Piolo Pascual, kinain ang sinabing hindi na siya magteteleserye; Lovi Poe, itatambal din kay Coco Martin?

by PEP Troika
Sep 16, 2021
Piolo Pascual and Lovi Poe both signed exclusive contract with ABS-CBN today, September 16. Piolo returns as Kapamilya after short stint in TV5 while Lovi transfers from GMA-7 after 15 years, The two will headline the remake of the K-drama Flower of Evil.
PHOTO/S: @deo_endrinal on Instagram

JERRY OLEA

Natupad na!

Bago nagtapos ang 2020 ay naulinigan nating magiging Kapamilya ang tatlong gandarang Kapuso.

Nauna sina Janine Gutierrez at Sunshine Dizon, na tampok pareho sa Kapamilya teleseryeng Marry Me, Marry You na nag-premiere noong Setyembre 13, Lunes.

Ang leading man ni Janine ay dati ring Kapuso, si Paulo Avelino, na produkto ng Season 4 ng StarStruck (Disyembre 2006-Marso 2007) sa GMA.

At ngayong Setyembre 16, Huwebes, pumirma na si Lovi Poe ng kontrata sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Ang katambal ng 32-anyos na aktres sa kanyang unang Kapamilya teleserye ay dati ring Kapuso, ang 44-anyos na si Piolo Pascual na produkto ng That’s Entertainment (1986-1996).

Nagpahayag noon si Piolo na huling teleserye na niya ang Since I Found You (Abril-Agosto 2018) na pinagtambalan nila ni Arci Muñoz.

Continue reading below ↓

Nang mainterbyu ng PEP si Piolo noong Marso 18, 2019 sa AMA Building, Panay Avenue, Quezon City, matapos siyang pumirma ng kontrata bilang ambassador ng AMA University Online Education, ipinagdiinan niyang muli na hindi na siya magteteleserye.

Paliwanag ni Piolo, “I’m old for that. I’m not old old but, you know, I’ve done more than a dozen soaps, I’ve been in the business for 20 years.

“It’s the same thing I’ve been doing the last 10 years. I want to be able do other things and diversify.

“I’ve become a producer and there are so many things that we can work on. "And acting-wise, endorsement-wise, I still have my hands full.

“So, that’s something that... I don’t enjoy doing anymore. I don’t want to be stuck in a set.

“It’s hard. I mean, I don’t want to take it away from somebody else, but it’s not something that I wanna pursue for now anymore, yeah.”

Continue reading below ↓

May nakabangkong pelikula si Piolo, ang Bangsa, sa direksiyon ni Brillante Mendoza. Co-stars niya rito sina Laurice Guillen, Baron Geisler, at Dido de la Paz.

Si Lovi kaya ang dahilan kaya nahikayat si Piolo na gumawa muli ng teleserye?

Ire-remake nina Piolo at Lovi ang sikat na South Korean TV series na Flower of Evil, na pinagbidahan nina Lee Joon-ki at Moon Chae-won.

Continue reading below ↓

May isa pang TV project na gagawin si Piolo… isang romantic comedy series katambal si Angelica Panganiban.

Teka! Di ba, nagsabi rin si Angelica na huling teleserye na niya iyong Walang Hanggang Paalam (Setyembre 2020-Abril 2021)?

Ang isa pang Kapamilya na nag-retire na rin sa pagteteleserye ay si Jericho Rosales. Inihayag niya iyon sa farewell presscon ng Halik (Agosto 2018-Abril 2019).

GORGY RULA

Iyon din nga ang tanong ng karamihan: akala nila ay titigil na sa teleserye si Papa P.

Tingnan na lang muna natin kung anong klaseng programa ang gagawin nilang dalawa.

May narinig akong ang isa pang naka-lineup na gagawin ni Lovi sa Kapamilya Channel ay isang project kasama si Coco Martin.

Meron din daw isa pang Kapamilya actor na makakatrabaho niya, kaya na-excite ang dating Kapuso actress dahil hindi pa niya nakakatrabaho ang mga naturang aktor.

Sina Lovi at Paulo ay parehong talents ni Leo Dominguez.

Ang isa pang alaga ni Leo na si Solenn Heussaff, na nasa GMA-7 ngayon, lilipat din kaya sa ABS-CBN?

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Lagi nating sinasabi, hindi lahat ng tumatawid ay namamatay. Change is always good lalo na if it shakes you out of your complacency.

Masaya tayo para kay Lovi Poe na long overdue na rin ang paglipat dahil nabalitaan natin iyan noon pa.

Medyo challenging time ngayon sa ABS-CBN pero exciting din. Kasi, ang daming platforms kahit walang free TV broadcast franchise.

Welcome back kay Papa P!

So, hindi totoo ang balitang mag-oober da bakod na naman siya after TV5. Babalik pala siya sa Kapamilya.

All for the best, hopefully!!!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Piolo Pascual and Lovi Poe both signed exclusive contract with ABS-CBN today, September 16. Piolo returns as Kapamilya after short stint in TV5 while Lovi transfers from GMA-7 after 15 years, The two will headline the remake of the K-drama Flower of Evil.
PHOTO/S: @deo_endrinal on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results