Paolo Contis on breakup with LJ Reyes: "Naging marupok at gago ako."

by PEP Troika
Sep 8, 2021
Paolo Contis admits womanizing is one of the causes of breakup of his six-year relationship with LJ Reyes: "Aaminin ko, naging marupok at gago ako sa ilang taon naming pagsasama. I’m not proud of it. For that, I’m sincerely sorry. I’m truly ashamed of my actions."
PHOTO/S: LJ Reyes Facebook / Paolo Contis Instagram

GORGY RULA

Sa gitna ng mainit na isyung hiwalayan nina Paolo Contis at LJ Reyes, ilang beses naming nakapalitan ng text ang Kapauso actor.

Nagkausap din kami minsan pero tipid lang ang sagot ni Paolo.

Nandiyan pa rin ang mga hirit niyang patawa, pero ramdam kong malungkot siya at nahihirapan siya sa pinagdadaanan niya ngayon.

Ilang beses na rin niyang nababanggit na nakakapagod na raw.

Sinasabi rin niyang sa tamang panahon ay magbibigay siya ng kanyang sagot at saloobin sa isyung ito.

Kaya nang muli kong kinumusta ang aktor, sinabi niya sa aking mayroon na siyang ilalabas na statement at ipu-post niya sa kanyang Instagram account.

Abangan ko na lang daw ang ipu-post niya, pagkatapos niyang makipag-usap sa GMA-7.

Sa Instagram post ni Paolo, na lumabas nitong gabi ng Miyerkules, September 9, isa-isang sinagot ng Kapuso actor ang lahat ng mga pagkakamaling nagawa niya sa partner of six years na si LJ.

Continue reading below ↓

Tahasang sinabi ni Paolo na hindi lang isa ang naging ibang babae niya habang sila ay magkarelasyon ni LJ.

Tinawag niya ang sariling "marupok" at "gago."

Humingi rin siya ng tawad kay LJ sa kanyang mga pagkakasala.

Sa kabilang banda, kinumpirma ni Paolo na totoo ang mga kumalat na sightings sa kanila ni Yen Santos sa Manaoag at sa Baguio.

Siya raw ang nag-aya sa aktres na lumabas.

Totoong dumaan daw sila sa Manaoag Church sa Pangasinan para ipagdasal ang pinagdadaanan niyang problema.

Pero paglilinaw ni Paolo, walang kinalaman si Yen sa hiwalayan nila ni LJ.

Humingi rin ng paumanhin si Paolo sa estranged wife na si Lian Paz dahil sa muling naalala ng netizens ang hiwalayan nila.

Higit sa lahat, humingi ng paumanhin si Paolo kay LJ "for everything"; sa anak nilang si Summer; at kay Aki, ang anak ni LJ kay Paulo Avelino na itinuring na rin niyang sariling anak.

Continue reading below ↓

Narito ang kabuuang pahayag ni Paolo bilang sagot sa lahat na mga ibinatong isyu laban sa kanya na may kaugnayan sa hiwalayan nila ni LJ Reyes:

"After lumabas ng interview ni LJ, katakot takot na pang aalipusta at pambabatikos ang natanggap ko.

"I can’t say I don’t deserve it kaya tinatanggap ko lang ito. I understand all your frustrations.

"Gusto ko sana manahimik kaya lang marami nang mga nadadamay na hindi dapat kaya mas mabuti sigurong sagutin ko ang ilan sa mga ito…

"1. Drugs - Merong nagsasabi na meron siyang reliable source that I take drugs and as a result, sinasaktan ko si LJ at ang mga bata. This is NOT true.

"Minahal at inalagaan ko sila. I never laid a finger on them.

"2. Third Party - Aaminin ko, naging marupok at gago ako sa ilang taon naming pagsasama. I’m not proud of it.

"For that, I’m sincerely sorry. I’m truly ashamed of my actions.

Continue reading below ↓

"3. Yen Santos - She was never the reason of our break up. I was.

"Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me.

"Masyado niyo [Yen] siyang diniin sa issue na to. Pati pag promote namin ng movie nabahiran na ng kung anu ano.

"4. Baguio - When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip isip.

"Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din.

"She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this.

"5. Lolit - Please stop bashing her. Nanay ko si Lolit. Natural lang na ipagtanggol niya ako kahit mali ako. May nanay din kayo diba?

"Hindi niyo alam ang mga pagalit at pangaral niya sa akin pag kami lang ang naguusap. Sinabihan ko na siya to stop protecting me.

Continue reading below ↓

"Ang sinabi lang niya ay HINDI, ANAK KITA! HAYAAN MO AKO! For that, I’m sorry Nay. And thank you! Sa inyo pareho ni Nay Cristy.

"I was very clear to LJ when I told her I want to see and take care of Summer kahit hindi kami okay. But I understand and respect her decision to go to the States muna.

"Sana balang araw makapag usap kami ng maayos para sa bata.

"Madami pang kailangan pag usapan pero sa amin na lang ni LJ yun at sana respetuhin niyo yun."

Continue reading below ↓

"I’m sorry sa lahat ng nadamay sa issue na to. I want to apologize to Lian and the kids, na nagulo na naman ang tahimik na buhay dahil sa akin.

"I’m sorry to my Mom. Please don’t worry about me too much.

"I’m sorry to my team na hindi na nakakatulog dahil sa akin.

"To Summer, I’m sorry my Ganda. I love and miss you so much. Papa will do his best to be better. I will always be here for you. I promise.

"To Aki, I wish I could’ve done things differently and listened to you more. I’m sorry I failed you.

"To LJ, I’m very sorry. For everything. Sa lahat lahat.

"I will work on making myself a better person and learning from this. But for now, please respect our privacy and pray for us.

"Ngayon kung hindi pa po kayo pagod, please direct all your hate and bashings at me. No one else deserves it, ako lang. Thank you."

Continue reading below ↓

August 19 nang unang pumutok ang balitang hiwalay na sina Paolo at LJ.

September 1 nang kumpirmahin mismo ni LJ na totoong break na sila ni Paolo, at inamin niyang gumuho ang mundo niya dahil dito.

Sinabi ni LJ na "late last year" ay nagsimulang makita niya ang pagbabago ni Paolo, at pagkawala ng mga katangiang minahal niya rito.

Continue reading below ↓

Hindi matumbok noon ni LJ kung ano ang matinding isyu, kunsaan apektado ang mga anak niya, na siyang naging mitsa ng hiwalayan nila ni Paolo.

Pero kapansin-pansing nagpahiwatig na noon si LJ na isyu pera at third party ang mabigat na pagkakamali ni Paolo.

JERRY OLEA

Pinagpistahan sa memes ang hiwalayang LJ-Paolo, at pinaglaruan maging sa TikTok. Ikinumpara si Paolo kina Gerald Anderson, Derek Ramsay, Aljur Abrenica at Kiko Estrada.

Lilipas din ito,' ika nga.

Kumukurot sa puso ang paghingi ng paumanhin ni Paolo sa mga nasaktan at nadawit sa hiwalayan nila ni LJ. Inako niya ang kasalanan.

Inamin niya ang kanyang pagkakamali at pagkukulang. Nawa’y matahimik na ang usaping ito sa lalong madaling panahon.

NOEL FERRER

Enough said. Now we wait for better actions.

After all these, Paolo, LJ , their families, the people involved and us as audience may become better people

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis admits womanizing is one of the causes of breakup of his six-year relationship with LJ Reyes: "Aaminin ko, naging marupok at gago ako sa ilang taon naming pagsasama. I’m not proud of it. For that, I’m sincerely sorry. I’m truly ashamed of my actions."
PHOTO/S: LJ Reyes Facebook / Paolo Contis Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results