Tiktok prank ni Buboy Villar, patunay sa kabaitan ni Ruru Madrid

by PEP Troika
Sep 12, 2021
Napatunayan ni Buboy Villar (kanan) kung gaanong kabait ang kanyang kaibigang si Ruru Madrid nang i-prank niya ito kamakailan. Sa kanyang Tiktok video, makikita kung paano siya nagmakaawa kunwari kay Ruru kung puwede niya itong utangan ng PHP250. Laking gulat na lang niya nang malaman niyang willing si Ruru na agad-agad siyang padalhan ng pera.
PHOTO/S: @rurumadrid8 on Instagram / Buboy Villar

GORGY RULA

Napatunayan ang kabaitan at pagiging generous ni Ruru Madrid sa ipinost ni Buboy Villar sa Tiktok.

Matagal nang magkaibigan sina Ruru at Buboy, at tingin ng dating child actor ay kaya niyang i-prank na kunwari ay uutangan niya ang Kapuso hunk.

Nag-message siya kay Ruru kung busy ito, at tinawagan siya agad.

Continue reading below ↓

Nagdrama na si Buboy na mangiyak-ngiyak pa ang boses na sinasabing kailangan niya sana ng P250,000 para raw sa bibilhin niyang Mercedes Benz na mura lang daw ang halaga.

Parang ayaw pang maniwala ni Ruru pero kakausapin daw niya ang parents niya at gagawan niya ng paraan.

Iniyak-iyakan na ito ni Buboy kunwari, pero mula sa P250,000, naging P2,500 na lang ang hinihingi niya.

Akala pa rin ni Ruru ay seryoso ang pangungutang sa kanya ni Buboy, kaya inalok na niyang bibigyan na lang daw niya ng P150,000.

“Bibigyan kita ng 150, pero bigay ko na yun, hindi na utang yun,” sabi ni Ruru sa kanya.

Nagulat si Buboy at lalo pa niyang ginalingan ang pag-iyak na sineryoso naman ng Kapuso hunk.

“Siyempre, mga anak mo inaanak ko rin yun. Ikaw kumpare kita, tagal na nating magkaibigan,” sabi naman ni Ruru sa kanya.

Sinabi na ni Buboy na prank lang iyun, pero baka puwede na raw totohanin na yung ibibigay na 150 thousand pesos.

Continue reading below ↓

Natawa na lang si Ruru, pero dito nakita kung gaano siya kabait sa kanyang mga kaibigan.

NOEL FERRER

Sa mga Kapuso leading men, I have always been vocal na ang favorite ko among the young ones is really Ruru Madrid.

Mahusay umarte, maayos ang pakitungo sa pamilya, at willing matuto at maging magaling sa ginagawa niya.

With this added story ni Buboy on him, I wish Ruru the best and more blessings, para mas marami pa siyang matulungan.

Bravo, Ruru!!!

JERRY OLEA

Hindi lang mabait si Ruru, yummylicious pa.

Kaya hindi na tayo magtataka kung siya man ang dakilang pag-ibig ni Bianca Umali.

Speaking of Dakila, kumusta na ang action-adventure series niyang Lolong?

Dakila ang pangalan ng dambuhalang buwaya na magiging kaibigan ni Lolong (karakter ni Ruru).

Last year pa natin nabalitaan ang training nina Ruru at Shaira Diaz para sa seryeng ito.

Natuwa tayo nang malamang nasa lock-in taping na ang Lolong.

Continue reading below ↓

Tampok din dito sina Christopher de Leon, Arra San Agustin, Priscilla Almeda, Leandro Baldemor, Jean Garcia, Malou de Guzman, Rochelle Pangilinan, Ian de Leon, Mikoy Morales, Paul Salas, DJ Durano, Marco Alcaraz at Maui Taylor.

Sa pagiging generous ni Ruru, sino kaya ang susunod na mangungutang sa kanya “as a friend?"

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Napatunayan ni Buboy Villar (kanan) kung gaanong kabait ang kanyang kaibigang si Ruru Madrid nang i-prank niya ito kamakailan. Sa kanyang Tiktok video, makikita kung paano siya nagmakaawa kunwari kay Ruru kung puwede niya itong utangan ng PHP250. Laking gulat na lang niya nang malaman niyang willing si Ruru na agad-agad siyang padalhan ng pera.
PHOTO/S: @rurumadrid8 on Instagram / Buboy Villar
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results