Lloyd Samartino, inalala ang short-lived romance nila ni Nora Aunor

by PEP Troika
Sep 13, 2021
Lloyd Samartino on short-lived romance with Nora Aunor in 1979: "Sa akin naman noon kasi, I was just enjoying myself, e. It was not an intense relationship talaga. And I think siya rin siguro, alam din naman niya na nag-e-enjoy lang din siya I think nung panahon na yun."
PHOTO/S: Lloyd Samartino Facebook / Noel Orsal for PEP.ph

GORGY RULA

Ngayong September 13, Lunes ng hapon, ang umpisa ng bagong Kapuso mini-series na Stories From The Heart: Loving Miss Bridgette.

Kuwentong May-December love affair ang tinatakalay ng serye na pinagbibidahan nina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda.

Karamihan sa cast ng mini-series ay aminadong na-experience nila ang ganitong relasyon.

Isa sa umaming naranasan niya ito ay si Lloyd Samartino, na ngumiti na lang nang kinumusta ko sa kanya ang relasyon nila noon ni Nora Aunor.

Noong 1979, nagkasama sila sa pelikulang Annie Batungbakal kung saan sila nagkahulugan ng loob.

Si Lloyd ay 20 years old noon, habang si Nora ay 27 years old.


Continue reading below ↓

Balik-tanaw ni Lloyd: "Oo, Annie Batungbakal. I was only… I think 20 [years old].

"Sa akin naman noon kasi, I was just enjoying myself, e.

"It was not an intense relationship talaga. And I think siya rin siguro, alam din naman niya na nag-e-enjoy lang din siya, I think, nung panahon na yun."

Pero tila ilang buwan lang ang itinagal ng pagkakamabutihan nina Lloyd at Nora noon.

"Kasi it was like a ‘movie romance.’ Pag natapos yung movie, tapos na rin yung romance.

"Kasi dati, ang pelikula, three, four, five months, hindi katulad ngayon, one month, tapos na. So, nadi-develop talaga kayo for the duration of the movie.

"Kaya lang, pag natapos na yung pelikula, iba na yung ginagawa mong pelikula, siyempre pareho na kayong busy, hindi na kayo masyado nagkikita, and then natatapos na yung relationship.

"Iyon ang experience ko.

Naikuwento ito ni Lloyd sa virtual mediacon ng Loving Ms. Bridgette.

Continue reading below ↓

Pero marami raw siyang natutunan sa relasyong yun, lalo na raw nung kabataan niya na madalas ay mas mature ang babaeng nakakarelasyon ng aktor.

"I don’t regret anything. I’m glad I dated all these older women because in my relationships up to now… although, I’m dating young women, ang dami ko talagang natutunan.

"I’m more sensitive to a woman’s feelings. Hindi katulad nung araw na kung ano yung gusto ko, yun ang nasusunod. Ngayon, naintindihan ko na,” dagdag niyang pahayag.

Kaya ang payo niya sa mga kabataan ngayon, mas mabuting subukang makipagrelasyon sa mas may edad sa kanila.

"I encourage young men to date older women if they have a chance.

"Kasi, even if it’s short-lived, pagkatapos mo sa relationship na yun, alam mo nagbabago yung pag-iisip mo, e.

"And then, if you have a relationship again with someone your age, mas iba na yung treatment mo.

"Kasi, yung lalaki mas late kami mag-mature. Ang babae usually, 24 -25 ready for marriage sila, pero ang lalaki hindi ganun, e.

Continue reading below ↓

"Kaya ang tendency noon, an older man will date a younger woman, kasi emotionally pantay na sila," saad ni Lloyd.

Gumaganap si Lloyd bilang supportive father ni Kelvin sa Loving Miss Bridgette.

JERRY OLEA

Marami na tayong napanood na pelikula kung saan nag-loving-loving ang mas may edad na babae at batang lalaki.

Sa Hollywood, andiyan ang The Graduate (1967) nina Anne Bancroft at Dustin Hoffman, In Praise of Older Women (1978) nina Tom Berenger at Karen Black, at Prime (2005) nina Uma Thurman at Bryan Greenberg.

Sa Pinoy movies, nariyan ang Kung Kaya Mo, Kaya Ko Rin (1978) nina Marlene Dauden at Christopher de Leon, Gamitin Mo Ako (1985) nina Rita Gomez at Al Tantay, Nagsimula sa Puso (1990) nina Hilda Koronel at Richard Gomez, Tag-araw, Tag-ulan (1992) nina Dina Bonnevie at Gary Estrada, Sinungaling Mong Puso (1992) nina Vilma Santos at Aga Muhlach, at Bayarang Puso (1996) nina Lorna Tolentino at Aga Muhlach.

Continue reading below ↓

Andiyan din ang Soltera (1999) nina Maricel Soriano at Diether Ocampo, Naglalayag (2004) nina Nora Aunor at Yul Servo, Love Me Tomorrow (2016) nina Dawn Zulueta at Piolo Pascual, Glorious (2018) nina Angel Aquino at Tony Labrusca, Belle Douleur (2019) nina Mylene Dizon at Kit Thompson, Malamaya (2019) nina Sunshine Cruz at Enzo Pineda, at Revirginized (2021) nina Sharon Cuneta at Marco Gumabao.

Tingnan natin kung gaano ka-interesting ang romansa nina Beauty at Kelvin sa Loving Miss Bridgette.

Ngayong Lunes naman ng gabi, magsisimula ang Kapamilya teleseryeng Marry Me, Marry You kung saan may subplot ng May-December affair nina Sunshine Dizon at Fino Herrera.

Mabuhay ang mga cougar!

NOEL FERRER

Nasilip ko ang trailer ng Loving Miss Bridgette. Mahusay si Beauty Gonzalez.

Sana makahabol si Kelvin Miranda sa aktingan para maging interesante ang kanilang tambalan.


Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lloyd Samartino on short-lived romance with Nora Aunor in 1979: "Sa akin naman noon kasi, I was just enjoying myself, e. It was not an intense relationship talaga. And I think siya rin siguro, alam din naman niya na nag-e-enjoy lang din siya I think nung panahon na yun."
PHOTO/S: Lloyd Samartino Facebook / Noel Orsal for PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results