Cherie Gil, mapapanood pa kayang muli sa Legal Wives? To Have And To Hold, magsisimula na sa September 27

by PEP Troika
Sep 15, 2021
Dennis Trillo weds Bianca Umali (left photo) in Legal Wives; Carla Abellana, Rocco Nacino, and Max Collins (right photo) star in the upcoming Kapuso primetime series To Have And To Hold.
PHOTO/S: GMA Network

JERRY OLEA

Mapapanood pa ba si Zaina (Cherie Gil) sa Kapuso primetime series na Legal Wives?

Waley si Zaina sa kasal ng anak niyang si Ismael (Dennis Trillo) kay Farrah (Bianca Umali) sa episode na ipinalabas nitong Setyembre 14, Martes ng gabi.

Cherie Gil

Ang sabi ng ama ni Ismael na si Hasheeb (Al Tantay), masama ang pakiramdam ni Zaina.

Continue reading below ↓

Hirit ng first wife ni Hasheeb na si Nuriya (Irma Adlawan), masama ang loob ni Zaina dahil malapit ito kay Diane (Andrea Torres), ang second wife ni Ismael.

Iyon na?! Lalayas na sa eksena si Zaina at dedma na kay Farrah?!

Siyempre, wala sa nasabing kasal si Amirah (Alice Dixson) at mag-isang nag-emote-emote.

Continue reading below ↓

Dennis Trillo, Bianca Umali, and Alice Dixson

Buntis na si Dianne… babalik siya kay Ismael dahil ayaw niyang lumaking walang ama ang kanyang anak.

Sadyang kapana-panabik ang mga susunod na kaganapan!

Sa Endless Love na kasunod ng Legal Wives, painit nang painit ang mga eksena dahil magtatapos na ito sa Setyembre 24, Biyernes.

Binigyan ni Andrew (Dennis Trillo) ng agimat si Jenny (Marian Rivera).

Batid na ng mag-inang Yumi (Bela Padilla) at Nora (Ces Quesada), maging ng hitad na si Shirley (Samonte) na may kanser si Jenny.

Kailan pa kaya iyon malalaman ni Johnny (Dingdong Dantes)? Makakahiram pa ba ng isang umaga sina Johnny at Jenny?

Sa Setyembre 27, Lunes, mag-uumpisa na sa GMA Telebabad ang To Have and To Hold, kung saan bida sina Carla Abellana, Rocco Nacino, Max Collins, at Rafael Rosell.

Sabi sa teaser, ito ang mapangahas na seryeng aagaw sa inyong gabi.

“Marriage ends when love dies,” sabi ng isang karakter.

Continue reading below ↓

Makaka-relate sa kuwento nito ang mga marupok “as a friend”!

Carla Abellana, Rocco Nacino, and Max Collins

GORGY RULA

Malaki ang nagagawa ng mga magagaling na artista para sa ikagaganda ng isang drama series.

Sa Legal Wives, epektibo ang pagganap ni Dennis Trillo bilang isang masunuring anak na sumusunod sa paniniwala at tradisyon ng isang Muslim.

Continue reading below ↓

Gusto ko rin dito sina Cherie Gil, Irma Adlawan, Bianca Umali, at kahit si Bernard Palanca.

Nakakaaliw pagkumparahin ang dynamics nina Dennis at Bernard sa Legal Wives at sa rerun ng Endless Love na noong 2010 unang umere.

Napansin ko ring bagay pala ang tambalan nina Shayne Sava at Abdul Raman sa Legal Wives. Sana mabigyan ng magandang project na puwede nilang pagsamahang dalawa, kahit isang mini-series.

Continue reading below ↓

Labanan sa aktingan din ang aabangan dito sa To Have and To Hold, dahil pawang magagaling ang mga pangunahing karakter.

Napatunayan na ang galing ni Max Collins na ginawaran ng Special Jury Award for an actress sa 2018 Metro Manila Film Festival mula sa pelikulang Rainbow’s Sunset.

Si Rocco Nacino, noong nagsisimula pa lamang siya pagkatapos ng StarStruck ay napansin agad siya ng Enpress sa kanilang Golden Screen Awards at ng PMPC sa Star Awards for Movies noong 2011, bilang Most Promising Actor, para sa Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa.

Ganundin si Carla Abellana, na nasubukan din ang galing sa mga nagawa niyang drama series sa Kapuso network.

Early this year ay siya ang nagwagi sa 7th Face of the Year Awards sa Vietnam, at napansin din siya sa romantic-comedy na Because of You kaya ginawaran din siyang Most Favorite Foreign Actress.

Ginawaran din si Carla bilang New Movie Actress of the Year ng Star Awards for Movies at sa Young Critics Circle nung 2010 para sa Shake, Rattle & Roll XII.

Continue reading below ↓

Kaya patalbugan talaga ito sa acting, lalo na’t maganda ang material ng bagong drama series na ito.

NOEL FERRER

Parang kailangan nga ng ganung basbas ang mga senior at credible stars sa mga lead actor, lalo na yung mga baguhan para magkaroon ng premium ang project.

Okey ang quality ng Legal Wives, well researched at may cultural relevance, pero kumusta ang ratings nito?

Tama kaya ang move na after ipalabas sa main station ay mag-delayed telecast ito sa GTV?

Ganito rin kaya ang gagawin sa To Have And To Hold na ang title ay ginawang kicker/blurb sa promo ng Marry Me, Marry You?

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Trillo weds Bianca Umali (left photo) in Legal Wives; Carla Abellana, Rocco Nacino, and Max Collins (right photo) star in the upcoming Kapuso primetime series To Have And To Hold.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results