Watch Now

Pagpasok ni Rosanna Roces sa Ang Probinsyano, naging daan sa pagbabati nila ni Lorna Tolentino

by PEP Troika
Sep 3, 2021
Inasahan na raw ni Lorna Tolentino (kanan) na magkikita sila ni Rosanna Roces (kaliwa) sa taping ng Ang Probinsyano. Para kay Lorna, "past is past" sa naging isyu nila noon ni Rosanna.
PHOTO/S: Noel Orsal / ABS-CBN

GORGY RULA

Nang nalaman ni Lorna Tolentino na magiging bahagi si Rosanna Roces ng FPJ’s Ang Probinsyano, hindi siya nag-react.

Inaasahan niyang magtatagpo sila sa set kahit binubuo ng tatlong units ang taping ng Kapamilya teleserye sa Ilocos Sur.

Matagal na yung isyu nina Lorna at Rosanna. Wala na sa puso ni Lorna ang galit, lalo na ngayong nasa pandemya pa tayo.

Sabi ng aktres nang naka-text ko noon: “Past is past. Pandemic. Tayo ay magpatawad.

“Masaya si Daboy sa langit. Kailangan sa langit din tayo.”

"Daboy" ang palayaw ni Rudy Fernandez, ang asawa ni Lorna na pumanaw noong Hunyo 7, 2008.

Nakatambal ni Rudy si Rosanna sa TV show na Daboy en Da Girl (2002-2003), at nagkaroon sila ng ugnayan.

Sa pagkaalala ko, noong Linggo, Agosto 29, lang nagkasama sa set sina Lorna at Rosanna.

Kaya posibleng iyon ang araw na lumapit si Rosanna at humingi ng tawad kay Lorna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago pumunta sa set si Lorna ay tinanong ko siya kung aware ba siyang makakasama niya si Rosanna. Alam daw ni Lorna magkikita sila sa isang location.

Tinanong ko uli si Lorna kung babatiin ba niya si Rosanna sakaling magkaharap na sila.

Text niya sa akin, “Tayo ay nabubuhay sa ngayon at bukas. Yung bukas nga ang hirap na.

“Peace [peace emoji] to make the world a better place.”

Na-enjoy ni Lorna ang hotel na tinutuluyan niya sa Ilocos. Lagi niyang ipinu-post ang mga hayop, kagaya ng giraffe, deer, at marami pang nakikita niya sa mala-safari na lugar.

Maaring nakatulong ang magagandang tanawin doon para mapanatag si Lorna at maging positibo ang pananaw sa mga nangyayari.

JERRY OLEA

Hulyo 28, 2021 napabalitang e-exit na si Jane de Leon sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Hulyo 30 napabalita na eentra si Julia Montes bilang bagong leading lady ni Coco Martin sa nasabing teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong araw rin iyon natin nalaman na kabilang si Rosanna sa mga bagong cast members ng programa.

Good-bye, Jane… Hello, Julia!

Sa pag-entra ni Rosanna, e-exit ba si Lorna?

Nalaman natin na hindi. Magkakatrabaho ang dalawang premyadong aktres. Magkikita.

Nakaka-good vibes ang pagbabati nina Lorna at Rosanna. Nakakatuwa.

Nalumbay tayo sa pagpanaw ni Mahal, maging sa paghihiwalay nina LJ Reyes at Paolo Contis… kaya masaya tayo at nakakagaan sa kalooban ang pag-aayos nina Lorna at Rosanna.

NOEL FERRER

At sobrang maingat na maingat sila doon sa Ilocos kung saan sila nagte-taping.

Grabe ang challenges sa taping kaya it pays to be kind, at may good vibes ka lang talaga sa co-stars mo.

Kudos to LT and Osang! Sana all!!!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inasahan na raw ni Lorna Tolentino (kanan) na magkikita sila ni Rosanna Roces (kaliwa) sa taping ng Ang Probinsyano. Para kay Lorna, "past is past" sa naging isyu nila noon ni Rosanna.
PHOTO/S: Noel Orsal / ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results