Luis Manzano inintriga ang inang si Vilma Santos kung TOTGA nito si Christopher de Leon

by PEP Troika
Sep 8, 2021
Vilma Santos on why she never got romantically involved with perennial leading man Christopher de Leon: "Basta that time, wrong timing kaming pareho. Pag libre siya, ako may boyfriend and vice versa. We ended up platonic love. We care for each other. Ninang ako ng panganay nilang anak."
PHOTO/S: CTTO via starforallseasons.com

GORGY RULA

Sobrang nae-enjoy na ni Congresswoman Vilma Santos-Recto ang pagba-vlog.

Ito ang pinagkakaabalahan nila ng panganay na anak na si Luis Manzano kasama ang misis nitong si Jessy Mendiola, habang kina Vilma muna nakatira ang mag-asawa.

Isa sa nagustuhan ng karamihan ay ang latest “Lucky TV” episode sa eponymous YouTube channel ni Luis.

Malupet ang one-on-one interview ni Luis sa kanyang ina, na ipinost niya nung Martes, September 7.

Pinamagatan iyong "Heart-to-Heart Talk with Momski" na, sabi nga ni Vilma, lumabas ang pagkatsismoso ng anak niya.

Natanong kasi ni Luis kung sino ang unang nasabihan ng Momski niya nung ipinagbubuntis siya nito.

Ayon kay Vilma, "honeymoon baby" nila ni Edu Manzano si Luis.

Si Direk Maning Borlaza at ang mama at mga kapatid ni Vilma ang una niyang nasabihan. Pero sa mga artista ay si Christopher "Boyet" de Leon daw.

May ginagawa raw silang pelikula nun ni Boyet na idinirek ni Maning, at sinabi ito ni Vilma sa leading man niya.

Continue reading below ↓

Hindi raw muna sinabi ni Vilma sa publiko dahil hinintay muna niyang mag-showing ang pelikula nila ni Boyet.

Dito tinanong ni Luis si Vilma: "Ni minsan ba, hindi kayo naging romantically involved ni Tito Boyet?"

Parang naalangan si Vilma pero sagot niya, “Hindi.”

“Wah! Nag-isip ka! Nakita niyo, nag-isip ka,” hirit ni Luis.

Natawa lang si Vilma at sinabihan ang anak niyang tsismoso ito.

Pero sinundan pa siya ng tanong ni Luis: "Sa dinadami-dami ng proyekto niyo ni Tito Boyet… di ba sa kadalasan, kapag partner...

"Ni minsan ba hindi nagkaroon ng pagtitinginan o nabuong pagmamahalan o anuman?”

Pakli ni Vilma, "Basta platonic love kami meron."

Patuloy ng actress-politician, "Basta that time, wrong timing kaming pareho. Pag libre siya, ako may boyfriend and vice versa.

"We ended up platonic love. We care for each other. Ninang ako ng panganay nilang anak."

Ang tinutukoy ni Vilma ay ang panganay nina Christopher at Sandy Andolong na si Rafael.

Continue reading below ↓

Lalong natawa ang Star for All Seasons sa tanong ng anak niya kung TOTGA o The One That Got Away ba niya si Boyet.

"Hindi! Ano ka ba!" mabilis na sagot ni Vilma.

Itong pagba-vlog ang isa sa kinatuwaan talaga ng kongresista kaya sinabi niya kay Luis na dapat ay igawa siya nito ng sarili niyang YouTube channel.

Pina-acting siya ni Luis kung paano umiyak, na ginawa naman ni Vilma, basta igawa lang daw siya nina Luis at Jessy ng sarili niyang YouTube channel.

Dapat ay meron na raw siyang sarili niyang YouTube channel bago bumalik sa kanilang bahay ang mag-asawang Luis at Jessy.

"Every day, lahat ng activities ko, ikukuwento ko sa kanila. 'Guys, meron akong pupuntahang ganito. Ito ang nangyari sa akin today.'

"Mag-subscribe kayo sa akin, para naman magkuwento ako sa inyo. Kailangan, marami akong subscribers, di ba?" masayang pahayag ni Vilma.

Doon na rin nila in-announce ang YouTube channel ni Vilma na Youtube.com/VSRecto.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Later sa interbyu, nilinaw ni Vilma na ang una siyempreng sinabihan niya tungkol sa kanyang pagbubuntis ay ang asawang si Edu Manzano.

At any rate, touching din ang message ni Luis para sa kanyang Momski.

"Bagong panganak siya sa akin, konting oras lang yung nabibigay niya sa akin. Konti lang," lahad ni Luis.

"Kumbaga, pag-uwi ng gabi, sa umaga halos wala na ring time, and one of the biggest gifts na ibinigay sa akin ni Lord was understanding.

"I was able to understand na I didn’t take it against my mom, na kinakailangan niyang gawin.

"Kasi, naniniwala ako na lahat [ng time] na hindi ko nakikita si Mommy, bihira ko siyang makasama, is because she wants to give me a comfortable life. Just like anything.

"Kahit ilang milyong beses na niyang sinabi na tuwing alas-nuwebe, alas-otso ng gabi na, 'I love you, Lucky,' I’ll take this time to say it back na I love you, Mommy.”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Of course, we love Ate Vi and her family, and we support her all the way.

Alam din nating importante ang social media content ngayon dahil it keeps us connected.

Sa tingin ko, mahirap talaga to reach a larger part of our kababayans come election time lalo na ngayong pandemya.

Buti na lang, Ate Vi is able to come up with happy and inspiring content. May mga nasisilip pa akong pakontes niya sa kanyang followers.

Basta, let her Vi! We love the online Vi!

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vilma Santos on why she never got romantically involved with perennial leading man Christopher de Leon: "Basta that time, wrong timing kaming pareho. Pag libre siya, ako may boyfriend and vice versa. We ended up platonic love. We care for each other. Ninang ako ng panganay nilang anak."
PHOTO/S: CTTO via starforallseasons.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results