JERRY OLEA
Nauuso muli ang kantang "Laban O Bawi" ng SexBomb Girls, maging ang awiting "Urong-Sulong" ni Regine Velasquez.
Ang Miss World Philippines 2021 ay gaganapin sana noong Hulyo 25, Linggo, sa Okada Manila.
Hulyo 23, ipinagpaliban ang koronasyon dahil heightened GCQ restrictions ng IATF. Ni-resched iyon na Agosto 8, same venue.
Agosto 2, inihayag ng organizers na postponed indefinitely until further notice ang koronasyon dahil sa stricter ECQ restrictions sa NCR.
Ang preliminary events at grand finals ng 8th Annual Misters of Filipinas ay gaganapin sana noong Agosto 1-10 sa Negros Oriental.
Dahil sa ECQ declaration sa NCR, ginawang Setyembre 3-13 ang mga kaganapan, doon pa rin sa nasabing lalawigan. Na-postpone muli iyon.
Ang latest na balita ng organizers, sa Oktubre 30 na ang grand coronation night sa Negros Oriental, at available na ang tiket sa KTX.
Hulyo 27, nagpa-save the date si Ovette Ricalde para sa koronasyon sa mag-inang Imelda at Maffi Papin bilang Woman of the World ambassadors sa Setyembre 8 sa isang restaurant sa Quezon City.
Required na magpakita ng vaccination card ang mga imbitadong vloggers at taga-media.
Agosto 28, na-postpone ang koronasyon. Ginawang Setyembre 11.
Setyembre 7, postponed na naman ang event dahil MECQ sa NCR hanggang Setyembre 15.
Ani Ovette, bago magtapos ang Setyembre ay gaganapin ang koronasyon.
Agosto 26, ini-announce ni FDCP Chairperson Liza Diño sa virtual mediacon ang pagdiriwang ng unang Philippine Film Industry Month.
Hitik na hitik ang mga kaganapan online ng selebrasyon ngayong buwan.
Isa lang ang itinakdang face-to-face event — Philippine Film Industry Gala sa Setyembre 12, Linggo sa Manila Metropolitan Theater (MET). Strictly invitational ito, at mahigpit na ipatutupad ang safety and health protocols.
Highlight ng gala ang screening ng restored version ng B&W film na Dalagang Ilocana (1954), na pinagbidahan ni Gloria Romero. Nagwaging best actress si Gloria sa FAMAS para sa pelikulang ito.
Dolphy and Gloria Romero in Dalagang Ilokana (1954)
Bago ang film screening, may book launch (3:00 pm), at ilulunsad ang Elwood Perez Retrospective (4:00 p.m.).
Nitong Setyembre 8, Miyerkules, ini-announce ng FDCP na hindi tuloy ang nasabing in-person event.
Ang update, “The Film Development Council of the Philippines (FDCP) will be postponing its onsite events for the Philippine Film Industry Gala Night and Elwood Perez Retrospective until further notice.
“Originally set to take place in the Manila Metropolitan Theatre in partnership with the National Commission for Culture and the Arts (NCCA), these events, as announced by the FDCP in its Press Conference last August 26, 2021, will be deferred to a later date in light of the rising Covid-19 cases in Metro Manila.
“In the meantime, the Agency announced that it will still be holding the ‘Philippine Film Industry Month Gala Night’ and ‘50 Years / 50 Films: An Elwood Perez Film Retrospective Gala Night’ at its FDCP Channel online platform on September 12 and September 25, 2021, respectively.
“The Gala Night on September 12 will be a celebration of our film heritage and the journey of Philippine Cinema and will be streamed at 6:00 PM at the FDCP Channel.
“It will be hosted by Miss Kakki Teodoro and will feature a performance by acclaimed artists Isay Alvarez and Robert Seña.
“It will be followed by a special premiere screening of the newly restored film ‘Dalagang Ilocana’ directed by Olive la Torre.
“The film was produced by Sampaguita Pictures and stars Gloria Romero, Ric Rodrigo, and the King of Comedy, Dolphy.
“It was initially digitized by the Korean Film Archive and was restored by FDCP through the Central Digital Lab last year…”
Iyong virtual gala night ng Elwood Perez Retrospective sa Setyembre 25 ay iho-host din ni Kakki Teodoro.
Magpe-perform dito ang grupong The Company, at may screening ng pelikulang Esoterika Manila.
Libreng mapapanood ang siyam na pelikula ni Direk Elwood sa Setyembre 25-30 sa FDCP Channel.
“As we prioritize the health and safety of our community at this time, FDCP is still honored to hold these very important events in honor of our film heritage this month in our online platform, the FDCP Channel, where it will be more accessible for our audiences and guests,” pahayag ni Chair Liza.
“When the time is right, we still aim to hold an onsite activity at The Met and look forward to everyone coming together for a Philippine Cinema celebration.”
GORGY RULA
Sinisikap pa rin ng FDCP na matuloy ang activities ng Philippine Film Industry Month.
Kahit patuloy na tumaas ang COVID cases, sana ay matuloy pa rin ang pinu-push ni Chair Liza na Pista ng Pelikulang Pilipino na gagawin sa mga sinehan sa Nobyembre.
Pero sa takbo ng mga pangyayari, hindi natin alam kung ano ang susunod na ilalabas ng IATF sa quarantine status natin ngayon.
Kamakailan lang ay nag-hanash si Vice Ganda sa It’s Showtime na naawa raw siya kay Ryan Bang na naghahanda na sana sa opening ng restaurant niya, dahil sa magdyi-GCQ na.
Pagkatapos, ay hindi, MECQ pala! Kaya atras na naman, dahil balik sa dating gawi na hindi pa rin sila makapag-operate ng negosyo.
Bakit nga ba ganun? Parang bara-bara ang mga desisyon, na sabi nga ni Vice Ganda, parang pinaglalaruan naman ang mga tao.
Ano kaya ang tingin nila sa mga taong nagugutom na at hindi na rin alam kung paano maipagpatuloy ang buhay kung ganito ang pag-handle nila sa krisis na hinaharap natin?
Nitong Setyembre 9, Huwebes… 22,820 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Ito na ang highest single-day tally.
Umabot na sa 2,161,892 ang naitalang kaso ng coronavirus sa bansa.
Siyanga pala, ipinaalala ng Department of Health (DOH) na ngayong Setyembre 10, Biyernes ang World Suicide Prevention Day.
Ayon sa DOH, “Ito ay sinusunod upang itaas ang kamalayan at isulong ang mga hakbang sa pag-iwas sa layunin na mabawasan ang bilang ng mga pagpapakamatay at mga pagtatangka sa pagpapakamatay.”
NOEL FERRER
Yun na nga, kung kailan record high ang COVID cases ay doon pa talaga mag-uurong sulong, at laban-laban, bawi-bawi?
Isang admission ba ito na nagkamali ang naunang standard ng classification?
At ngayong nagbawi ng quarantine classification, ang daming nalito, at kasabay niyon, maraming resources din ang nasayang.
Ang hirap kung lahat ay nasa state ng experiment at hindi ito ma-communicate nang maayos.