Derek Ramsay-Ellen Adarna wedding date, wala pa ring kumpirmasyon

by PEP Troika
Sep 12, 2021
Nananatiling tikom ang bibig ni Derek Ramsay tungkol sa petsa ng kasal nila ng kanyang fiancee na si Ellen Adarna.
PHOTO/S: Arniel Serato

GORGY RULA

Ayaw pang kumpirmahin ni Derek Ramsay kung totoong ngayong buwan ng September ang kasal nila ni Ellen Adarna.

Tinext ko ang Kapuso actor para humingi ng update sa kanilang kasal, pero sabi niya, hanggang wedding preparations lang ang puwede niyang sabihin.

Wala raw silang announcement kung kailan na talaga ang kasal.

Text ni Derek, “Hello dear. Wedding plans are happening as we speak, but hindi kami mag-announcement.”

Malalaman na lang natin pagkatapos ng kasal, at siguro ibabahagi naman nila ito sa kanilang vlog.

Nabanggit noon ng engaged couple na mas gusto nila ang simpleng seremonya lang, pero nung napag-usapan na raw ito ng pamilya, nadagdagan nang nadagdagan ang plano, at medyo bongga na raw, sabi ni Ellen.

Hindi pa nila masabi kung masusunod ba ang original date ng kasal dahil sa pabagu-bagong quarantine status natin.

Open sila sa posibleng pagbabago ng date. Pero sa ngayon ay stick pa rin daw sila sa original date.

Continue reading below ↓

Samantala, naikuwento rin sa akin ng kasama ko sa DZRH na si Morly Alinio na napag-usapan din daw nila ni Derek ang posibleng pagsasama nila ni Bea Alonzo sa isang project sa GMA-7.

May fans na humihirit na si Derek ang bagay na i-partner kay Bea. Pero depende raw iyun sa GMA-7 kung gusto nilang siya ang kuning leading man.

Open daw si Derek sa ideyang iyun, dahil gusto talaga niyang makatrabaho ang bagong Kapuso actress.

NOEL FERRER

This confirms two important items on Derek Ramsay.

Una, magbabalik-trabaho si Derek sa Kapuso network even with the wedding.

At ikalawa, matutuloy na rin ang napipintong kasal nila ni Ellen Adarna.

At least, ke personal o propesyunal na buhay ni Derek, nakahanda at nakapag-ipon siya.

It’s about time. People may say that this came very fast, pero wala naman talagang rule sa pag-ibig.

Derek and Ellen just came to each other’s lives at the right time and with the right effect. In this case, it really matters din na integrated ang kani-kanyang families.

Continue reading below ↓

All the best kina Derek at Ellen!

Good news are hard to come by lalo pa’t nasasanay tayo sa 20K plus na Covid cases per day, pero any good news like this is very much welcome!!!

JERRY OLEA

Matutuloy pa kaya ang seryeng Sanggang Dikit sa Kapuso Network?

Pagtatambalan sana iyon nina Derek at Andrea Torres.

Nang maging sanggang warak ang dalawa, tamang-tama na pumalit si Andrea kay Megan Young bilang second wife sa teleseryeng Legal Wives.

Abang-abang na lang tayo kung kailan magiging legal wife ni Derek si Ellen.

Exciting din na magkatrabaho muli sina Derek at Bea Alonzo.

Mainit ang chemistry nila sa pelikulang Kasal (2018).

Natsismis pa dati na nagpakasal sila, di ba?

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nananatiling tikom ang bibig ni Derek Ramsay tungkol sa petsa ng kasal nila ng kanyang fiancee na si Ellen Adarna.
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results