Former ABS-CBN stars Rayver Cruz, Beauty Gonzalez, Khalil Ramos, kumusta na bilang Kapuso?

by PEP Troika
Sep 9, 2021
FROM ABS-CBN TO GMA-7: Ibinahagi ng dating Kapamilya stars na sina (mula kaliwa) Rayver Cruz, Beauty Gonzalez, at Khalil Ramos ang kanilang saloobin tungkol sa pagiging Kapuso.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Samu’t sari na ang naglalabasang opinyon tungkol sa nalalapit na pagpirma ni Lovi Poe sa Kapamilya Channel.

Siya ang hula ng karamihan sa teaser ng Dreamscape na "precious jewel" na lilipat ng tahanan.

Marami ang nanghihinayang, pero tanging si Lovi at ang kampo nito ang nakakaalam kung bakit nag-decide na siyang iwan ang network na nag-groom sa kanya bilang "Primera Aktresa."

Pasasalamat at tuwa naman ang pahayag ng mga dating Kapamilya stars na nag-decide na lumipat at manatili sa Kapuso network.

BEAUTY GONZALEZ

Feeling daw ni Beauty Gonzalez, na bida sa bagong mini-series na Loving Miss Bridgette ng Stories From The Heart, parang napakatagal na niyang Kapuso pagkatapos makatrabaho ang mga taga-GMA-7.

Ang bilis daw niyang naging kumportable sa mga bagong katrabaho dahil maayos ang pakikitungo sa kanya at napakabait ng lahat na staff at co-actors niya.

“Sobrang welcoming nilang lahat. Ang bait nila sa akin.

"I feel so privileged na there’s a good company who trusts me like GMA, with my capacity and who believes in me, nakakaganadong ibigay ko ang best ko para sa kanila,” pakli ni Beauty sa virtual mediacon ng Loving Miss Bridgette.

Continue reading below ↓

Magsisimula na ang Loving Miss Bridgette sa September 13, Lunes ng 3:25 p.m., pagkatapos ng Nagbabagang Luha.

Sabi pa ni Beauty, blessing na sa kanya ipinagkatiwala ang first offering ng Stories From The Heart.

“I feel so happy about it. The script is so beautiful kaya excited ako every day to go to work.

"And our director really helps us and also everyone—the staff, the crewmakes me feel at home. Makes me feel comfortable sa work.

“Ang mga kasama kong mga actors din, sobrang babait nilang lahat.

“Actually, it’s easy smooth one-month na taping, and I’m very proud na walang nag-positive sa amin lahat.

“Natapos namin yung show na buo, on time. So, I’m very proud of this group and I hope to work with them again soon,” saad ni Beauty.

KHALIL RAMOS

Si Khalil Ramos naman ay mag-iisang taon nang Kapuso sa susunod na buwan.

Natigil sandali ang taping ng drama series nila ni Gabbi Garcia na Love You Stranger, dahil sa dami ng mga problema nito. Ire-resume daw ito sa January 2022.

Continue reading below ↓

Pero hindi siya pinababayaan ng GMA-7 at merong ibinigay sa kanyang isang episode ng Regal Studio Presents, kasama rin ang kasintahang si Gabbi.

Sila ang bida sa episode na "One Million Comments… Magjojowa Na Ako."

Itong pag-iisang taon ni Khalil sa GMA-7 ay parang panibagong chapter sa kanyang career na nandiyan ang Kapuso network na umaalalay sa kanya.

Sabi ni Khalil, “It’s been such a blessing lang to my life, really… this is really me entering parang sa panibagong chapter sa career ko.

"I’m just really happy to spend it with GMA and the Kapuso network.

“Hopefully, in the future, mas magkaroon pa ako ng opportunities to showcase my craft, kami rin ni Gabbi,” saad ni Kahlil sa nakaraang virtual mediacon ng Regal Studio Presents.

RAYVER CRUZ

Ngayong Huwebes, September 9, ay nag-renew naman ng kontrata si Rayver Cruz sa GMA-7.

Sobrang fulfilled daw siya dahil nagamit nang husto ang talent niya sa nilipatang network. Kaya hindi raw niya maisip na mag-entertain ng offer ng ibang network dahil masaya na siya sa kanyang kinalalagyan sa GMA-7.

Continue reading below ↓

“I’m really happy with my position in GMA. So, parang kahit na may ibang offers siguro, mag-stay muna ako sa GMA.

“In-unleash nila yung true potential ko na ang tagal ko na sa industry na kaya ko pala. Tumatak sa akin yun.

“Yun ang nagustuhan ko at napamahal ako na ginawa sa akin ng GMA network,” pahayag ni Rayver nang humarap ito sa ilang entertainment media, pagkatapos ng renewal ng kontrata sa Kapuso network ngayong araw, September 9.

Bukas, September 10, ay magsisimula na raw silang mag-taping ng The Clash na nasa 4th season na.

JERRY OLEA

Sinundan ni Rayver ang precious love niyang si Janine Gutierrez sa Kapuso Network.

Tila biro ng tadhana, si Janine naman ang nag-over da bakod.

Sa Setyembre 13, Lunes ng 9:20 p.m., ay mapapanood na ang teleserye ni Janine na Marry Me, Marry You sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5.

Nasa cast din nito ang dating Kapuso na si Sunshine Dizon.

Continue reading below ↓

Ang leading man dito ni Janine ay si Paulo Avelino na dati ring Kapuso.

Sa Loving Miss Bridgette, May-December affair sina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda.

Sa Marry Me, Marry You, may subplot ng May-December affair kina Sunshine Dizon at Fino Herrera.

Sina Janine, Paulo, at Lovi ay pawang alaga ng talent manager na si Leo Dominguez.

Alaga rin ni Leo Dominguez si Lloyd Samartino, na kasama sa cast ng Loving Miss Bridgette.

Ang iba pang cast members ay sina Adrian Alandy, Polo Ravales, Bing Loyzaga, Pamela Prinster, Tart Carlos, Nikki Co, Shanicka Arganda, Noel Colet, at Julie Lee.

Ang direktor ng Loving Miss Bridgette ay si Adolf Alix Jr., na direktor ng pelikulang horror trilogy na Huwag Kang Lalabas — kung saan tampok si Beauty sa "Kumbento" episode.

At home na si Beauty kay Direk Adolf at sa staff nito nang mag-shooting sila ng "Kumbento" episode sa Baguio City.

Continue reading below ↓

Nag-quarantine lang sila at nagpahinga nang ilang araw, at segue na sila sa lock-in taping ng Loving Miss Bridgette umpisa Hulyo 21 sa Tanay, Rizal.

Last year pa umugong ang bali-balitang gusto nang lumipat ni Lovi sa ABS-CBN.

Sa ilang presscon niya this year ay palagi nating hinihintay ang statement niya kung Kapuso pa rin ba siya.

Iyong huling TV series ni Lovi na Owe My Love, hindi kagandahan ang timeslot. Mas binigyan noon ng importansya ang Heartful Café nina Julie Anne San Jose at David Licauco.

Kung hindi na masaya si Lovi sa GMA, okey lang na lumipat siya — lalo pa’t nag-over da bakod naman sa Kapuso Network si Bea Alonzo, na konting kibot lang ay balita na.

Panauhin si Bea sa The Boobay and Tekla Show sa Setyembre 12, Linggo ng gabi, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Sasalang si Bea sa isang no-holds-barred interview sa “May Pa-Presscon” kung saan sasagutin niya ang ilan sa pinakamahihirap na katungan mula sa kanyang heartbreak, relationship status, at career plans sa Kapuso Network.

Continue reading below ↓

Game na ipapamalas ni Bea ang kanyang husay sa pagkanta sa “Birit Showdown” kung saan aawit siya ng sikat na kanta ni Adele.

Si Kelvin Miranda ay nagbida sa GTV series na The Lost Recipe katambal si Mikee Quintos. Nabuo roon ang MiKel tandem.

Itinambal si Mikee kay Sef Cadayona sa weekly show na Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.

Itong si Kelvin, kapartner naman ni Beauty Gonzalez sa mini-series na Loving Miss Bridgette na tatagal ng limang linggo.

Bida rin si Kelvin sa fresh episode ng drama anthology na Magpakailanman sa Setyembre 11, Sabado ng 8:00 p.m. sa GMA-7.

“Pasaway na Iskolar” ang title ng episode, kung saan gaganap si Kelvin bilang Kim, isang matalino ngunit pasaway na iskolar.

Kahit puno ng kalokohan, naniniwala si Kim na tanging edukasyon ang makakatulong sa kanya upang masuportahan ang pinansiyal na pangangailangan ng kanilang pamilya. Kung anu-anong trabaho ang pinasok ni Kim matapos ang high school.

Continue reading below ↓

Co-stars ni Kelvin sa episode na ito sina Rita Avila, Prince Clemente, at Sophia Senoron.

NOEL FERRER

Magkakaibang level sina Beauty Gonzalez, Gabbi Garcia, Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Sunshine Dizon, Bea Alonzo, at Miss Lovi Poe. Need I say more?

Sana, makagawa sila ng makabuluhan at talagang markadong tatak sa ating industriya. Yung hindi raket o bread trip lang.

That separates the stars from the artists. Yun lang!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
FROM ABS-CBN TO GMA-7: Ibinahagi ng dating Kapamilya stars na sina (mula kaliwa) Rayver Cruz, Beauty Gonzalez, at Khalil Ramos ang kanilang saloobin tungkol sa pagiging Kapuso.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results