Bea Alonzo, sinabing "husband-material" ang nobyong si Dominic Roque

by PEP Troika
Sep 13, 2021
Sa The Boobay and Tekla Show, sinabi ni Bea Alonzo na may mga katangian si Dominic Roque na gusto niya sa kanyang future husband.
PHOTO/S: @beaalonzo / @dominicroque Instagram

GORGY RULA

Natuwa ang fans ni Bea Alonzo sa guesting niya sa The Boobay and Tekla Show nitong Linggo, September 12.

Pawang magaganda ang feedback, at natuwa sila sa bagong Kapuso actress na game na game sa mga tanong sa kanya nina Boobay at Tekla sa segment na "May pa-Presscon."

Mas nag-focus sila sa love life ni Bea, at sinagot naman ng aktres ang tanungan tungkol sa relasyon nila ni Dominic Roque.

Nagtilian ang mga nasa Mema squad nang sinabi ni Bea na tingin niya ay "husband-material" si Dominic. Pero masyado pa raw maaga para pag-usapan ang kasal, dahil nasa "getting-to-know stage" pa lang ang kanilang relasyon.

“Siyempre naman, at this point in my life, hindi ako papasok sa isang relasyon na hindi naman seryoso, di ba? Pagkatapos ng lahat.

"Seryoso naman talaga. Oo, husband-material," pakli ni Bea.

May mga natutunan daw siya sa nakaraang relasyon na puwede niyang gamitin sa relasyon nila ni Dominic.

Continue reading below ↓

Ngayon ay naniniwala raw si Bea na dapat maging bukas ka sa lahat na mga nakikita mo sa karelasyon mo. Hindi porke’t mahal mo ay magbubulag-bulagan ka na lang. Iba na raw ngayon ang pananaw niya sa puntong ito.

"Siguro, huwag i-disregard yung red flags. Kapag may nakita kang mali, ibig sabihin, may mali. Kapag may nararamdaman kang discomfort, ibig sabihin, may kailangan i-address, parang ganun.

"So, never disregard red flags.

"Kasi, mas masarap magmahal… di ba, sinasabi nila, love is blind. Oo, love is blind, pero mas masarap magmahal pag bukas ang puso at yung mata mo sa mga nangyayari," saad ni Bea.

Kaya masaya ang fans dahil ang dami na raw natutunan ng bagong Kapuso actress. Sinasabi nilang bagay na bagay palang maging talk show host si Bea.

Iyon naman ang gusto niyang gawin sa GMA-7, kapag mabibigyan daw siya ng chance.

Maganda ang iba pang feedbacks ng mga netizens na nagpu-post sa Twitter, at naka-4.4% ang rating nito sa AGB Neilsen.

NOEL FERRER

Napanood ko ang unang guesting ni Classmate Bea Alonzo sa TBATS. At least, napakanta nila si Bea, ha!?

Nakakaaliaw naman dahil may wisdom talagang taglay si Bea. Pero mas malaking time ang na-devote kay Dominic na boyfriend niya, ha!

Parang doon naging interesado ang LGBTQ representatives na nasa sa program. Oh, well, fun din naman yun!

JERRY OLEA

Maligaya si Bea kay Dominic. Mukhang maluwalhati rin sina Gerald Anderson at Julia Barretto sa isa’t isa.

Malapit nang magsimula ang weekly series ni Julia sa TV5 na Di Na Muli, katambal si Marco Gumabao.

Si Gerald, merong patalastas na umeere sa GMA. Abang-abang tayo sa mga susunod na kabanata.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa The Boobay and Tekla Show, sinabi ni Bea Alonzo na may mga katangian si Dominic Roque na gusto niya sa kanyang future husband.
PHOTO/S: @beaalonzo / @dominicroque Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results