Julia Barretto, binansagang "Drama Royalty" ng TV5; may chemistry ba kina Marco Gumabao at Marco Gallo?

by PEP Troika
Sep 6, 2021
Pumatok kaya ang unang pagkakataong makakatambal ni Julia Barretto sina Marco Gumabao at Marco Gallo? Ito ang unang serye ni Julia sa labas ng ABS-CBN, na home network niya mula pagkabata. Ito rin ang unang proyekto ni Julia bilang talent ng Viva Artists Agency.
PHOTO/S: Di Na Muli

JERRY OLEA

Kaya nga bang mabuong muli ng oras ang buhay mo, kung alam mong ito rin ang pipigil sa pag-ikot ng iyong mundo?

Sasagutin iyan ng weekly seryeng Di Na Muli, na mag-uumpisa sa Setyembre 18, Sabado, 8:00 p.m., sa TV5.

Ito ang pagbabalik-serye ng tinawag ng TV5 na "Drama Royalty" na si Julia Barretto, katambal ang heartthrob na si Marco Gumabao.

Nasa cast din ng nasabing K-inspired romantic drama sina Marco Gallo, Angelu de Leon, Bobby Andrews, Baron Geisler, Katya Santos, Lander Vera-Perez, Liz Alindogan, Mickey Ferriols, at Andre Yllana.


Continue reading below ↓

Nasa Facebook page at YouTube channel na ang trailer ng Di Na Muli. Idinirek ito ni Andoy Ranay, mula sa panulat ni Noreen Capili.

Sa Setyembre 18 din ay extended na hanggang Sabado ang singing variety show ng TV5 Sing Galing sa pamamagitan ng Sing Galing Sing-lebrity Edition.

Celebrities ang contestants na makakasalo rito ng “Jukebosses” na sina Dingdong Avanzado, Ethel Booba, Rey Valera, at Allan K sa umaatikabong pasingkatan at kantatawanan.

Sa Oktubre ilulunsad ng TV5 ang “Watch & Win” promo kung saan huhulaan ng televiewers ang missing words ng Christmas carols na patutugtugin araw-araw.

Ang mga Kapatid sa Luzon, Visayas, at Mindanao ay may pagkakataong magkamit ng cash prizes linggu-linggo, maging sa Grand Draw.

Noong Setyembre 1 ay nag-umpisa na ang Christmas campaign ng TV5 sa pamamagitan ng Christmas Tree Lighting Ceremony sa home studio ng network sa Reliance Street sa Mandaluyong City.

Ang tema ng campaign ay “Atin Ang Paskong Ito, Kapatid.”

Continue reading below ↓

Live na umere ang Tree-Lighting Ceremony sa Frontline Pilipinas.

Dito inihayag ni TV5 President at CEO Robert P. Galang: "We believe that despite the hardships that every one of us is going through, we can still own Christmas in our little ways.

"Kakaiba man ang Paskong ito, atin pa rin ito, Kapatid!"


Continue reading below ↓

GORGY RULA

Okay naman ang trailer ng Di Na Muli, na inilabas bago matapos ang ghost month. Bagong tambalan ang aabangan natin kina Julia Barretto at Marco Gumabao, at may dagdag pang Marco Gallo na sinugalan na ng Viva TV.

Sinasabi nga ng ilang writers na nakatsikahan ko na meron daw isang K-drama series na ginayahan nito. Tingnan na lang natin ang kabuuan nito, at baka "world class" naman ang pag-handle dito ni Direk Andoy Ranay.

Base kasi sa trailer na napanood ko, parang nakukulangan pa ako. Parang wala pang kilig kay Julia at sa dalawang Marco, lalo na kay Gumabao. Pero baka maganda naman ang kabuuan nito. Abangan na lang natin.

Sa totoo lang, unti-unti nang napapansin ang ilang programa ng TV5.

Bukod sa mga teleserye ng Kapamilya channel na napapanood doon, maayos ang ratings ng game shows nila.

Madalas ay hindi bumababa sa 3% ang rating ng Rolling In It ni Yassi Pressman at The Wall ni Billy Crawford.

Continue reading below ↓


Maaaring bukod sa sports, puwedeng ang game shows ang strength ng TV5. Tingnan natin kung eepek sa mga manonood ang "Watch & Win promo."

Siguro, todo pa dapat sa promo ang mga drama series nila. Okay naman ang feedback na nakukuha ko sa Niña Niño nina Maja Salvador at Noel Comia Jr.

Continue reading below ↓

So-so lang sa Encounter nina Cristine Reyes at Diego Loyzaga. Kaya tingnan natin kung papatok itong Di Na Muli. Sana, hindi na makakaapekto kay Julia ang isyu nila nina Gerald Anderson at Bea Alonzo.


NOEL FERRER

Owww, good at may pagpapahalaga ang TV5 kay Julia.

Continue reading below ↓

At talagang the network is shaping up to be a Barretto platform dahil balitang si Claudine Barretto ay may proyekto rin sa TV5…

At least, it’s open country.

Sana, may project din sa TV5 sina Gretchen at Marjorie! Kasi, if Christmas cannot bring families together, I don’t know what can.

Happy Pasko po sa ating lahat!

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pumatok kaya ang unang pagkakataong makakatambal ni Julia Barretto sina Marco Gumabao at Marco Gallo? Ito ang unang serye ni Julia sa labas ng ABS-CBN, na home network niya mula pagkabata. Ito rin ang unang proyekto ni Julia bilang talent ng Viva Artists Agency.
PHOTO/S: Di Na Muli
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results