Jaclyn Jose, parang mas bida sa The Housemaid; Albert Martinez, tinawag na "mommy" si Alma Moreno

by PEP Troika
Sep 14, 2021
Seasoned actors Jaclyn Jose and Albert Martinez co-star in The Housemaid, a remake of the hit Korean movie.
PHOTO/S: Viva Films

JERRY OLEA

Parang mas bida si Jaclyn Jose kesa kay Kylie Verzosa sa pelikulang The Housemaid, sa direksiyon ni Roman Perez Jr.

Nag-umpisang mag-streaming ito sa Vivamax noong Setyembre 10, Biyernes.

Naalala ko tuloy yung Viva movie na Bulaklak ng Maynila, na kalahok sa 25th MMFF noong Disyembre 25, 1999 hanggang Enero 3, 2000.

Ang inilaban at nagwagi bilang best actress ay si Elizabeth Oropesa. Nagwagi rin si Angelu de Leon na inilaban sa kategoryang best supporting actress.

Ang Bulaklak ng Maynila ay idinirek ni Joel Lamangan, at ang lead actor ditong si Christopher de Leon ay tinanghal na best actor sa nasabing filmfest.

Dito sa The Housemaid, maraming eksenang magkasama sina Kylie at Jaclyn. Ang galing-galing ni Jaclyn. Ang ganda-ganda ni Kylie.

Sa edad ni Albert Martinez na 60, parang matanda na siya upang gumanap na asawa ng 29-anyos na si Louise de los Reyes.

Continue reading below ↓

Ang nanay rito ni Louise ay ang 62-anyos na si Alma Moreno.

Natawa ako nang sabihan ni Albert si Alma ng “Mommy.”

Doon kasi sa 1982 Regal movie na Diary of Cristina Gaston (directed by Joey Gosiengfiao), isa si Albert sa tatlong leading men ni Alma. Ang dalawa pa ay sina Alfie Anido at Jimi Melendez na parehong namayapa na.

Maalindog si Alma noon at pinagpupugayan bilang Sex Goddess of Philippine Cinema. Tapos, ngayon… mina-mommy na siya ni Albert. 'Tsura nina Tom Hanks at Sally Field na gumanap bilang mag-ina sa Forrest Gump (1994)!

Sa pelikulang Punchline (1988) ay magkatambal pa sina Tom at Sally. Mas matanda si Sally ng sampung taon kay Tom.

At any rate, tuluy-tuloy ang pagratsada ng Vivamax.

Sa Setyembre 17 ay streaming na sa Vivamax ang pelikulang Bekis on the Run directed by Joel Lamangan, starring Diego Loyzaga, Christian Bables, Sean de Guzman, and Kylie Verzosa.

Continue reading below ↓

Opo! Back-to-back ang streaming ng pelikula ni Kylie.

Sean de Guzman, Christian Bables, Direk Joel Lamangan, Diego Loyzaga, and Kylie Verzosa

Sa Setyembre 24 ang streaming ng Paraluman nina Rhen Escaño, Jao Mapa, at Gwen Garci, sa direksyon ni Yam Laranas.

Continue reading below ↓

Sa Oktubre 1 ang streaming ng Ang Manananggal na Nahahati Ang Puso, starring Aubrey Caraan and Marco Gallo, sa direksiyon ni Darryl Yap.

Sa Oktubre 8 naman ang streaming ng Shoot! Shoot! (Di Ko Siya Titigilan), starring Andrew E, AJ Raval, and Sunshine Guimary, sa direksyon ni Al Tantay.

GORGY RULA

Hindi na bago iyang paglamon ni Jaclyn sa co-actors niya.

Kakapiranggot lang ang eksena niya sa May Nagmamahal sa Iyo (1996) nina Lorna Tolentino at Stefano Mori, napansin siya sa pelikulang yun at na-nominate sa iba't ibang award-giving bodies.

Hindi ko na maalala kung may napanalunan siya, pero siya ang napansin at pinuri sa pelikulang yun.

Malaking bagay talaga ang galing ng mga artista para sa ikagaganda ng pelikula. Kahit may mga butas ang May Nagmamahal sa Iyo, mas napansin ang galing ni Jaclyn. Iyon lang, sapat na.

Kahit sa Kapuso drama series na The World Between Us, nasa background lang siya bilang si Yachie. Pero may sarili siyang moment at nagagampanan niya nang maayos ang kanyang role.

Continue reading below ↓

Sabi nga ng aktres, tuluy-tuloy pa rin ang trabaho niya sa panahon ng pandemya. Kaya lalo niyang ginalingan, dahil ito na rin talaga ang buhay niya. Hindi raw siya mapakali kapag wala siyang ginagawa.

Hindi naman siya natetengga, kasi napakagaling naman talaga ni Madam Jane!

NOEL FERRER

Cannes Best Actress naman kasi si Madam Jane kaya kahit saan mo siya ilagay na role, magsa-shine talaga siya.

Ang siste lang, ang mga naibibigay talaga sa kanyang role ay yung light at bordering on novelty.

Heto nga’t may John Arcilla na 78th Venice Film Festival Best Actor awardee at well-entrenched pa rin bilang pangunahing kontrabida sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Basta anuman ang mangyari, sila ang mga artistang nagbigay sa atin ng kakaibang karangalan.

Sana man lang, mabigyan sila ng tamang pagpapahalaga, kasi tunay silang National Treasures!!!

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Seasoned actors Jaclyn Jose and Albert Martinez co-star in The Housemaid, a remake of the hit Korean movie.
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results