The Promise ng KathNiel, pasok sa Top 10 ng Netflix; palabas din ulit sa Latin America

by PEP Troika
Sep 14, 2021
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla's hit 2015 primetime series Pangako Sa 'Yo is now on Netflix as The Promise.
PHOTO/S: ABS-CBN

JERRY OLEA

Namayagpag ang Money Heist/La Casa de Papel nang ilang araw sa Netflix Philippines nang mag-umpisa ang streaming nito noong Setyembre 3, Biyernes.

Bitin ang masusugid na tagasubaybay ng Money Heist dahil limang episodes lang ng Part 5 ang ipinalabas, at ang mga susunod na episode ay sa Disyembre 3 pa mapapanood.

Continue reading below ↓

Money Heist

Noong Setyembre 10, Biyernes ng gabi, ay kinabog na ito ng Hometown Cha-Cha-Cha nina Shin Min-a, Lee Sang-yi, at Kim Seon-ho.

Ang 2021 South Korean TV series na ito ay remake ng 2004 South Korean film na Mr. Handy, Mr. Hong.

Kim Seon-ho and Shin Min-a in Hometown Cha-Cha-Cha

Continue reading below ↓

Noon ding Setyembre 10, nag-streaming sa Netflix ang pelikulang Kate, ang Season 6 (10 episodes) ng seryeng Lucifer, at ang 2015 Kapamilya teleseryeng The Promise/Pangako Sa ‘Yo (100 episodes) nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Kinabukasan, Setyembre 11, Sabado ng gabi, nanguna sa Top 10 ng Netflix Philippines ang maaksyon at madugong Kate, na bida si Mary Elizabeth Winstead.

Continue reading below ↓

Mary Elizabeth Winstead and Miku Martineau in Kate

Pumangalawa ang South Korean TV series na Hospital Playlist, pumangatlo ang Lucifer, at pang-apat ang Hometown Cha-Cha-Cha.

Waley sa Top 10 ang KathNiel series, at naligwak na rin sa Top 10 ang pelikulang A Faraway Land nina Paolo Contis at Yen Santos.

Noong Setyembre 12, Linggo ng gabi, nanguna pa rin ang Kate, nag-cha-cha sa pangalawang puwesto ang Hospital Cha-Cha-Cha, at pangatlo pa rin ang Lucifer.

Waley pa rin ang The Promise, samantalang pampito na ang Hospital Playlist.

Nitong Setyembre 13, Lunes ng gabi, bumalik sa #1 ang Hometown Cha-Cha-Cha. Pangalawa ang Kate, at pangatlo pa rin ang Lucifer.

Pumuwesto na sa pampito ang The Promise, kung saan tampok din sina Jodi Sta. Maria, Ian Veneracion, at Angelica Panganiban.

Itong Pangako Sa ‘Yo ng KathNiel ay ipinalabas muli sa Ecuador sa free TV network nitong TC Televisión.

Kilala sa pamagat nitong La Promesa sa Latin America at global naman bilang The Promise, binigyan ng panibagong lisensiya ang nasabing teleserye para makapag-ereng muli sa TC Televisión simula noong Marso 2021, matapos itong unang ipalabas mula Abril hanggang Agosto 2020.

Continue reading below ↓

Maliban sa Ecuador, pinanood din ito ng madla sa Peru sa Panamericana Televisión at isa sa pinakamalaking TV network sa Dominican Republic na Color Visión.

Naging hit din ito worldwide matapos ipalabas sa dalawampu’t dalawang (22) bansa.

Magpi-premiere naman ang digitally restored at remastered version ng pelikulang Way Back Home na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Julia Montes sa bagong edisyon ng Sagip Pelikula Festival ng KTX simula ngayong Setyembre 14, Martes ng 7:30 p.m.

Continue reading below ↓

Coming soon sa Netflix ang teleseryeng The General’s Daughter (Setyembre 17) ni Angel Locsin, ang pelikulang Smaller and Smaller Circles (Setyembre 30) nina Nonie Buencamino at Sid Lucero, ang Regal movie na Signal Rock (Oktubre 1) ni Christian Bables, at ang isa pang Regal movie na Walwal (Oktubre 1).

GORGY RULA

Continue reading below ↓

Parang ang tagal bago ipinuwesto ng KathNiel fans sa Top 10 ang Pangako Sa 'Yo/The Promise.

Matagal na rin kasi bago ito pumasok sa Netflix, kaya medyo di na siguro gaanong interesado ang mga tao.

Pagkatapos ng The House Arrest of Us, hinihintay na ng fans ang pelikulang sisimulan nina Kathryn at Daniel. Pero wala pang balita kung sisimulan na ba at kung sa San Francisco, California pa rin ito kukunan.

Sayang lang din kasi kung wala pang sinehan, kaya ini-enjoy na lang muna nila ang mag-vlog.

Samantala, kapansin-pansing di nalalaglag sa Top 10, at nangunguna pa ngayon ang Hometown Cha-Cha-Cha ni Kim Seon-ho.

Hindi kaya curious na ang mga fans ni Marian Rivera na panoorin siya, dahil sa napapabalitang pagsasama nila sa isang project?

NOEL FERRER

Tama kayo, ang tagal nang pinag-uusapan ang KathNiel project. Una yung pelikula. Meron ding inihahandang teleserye.

Pero mukhang special appearance na muna sa ASAP ang nangyayari sa kanila, until things normalize again.

Continue reading below ↓

At least si Daniel, may pelikulang Whether the Weather Is Fine (Kun Maupay Man It Panahon) na umani ng karangalan sa Locarno Film Festival, na puwede ring ipalabas sa darating na Metro Manila Film Festival.

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla's hit 2015 primetime series Pangako Sa 'Yo is now on Netflix as The Promise.
PHOTO/S: ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results