Sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA-7, di na matutuloy?

by PEP Troika
Sep 10, 2021
Matagal nang napabalitang gagawa ng sitcom sa GMA-7 ang dating Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz. Pero hanggang ngayon ay wala pang konkretong desisyon kung matutuloy ito o hindi.
PHOTO/S: Courtesy: @johnlloydcruz83 on Instagram

GORGY RULA

Totoo kaya ang nasagap naming kuwento na malabo nang matuloy ang sitcom na gagawin ni John Lloyd Cruz sa GMA-7?

Ayon sa nakarating sa PEP Troika, hindi raw kasi nagkakaayos sa budget.

Hindi idinetalye ng aming source kung sa budget ng production iyon o sa talent fee ni Lloydie. Pero wala pa raw talagang nabubuo dahil noong inilatag na ang budget ay nabaril na ito agad.

Di ba, nagsimula ito nang in-announce ni Willie Revillame na ipagpo-produce niya ng sitcom si John Lloyd? Pero hindi na ito nasundan.

May nagsabi namang ang GMA-7 na raw ang magpu-produce nito.

Napag-usapan pa ito nina John Lloyd at Bea Alonzo nang winelcome ang dating Kapamilya actress sa Kapuso network.

Nagbiro pa si Bea sa virtual na pag-uusap nila na gusto niyang mag-guest sa sitcom ni Lloydie.

Ang isa pang narinig namin, balak din daw ng Frontrow nina RS Francisco at Sam Versoza na sila na ang mag-produce ng show ni John Lloyd. Pero parang nagkakaproblema raw kung sino ang magma-market nito.

Continue reading below ↓

Wala na kaming narinig na karagdagang kuwento tungkol dito.

Ang sinasabing magdidirek ng sitcom na si Direk Bobot Mortiz ay may iba namang hinaharap na project sa GMA-7.

Nasilip kong kasali siya sa isang Zoom meeting ng ilang boss ng GMA-7, writer, at ang kilala at kontrobersiyal na aktor na magbibida raw sa sitcom na ito.

Wala pang napa-finalize kaya ayaw muna nilang ipabalita.

Ang nakuha ko lang na kuwento, natuwa raw si kilala at kontrobersiyal na aktor sa concept ng sitcom, lalo nang nalaman niyang sino ang mga posible niyang makasama.

Hindi ko naman nakakausap si Direk Bobot, pero mukhang dito muna siya nakatutok, at hindi sa possible project ni John Lloyd sa Kapuso network.

Sabi naman ng GMA bosses na nakausap ko, hindi pa naman daw tagilid ang show ni Lloydie. Okay pa naman daw.

JERRY OLEA

Disyembre 2020 nang i-announce ng ABS-CBN na may reunion movie sina Bea at John Lloyd, ang No Goodbyes.

Continue reading below ↓

Kapagkuwan ay natsismis na gagawa sina Bea at John Lloyd ng sitcom sa TV5. Goodbye na siyempre iyong TV5 sitcom dahil Kapuso na si Bea.

Maghe-hello muna si Bea sa movie with Alden Richards.

Inaasam nga nating mag-guest si Bea sa teleserye ni Alden na The World Between Us bilang patikim sa chemistry nila.

Kumusta ba ngayon sina Willie at John Lloyd?

Ang Frontrow, sumusuporta sa Wowowin: Tutok To Win. If ever “magbabakasyon” si Kuya Wil sa kanyang programa, si Lloydie kaya muna ang papalit sa kanya?

Tungkol sa sitcom para sa kontrobersiyal na aktor, exciting kung papayag ang tatlong kilalang aktres na lumahok sa proyekto.

Ano kaya kung sa Baguio City ang setting ng sitcom? Hindi po si “As A Friend” ang kontrobersiyal na aktor sa kuwentong ito, ha?!

NOEL FERRER

Nakaka-excite kung natutuloy ang sitcom na iyan at casting coup talaga na pampelikula ang levels.

Another lipatan speculation is put to rest nang makitang nasa Zoom meeting sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio sa isang post para sa project na Love In 40 Days under Dreamscape.

Continue reading below ↓

Kapamilya pa rin ang LoiNie! At least, things are falling in the right places.

Excited tayo sa mga ganitong bagong projects na talagang masusing pinaghahandaan, hindi madalian, at talagang binubusisi ng creative at technical production.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matagal nang napabalitang gagawa ng sitcom sa GMA-7 ang dating Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz. Pero hanggang ngayon ay wala pang konkretong desisyon kung matutuloy ito o hindi.
PHOTO/S: Courtesy: @johnlloydcruz83 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results