Bianca Umali, itinuturing na malaking parte ng buhay niya si Miguel Tanfelix

by PEP Troika
Sep 6, 2021
Bianca Umali on former perennial leading man Miguel Tanfelix: "Hindi naman biro yung tagal ng samahan namin nung magka-love team kami bilang BiGuel. So, I believe malaking parte rin naman ng mga buhay at ng career namin sa isa’t isa."
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Nag-react ang BiGuel fans sa guesting ni Bianca Umali sa The Boobay and Tekla Show, noong Linggo, September 5.

Si Miguel Tanfelix ang mas pinag-usapan sa "May Pa-Presscon" segment hanggang sa isa pa nilang segment na aktingan challenge o "Ang Arte Mo."

Ewan kung pinagbawalang pag-usapan si Ruru Madrid. Pero sinabi ni Bianca na in love siya ngayon at merong nagbibigay ng inspirasyon sa kanya. In love siya sa kanyang pamilya, sa lola, sa mga fans at sa trabaho.

Pero may kakaibang ngiti pa rin si Bianca nang kinumusta sa kanya si Miguel.

Matagal na nagkatambal ang dalawa, at bukas din noon si Miguel sa panliligaw sa aktres.

Hinihinalang may espesyal na ugnayan ang dalawa, pero hindi sila umamin hanggang sa naudlot ang anumang pagtitinginan nila noong July 2018.

Ani Bianca, "Okay kami ni Miguel. Nagkikita pa rin naman kami when we have work at nakakapag-guest ako sa All-Out Sundays, dito sa GMA, ganyan.

Continue reading below ↓

"We’re very okay, kasi hindi naman biro yung tagal ng samahan namin nung magka-love team kami bilang BiGuel.

"So, I believe malaking parte rin naman ng mga buhay at ng career namin sa isa’t isa. So, sa ngayo, kapag nagkikita kami, talagang okay naman."

Sa isang segment na "Ang Arte Mo," pina-reenact sa kanila ang madramang eksena sa Sahaya kung saan umiiyak si Miguel na sinasabi niyang nadudurog siya tuwing nakikita niyang masaya si Sahaya (Bianca) kasama ang iba.

Hindi raw niya makakayang mawawala sa buhay niya si Sahaya.

Ang eksenang yun ang isa sa madalas ding ginagamit sa TikTok. Nang inarte uli ito ni Bianca, kasama sina Boobay at Tekla, tuluy-tuloy ang pagpatak ng kanyang luha.

Kahit di naman ganun kaseryoso ang delivery ng dalawang komedyante, umiiyak pa rin ang Kapuso young actress.

Mas ramdam na kaya niya ang eksenang ginawa nila noon ni Miguel? Sabi niya, isa raw yun sa pinakapaborito nilang eksena ni Miguel.

Continue reading below ↓

"Naalala ko 'yan kasi pinag-uusapan namin kung paano namin gagawin, kasi nung araw na ‘yan, pagod na pagod na kami.

"Madaling araw na yun. Tapos, eto yung last namin na eksena, e, malaking bagay ang eksena na ‘to sa story,” paliwanag ni Bianca.

Sinundan siya ng tanong ni Boobay kung naka-relate ba sila sa eksenang yun. Saan sila humugot nang ginawa nila ang madramang eksenang yun?

Sagot ni Bianca, "Siguro masasabi ko na lang… Paano ba? Every time na aarte kami ni Miguel na magkasama, meron kaming hugot na personal at meron kaming hugot na na-share namin parehas.

"At may respeto kami sa feelings ng isa’t isa."

Kaagad nag-tweet ang Team BiGuel, “Hahahah akalain mong puro si Migs yung topic hahaha #TBATSRebelasyon.”

Marami nga ang naintriga sa pag-iyak ni Bianca sa aktingan challenge na yun.

Pero marami rin ang nagsasabing nandiyan pa rin ang kilig sa BiGuel loveteam. Naka-4.5 percent ang rating ng episode na yun. Mas mataas sa replay nung August 29.

Continue reading below ↓


JERRY OLEA

Noon pa nagkamabutihan sina Ruru at Bianca.

Bago pa nag-premiere ang makasaysayang pelikula na Cara x Jagger (2019), di ba?

Si Miguel, na-link na sa ibang Kapuso young actress.

May nagkuwento sa PEP Troika na sa live episode ng All-Out Sundays (AOS) kahapon, nagdedmahan sina Bianca at Miguel. Dahil ba nandoon si Ruru?

Continue reading below ↓

Pero sabi naman ng ilang taga-AOS, baka nag-iiwasan lang dahil sa mahigpit na ipinapatupad ang social distancing sa backstage, at bawal ang matagal na tsikahan.

Sina Bianca, Ruru, at Miguel ay pawang nasa ilalim ng GMA Artist Center.

Present din sa All-Out Sundays kahapon ang ibang stars na Artist Center na sina Julie Anne San Jose, Barbie Forteza, Rayver Cruz, Aicelle Santos, Rita Daniela, Ken Chan, Gabbi Garcia, Jessica Villarubin, Jeremiah Tiangco, Derrick Monasterio, Sanya Lopez, at Glaiza de Castro.

NOEL FERRER

Basta ako, with Bianca moving on… her star keeps on shining brighter!

Her assignments even give us the extent of what she can achieve pa even internationally.

At yung sa kanila ni Ruru, I can imagine how far it’ll go pa, given that they are two really talented actors that GMA will build up.

In the end, water will find its level!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bianca Umali on former perennial leading man Miguel Tanfelix: "Hindi naman biro yung tagal ng samahan namin nung magka-love team kami bilang BiGuel. So, I believe malaking parte rin naman ng mga buhay at ng career namin sa isa’t isa."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results