Aiko Melendez, Pokwang, Ogie Diaz pumalag sa proposed face-to-face classes

by PEP Troika
Sep 7, 2021
Aiko Melendez, Pokwang, at Ogie Diaz may violent reaction sa proposal ng Department of Education na subukang mag-face-to-face na ang pag-aaral ng mga kindergarten hanggang Grade 3.
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Kontra sina Aiko Melendez, Pokwang, at Ogie Diaz sa mungkahi ng Department of Education (DepEd) na subukang mag-face-to-face na ang pag-aaral ng mga kindergarten hanggang Grade 3.

If ever, tatlong oras lamang ang classes.

Sa kinder, labindalawa (12) ang papayagang estudyante samantalang sa Grade 1 to 3 ay hindi dapat lumampas sa labing-anim (16) ang students.

Ibinahagi ni Ogie Diaz ang balita nitong Setyembre 7, Martes ng umaga, sa Facebook kalakip ang kanyang himutok:

“Sino ba ang ayaw, di ba? Pero wag kayong pabida. Ipahinga nyo yang idea na yan.

“Wag nyong gawing guinea pig ang mga bata para i-try kung mananatiling negative habang nasa klase.

“Di rin naman siraulo mga parents para isugal ang buhay ng mga anak nila. Mula kinder hanggang grade 3? So ano ang unang ituturo ng mga guro?

“Kung paano manatiling safe during pandemic? Na i-maintain ang social distancing among them?

“Mga bata yan, imposibleng di magdidikitan ang mga yan, lalo na kung na-miss nila ang isa’t isa.

Continue reading below ↓

“Sa brilliant idea nyo na yan, sa palagay nyo, aabot sa Grade 4 ang mga bata kung isasapalaran nyo ang buhay nila?

“Ni-lockdown nga ninyo at nawala ang face-to-face classes nung mababa pa lang ang bilang ng mga kaso nung March 2020, tapos, feeling nyo, safe na siya ngayong nagbe-beinte mil ang kaso ARAW-ARAW?

“Ano feeling nyo? Mas matibay ang immune system ng mga bata kesa matatanda ngayong mataas ang kaso?

“Asan ang logic doon? Ituturo din ba ang logic sa kinder hanggang grade 3?”

Continue reading below ↓

Nagkomento bilang pagsang-ayon si Aiko Melendez: “I agree you on this. Mali na ang mga bata ang ifront line nila para lang habulin ung pondo na malalaan again dito.

“Ang dami na namamatay, lalo na ang mga bata wala naman sila vaccine. Naitawid naman na online classes muna ang mga bata bakit di muna pababain ang cases at kapag meron na along the way na vaccine that would be safe sa kids that’s the time na pwede na to.

“Kht ipush ng dep ed yan bilang magulang di ko sasapalaran ang safety ng mga bata.”

Ni-repost ni Pokwang ang himutok ni Ogie with matching panggigigil, “P*T*NG INA KAYO KAYO NALANG!!!

“Ano ako ulol para ipain ang anak ko sa kabobohang idea na ito? di na oy!!!!”

Continue reading below ↓

More and more ang emote ni Pokwang sa mga umayon at nagkomento sa kanyang FB post.

“SOBRANG NAKAKAGALIT MANG!!!!” hiyaw ni Direk Dwein Baltazar.

Sey ni Pokwang, “kaya nga pinaka walang kwentang magulang kana sa mundo kapag pinayagan mo anak mo sa ganitong sistema poottaahh!!!

“guinea pig ba mga bata??? testing testing???? bat hindi nalang sila sila mga hinayupak!!!!”

Parunggit ni Andrew de Real, “Isa na namang kabobohan ng DepEd”

Saad ni Pokwang, “kahit mga pamangkin ko di ko papayagan anak ko pa kaya?

“mga anak muna nila testing testing muna nila.”

Ngayong Martes, 18,012 ang nadagdag na bagong kaso ng coronavirus sa bansa. So far, 2,121,308 na ang naitalang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

GORGY RULA

Tila nalilito na ngayon ang mga nasa pamahalaan sa mga desisyon nila.

Ilang buwan na ang nakararaan, isa sa mga nabanggit nila noon na kailangang magkakaroon muna ng bakuna sa mga bata bago nila ibalik ang face to face na klase.

Continue reading below ↓

Sino ba namang magulang ang itataya niya ang mga anak sa nakakatakot na kalagayan natin ngayon?

Naintindihan ko ang mga nakakapagbitaw ng mga di magagandang salita.

Sa mga pinagdaanan natin ngayon, para tayong nasa limbo. Hindi natin alam kung ano na ba ang kasunod na mangyayari. Ano na ba ang susunod na ipapatupad na patakaran?

Nakakapagod na talaga. Kaya mabuti na lang at naging vocal tayo sa ating nararamdaman. Naipapahayag natin sa social media ang tunay na nararamdaman natin sa mga nakikita nating pamamalakad ng ating gobyerno.

Pero huwag na sanang magmura. Ibigay na natin ‘yan sa ating pangulo.

Maging maingat na lang sa mga sinasabi natin. Dapat naman talagang makialam na tayo, pero huwag na sanang makigulo.

NOEL FERRER

Ang kanta natin ay inawit ni Diana Ross sa pelikulang Mahogany (1975) na pinagbidahan niya — "Theme From Mahogany (Do You Where You’re Going To)."

Ang refrain ng awit: “Do you know where you're going to?/ Do you like the things that life is showing you/ Where are you goin' to?/ Do you know?”

Continue reading below ↓

THIS NEW CLASSIFICATION TELLS US THAT THE ECQ, MECQ, GCQ and MGCQ LEVELS ARE NOT EFFECTIVE ANYMORE.

Kahapon, 22k plus tapos ngayon, 18k pa rin.

Magdyi-GCQ with Alert Levels System na raw pero binawi, MECQ pa rin.

Ang latest na nakuha ng PEP Troika mula kay Presidential Spokesperson Harry Roque, “The Inter-Agency Task Force (IATF) deferred the pilot implementation of the General Community Quarantine (GCQ) with Alert Levels System in the National Capital Region (NCR).

“Metro Manila’s current risk classification as Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) shall be maintained until September 15, 2021, or until the pilot GCQ with Alert Level System is implemented, whichever comes first.

“Having said this, indoor and al-fresco dine-in services, and personal care services including beauty salons, beauty parlors and nail spas shall remain prohibited. “Religious services, on the other hand, performed through online video recording and transmission shall be allowed.

“Meanwhile, immediate family members are allowed to attend necrological services, wakes, inurnment and funerals as long as the deceased died of non-COVID-19 causes.

Continue reading below ↓

“However, they need to show satisfactory proof of their relationship with the deceased and have to comply with the minimum public health standards.”

Change strategy — GRANULAR LOCKDOWN.

Balita ko, even the Metro Manila mayors are as confused as the DOH, DILG & NEDA. Now, who is in charge of all these?

My heart goes to the Local Government Units.

Litung-lito na tayo. Hindi naipapaliwanag nang maayos kaya hindi mo masisi ang ganitong nga reaksiyon sa mga magulang na kasamahan natin sa industriya.

Kawawang mga mamamayan, kanya-kanyang interpretasyon na lang ba? ANO NGA BA ANG PLANO? Bakit gulung-gulo tayo?!

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez, Pokwang, at Ogie Diaz may violent reaction sa proposal ng Department of Education na subukang mag-face-to-face na ang pag-aaral ng mga kindergarten hanggang Grade 3.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results