Paolo Contis, naaliw sa dagsaang "as a friend" memes

by PEP Troika
Sep 11, 2021
Aminado si Paolo Contis na natatawa na lang siya tuwing nakakabasa siya ng mga memes gamit ang kanyang signature phrase na "as a friend," na tumatak na sa mapaglarong pag-iisip ng ilang netizens. Aniya, “Natatawa na lang ako sa mga memes. At least, masaya sila.”
PHOTO/S: CTTO / A Faraway Land

GORGY RULA

Natatawa na lang si Paolo Contis tuwing pinu-forward sa kanya ng ilang kaibigan ang mga "as a friend" memes na hango sa statement na ipinost niya sa kanyang Instagram at Facebook nung nakaraang Miyerkules, September 8.

Sa naturang statement, sinabi niyang niyaya niya ang kanyang A Faraway Land co-star na si Yen Santos na samahan siya sa Baguio “as a friend.”

Hindi naman tayo nagulat kung may mga netizens na sadyang mataba ang utak, at nakarami na sa pag-iisip ng memes gamit ang linyang “as a friend.”

Merong ginawang "friendship capital of the Philippines" ang Baguio.

May isang bus line, hotel chain, restaurant na ginamit na rin ang “as a friend” sa kanilang promo.

Kung sumikat ang terminong "ghosting" sa hiwalayang Gerald Anderson at Bea Alonzo, itong "as a friend" naman ang kina Paolo Contis at LJ Reyes, sangkot si Yen Santos.

Binibiro na raw si Paolo na dapat singilin daw niya ang mga kumpanyang ginamit itong linya sa kanyang inilabas na statement.

Continue reading below ↓

“Natatawa na lang ako sa mga memes. At least, masaya sila,” text sa akin ng Kapuso actor.

Okay na raw yung nailabas niya ang lahat na gusto niyang sabihin sa isyung iyun. Mananahimik na raw siya at magpu-focus na sa trabaho.

Ngayong araw, September 11, ang simula ng quarantine niya para sa ilang linggong lock-in taping sa I Left My Heart in Sorsogon.

Inaasahan niyang itutuloy na rin ng MAVX Productions ang ilang film projects na nakalinya para sa kanya.

Ang MAVX ang nag-produce ng Through Night and Day na kinunan sa Iceland, at itong A Faraway Land na kinunan naman sa Faroe Islands na autonomous territory ng Denmark.

Ang susunod daw sanang gagawin niya bago matapos ang taong ito ay kukunan naman sa Canada.

Hindi pa raw niya alam kung sino ang makakasama niya.

Pero napag-usapan pa noon na gusto rin sana ng MAVX na gawan ng part two ang A Faraway Land, pero hindi raw niya alam kung gagawin pa ito.

Continue reading below ↓

Nagpapasalamat na rin si Paolo sa mga kaibigang nagtanggol sa kanya.

Natutuwa siya sa mga inspiring message na ipinapadala sa kanya.

Na-touch siya sa ibinahagi ko sa kanyang homily mula sa isang misa sa Sambuhay TV mass tungkol sa paghingi ng patawad at pagpapakumbaba sa pag-amin ng nagawa mong kasalanan.

Bahagi ng homily ng nag-officiate sa misa na si Fr. Oliver Par, “Sa kahandaan natin na panagutan ang ating mga kasalanan, huwag tayong matakot na magpakumbaba, na makitang maliit tayo, na makitang madumi tayong tao.

“Bulag man sila sa kababaan ng loob natin, o yung patunayan ang ating pagsisi, bulag man ang mga taong nakakakita sa atin, hindi naman bulag ang Diyos.

“Ang mata ng Diyos ay laging awa at pag-ibig.

“Nawa’y sa ating pag-uusisa sa ating sarili at nakita natin ang ating mga pagkakamali, matutunan nawa natin ang magpakumbaba at malaman at umaksyon sa anumang ating pananagutan, sa Diyos at sa kapwa.”

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Nagpiyesta si “Maritess” at ang kanyang super-friends sa “as a friend” ni Paolo Contis.

"Maritess" ang usong tawag ngayon sa “kumareng tsismosa.”

Nakinabang ang mga talyer at tindahan ng motor nang mag-viral ang “change oil.” Sa “as a friend” ay kabit na kabit naman ang Baguio.

Nagpalamig ng ulo si Paolo sa Baguio noong araw na lumipad pa-Amerika si LJ Reyes at ang dalawang anak na sina Aki at Summer.

Kaya ba sa Baguio nagpalamig si Paolo ay dahil ito ang Summer Capital of the Philippines?

Ayan, mainit ang usapan na ang Baguio rin ang Friendship Capital ng bansa.

Kung bisi-bisihan si Paolo sa kabi-kabilang proyekto, ano kaya ang pinagkakaabalahan ng friendly leading lady na si Yen Santos?

Ano kaya kung mag-duet sina Yen at Paolo ng "That’s What Friends Are For?"

NOEL FERRER

Can identify ako sa Baguio na Friendship Capital of the Philippines.

I had too many memories there, kahit doon sa cafe na pinuntahan nina Paolo at Yen—as friends.

Continue reading below ↓

So far, sina Paolo Contis at Tim Yap ang biggest celebrity endorsers ng Baguio for now. Hindi naman siguro lalaban sa grand prize si Arjo Atayde.

Joke only!

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Read More Stories About
Paolo Contis, as a friend memes
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aminado si Paolo Contis na natatawa na lang siya tuwing nakakabasa siya ng mga memes gamit ang kanyang signature phrase na "as a friend," na tumatak na sa mapaglarong pag-iisip ng ilang netizens. Aniya, “Natatawa na lang ako sa mga memes. At least, masaya sila.”
PHOTO/S: CTTO / A Faraway Land
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results