Sharon Cuneta, papasok sa Ang Probinsyano? John Prats, magpapaalam na?

by PEP Troika
Sep 7, 2021
Usap-usapan ang pagpasok diumano ni Sharon Cuneta sa cast ng Kapamilya primetime series na Ang Probinsyano, habang nagbabadya naman ang pagpapaalam ng karakter ni John Prats.
PHOTO/S: Viva Films / Kapamilya Channel

JERRY OLEA

Sa pagpasok ng mga bagong karakter sa FPJ’s Ang Probinsyano, e-exit na ba si John Prats?

Sa huling teaser ng serye, ipinakitang naghihingalo at duguan si Jerome (karakter ni John Prats) habang tinatawag ang pangalan ni Cardo (Coco Martin) pagkatapos siyang mabugbog.

Mawala man si John Prats, meron pa ring John sa serye… si John Estrada na gumaganap bilang Armando, ama ni Mara (Julia Montes).

Galing sa isang pamilyang magsasaka ang mag-amang Mara at Armando. Sunud-sunod ang mga kalbaryong hinarap nila sa kamay ng mayaman at makapangyarihang negosyante na si Don Guillermo (Tommy Abuel).

Ipinapatay nito ang kanilang mga kamag-anak at pinalayas sila sa sarili nilang teritoryo.

Pagkatapos ng maraming taon ng pang-aapi, nagdesisyon si Mara at ang kanyang pamilya na talikuran na ang kinagisnan nilang buhay para maningil sa kanilang mga kalaban.

Magtagumpay kaya ang planong pagpatay ni Mara kay Don Guillermo?

Nabalitaan nating tatlong unit ang FPJ’s Ang Probinsyano sa Ilocos.

Isa sa mga location nila ay ang mala-palasyong tahanan ni Mayor Chavit Singson sa tabing dagat ng Narvacan, Ilocos Sur.

Pero hindi nakatutok si Mayor Chavit sa taping doon. Nabalitaan ng PEP Troika na nagtungo si Mayor Chavit sa South Korea upang mag-invest doon ng $100M, partikular para sa isang resort development project.

At any rate, napapanood ang FPJ’s Ang Probinsyano Lunes hanggang Biyernes ng 8:00 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel, at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix.

Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Sana nga, matuloy ang pagpasok ng nag-iisang Megastar Sharon Cuneta sa FPJ’s Ang Probinsyano!

Napabalitang baka si Sharon ang gumanap bilang nanay ni Mara (Julia Montes).

Ito’y habang hinihintay kung ano ang updates sa mga tinamaan ng COVID sa taping.

For now, patuloy na inaaliw ng mga artista at staff ang kanilang sarili sa mga giraffe at magagandang tanawin sa Ilocos.

GORGY RULA

Kahit mga malalaking artista ay sabik na ring magtrabaho kahit naka-lock in.

Halos karamihan sa veteran stars ay gusto nila ang ganitong set-up dahil kontrolado at naka-focus ang mga tao sa ginagawa nila. Walang nali-late at bawal ang mag-iinarte sa set, dahil maraming bawal at mahigpit na ipinapatupad ang working hours at safety protocols.

Sana nga, matuloy si Sharon Cuneta sa FPJ’s Ang Probinsyano para talagang itinodo na ang episodes nila kung totoong tatapusin na ang teleserye.

Ang Kapuso primetime series na The World Between Us ni Alden Richards ay may isa rin daw big star na may special participation sa seryeng ito.

Malapit na silang magsimula ng next cycle ng lock-in taping, pero wala pa kaming naririnig na kumpirmasyon kung matutuloy ba ang guesting ng big star na ito.

Bongga kung matutuloy siya!

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Usap-usapan ang pagpasok diumano ni Sharon Cuneta sa cast ng Kapamilya primetime series na Ang Probinsyano, habang nagbabadya naman ang pagpapaalam ng karakter ni John Prats.
PHOTO/S: Viva Films / Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results