to Janine Gutierrez who after her best actress awards have been blessed with good projects.

She is altogether a pleasant girl na may paninindigan kaya ang sarap lang i-cheer on at tulungan.

She chose something light as a starter in the Kapamilya Channel sa Marry Me, Marry You. Baka tama namang kumunek ito sa audience lalo na’t nakakapraning ang bad news sa ating bayan.

Sana, makatulong ang teleserye nina Janine at Paulo sa pagpapagaan ng pakiramdam natin.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paulo Avelino on Janine Gutierrez: "When it comes to Janine, I feel like a manager. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Or someone who always needs to help her, to support her all throughout her career.”
PHOTO/S: Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results