Sanya Lopez, ayaw munang magsalita tungkol sa balitang may Book 2 ang First Yaya

by PEP Troika
Sep 8, 2021
Sanya Lopez on First Yaya: "Kasi, isa sa naging… kung bakit kinagat itong First Yaya, kasi sa dami-dami nating pinagdaanan ngayon, ang dami-dami nating hindi magandang napapakinggan, nababalitaan, isa si First Yaya sa nagbigay-saya."
PHOTO/S: @sanyalopez on Instagram

GORGY RULA

Ayaw munang mag-comment ni Sanya Lopez tungkol sa narinig naming balita na magkakaroon ng Book Two ang First Yaya.

Ayon sa nakalap naming impormasyon, First Lady na ang title ng Book Two dahil asawa na ni Yaya Melody (Sanya) si President Glenn Acosta (Gabby Concepcion).

Kinumusta namin ito kay Sanya sa virtual mediacon ng Regal Studio Presents nung Martes, September 7.

Saad ng Kapuso actress, “Hindi pa rin po kasi nagsasalita hangga’t hindi ko pa po sure. So, kapag sure na, mas mabilis magsabi, e.

“May paniniwala kasi ako na kapag hindi pa siya umeere at hindi ko pa napapanood ang sarili ko, hindi po talaga ako nagsasalita regarding sa project na gagawin ko po.”

Pero hindi raw niya maitago ang excitement sakaling matuloy ito.

“Ang dami dami kasing possible na mangyayari, e.

"Imadyinin niyo, nung First Yaya pa lang siya, ang dami nang nangyari kay Yaya Melody. Ano pa kaya ngayong naging asawa pa siya ng presidente?

Continue reading below ↓

“Nung nagsisimula pa lang siya, ganun na kagulo, ano pa kaya?

“Sabi nga namin, kapag nagkataon, sana mas masaya pa.

"Kasi, isa sa naging… kung bakit kinagat itong First Yaya, kasi sa dami-dami nating pinagdaanan ngayon, ang dami-dami nating hindi magandang napapakinggan, nababalitaan, isa si First Yaya sa nagbigay-saya.

“Kahit papa'no, nakapawi ng lungkot sa alam mo sa mga nangyayari sa buhay,” saad ni Sanya.

Sa ngayon ay abala si Sanya sa promo ng episode nila ni Ken Chan, ang That Thin Line Between, para sa Regal Studio Presents na magsisimula na sa Setyembre 11, Sabado ng 8:30 p.m.

NOEL FERRER

Sanya deserves that big break of the Season 2 of First Yaya na First Lady na!

In fact, matagal na nating nakita ang kanyang potential. Bukod sa may husay sa pag-arte niya, mabait pa siya talaga. Alagaan lang ng magagandang projects.

At least, sana makabawi ang Regal dito from the Sanya’s launching film that did dismally at the tills—iyong Wild and Free (2028) kung saan katambal niya si Derrick Monasterio.

Continue reading below ↓

Ngayon, at least, may anthology, at may teleserye ulit sana. At sana a very good relaunching movie after the pandemic.

All the best, Sanya and to Regal Studio Presents!

JERRY OLEA

Kabilang si Sanya sa Kapuso celebrities na magpapakitang-gilas sa countdown ng Lazada para sa LazMall 9.9 Super Show VIP Night ngayong Setyembre 8, Miyerkules ng 9:30 p.m., sa GMA Network.

Hosts ng Lazada 9.9 countdown sina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Barbie Forteza, Aicelle Santos, at Sam YG.

Magpapasiklab din dito sina Mark Bautista, Kyline Alcantara, Miguel Tanfelix, Kim de Leon, Lexi Gonzales, Mavy Legaspi, Cassy Legaspi, at isang Kapuso Royalty.

Hopia, asado, at expectorant tayo na magkaroon ng ikalawang yugto ang First Yaya, kung saan kilig na kilig tayo kina Yaya Melody at President Glenn.

Hindi tayo masyadong masaya sa ratings ng pumalit dito na The World Between Us. Wala pa rin akong maramdamang kilig sa tambalan nina Alden at Jasmine.

Continue reading below ↓

Ano kaya kung mag-guest si Bea Alonzo sa The World Between Us bilang patikim sa tambalan nila ni Alden sa gagawing pelikula?

At any rate, umeere sa GMA Afternoon Prime ang TV remake ng pelikulang Nagbabagang Luha (1988) na pinagbidahan noon nina Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Alice Dixson, at Richard Gomez.

Kaya hindi na tayo nagulat sa pagsasanib-pwersa ng Regal at GMA. Itong weekly anthology na Regal Studio Presents ay ipinagmamalaki na biggest telemovie collaboration of the year.

Tuwing Biyernes ng hapon ay meron namang Regal Treasures sa GTV, kung saan palabas ang mga lumang pelikula ng Regal.

Sa Setyembre 26, ipalalabas naman sa Heart of Asia ang Regal BL series na Ben x Jim, na bida sina Jerome Ponce at Teejay Marquez, sa direksiyon ni Easy Ferrer.

Si Direk Easy rin ang direktor ng mga unang episode ng Regal Studio Presents, kung saan bida sina Sanya Lopez at Ken Chan, Gabbi Garcia at Khalil Ramos, at Sofia Pablo at Allen Ansay.

Continue reading below ↓

Nang maka-chat ko si Direk Easy kahapon via Messenger, ibinalita niyang isinusulat na niya ang script ng Season 3 ng Ben x Jim.

Ang pahayag ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde, “Regal Entertainment has always kept a cordial and happy relationship with GMA-7. Not only as a business partner but as a friend.

“Through so many years of our film production, GMA has always been an ally, the supporter of our endeavors. That is why it is only fitting that in these more crucial and critical times, we remain together.

“We are strong together in providing the kind of entertainment that our audiences need. Thank you for giving us this opportunity, to affirm our friendship and alliance.

“Thank you for believing in Regal Entertainment in reaching out to our Filipino audience to share the wealth of our years of film production.

“Thank you for giving the next generation the bigger chance to see Regal and GMA go together through this extraordinary period and on to their post pandemic times. Maraming salamat po.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sanya Lopez on First Yaya: "Kasi, isa sa naging… kung bakit kinagat itong First Yaya, kasi sa dami-dami nating pinagdaanan ngayon, ang dami-dami nating hindi magandang napapakinggan, nababalitaan, isa si First Yaya sa nagbigay-saya."
PHOTO/S: @sanyalopez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results