Gigo de Guzman, tuloy sa pagmu-move on mula sa Dacera case at pagpanaw ng inang si Claire dela Fuente

by PEP Troika
Sep 17, 2021
Gigo de Guzman: “So far, so good. Okey naman po. Pero siyempre, hindi po naman namin masasabi na fully, completely naka-move on na.”
PHOTO/S: Instagram / Jerry Olea

JERRY OLEA

Nagpaparamdam pa rin si Claire de la Fuente sa anak na si Gigo de Guzman.

“Sometimes, nagpapakita sa dreams. Happy naman daw po siya,” napangiting sambit ni Gigo sa storycon ng pelikulang Moonlight Butterfly nitong Setyembre 16, Huwebes, sa Claire’s restaurant sa Dampa Seaside, Macapagal Avenue, Pasay City.

“Minsan, nagbibilin. Like, nag-aano sa sarili, let go of things na mabigat sa puso.”

Mabigat ang unang quarter ng taon ni Gigo—mula sa pagkasangkot sa infamous Christine Dacera case, hanggang sa pagpanaw ni Claire noong Marso 30 dahil sa COVID-19.

Life-changing! Roller-coaster ride of emotions!

“Talagang life-altering na po, e. Even I cannot quite comprehend what happened,” pag-ayon ni Gigo.

“But hindi po ibig sabihin na puwede akong huminto o tumigil. Kailangan po tayong mag-move on and kahit papaano, step by step po.”

Continue reading below ↓

Kumusta ang pag-move on?

“Hindi po natin masasabi na nakapag-move on completely pero I’m doing my best, lalo na po kaming magkapatid,” saad ni Gigo.

“Kasi siyempre, hindi po kami… ahhh, wala pong tutulong sa amin kundi yung sarili namin.

“Step by step naman po, and we have a very good support system. So, we’re thankful for the big love and support from those who look out for us.

“So far, so good. Okey naman po. Pero siyempre, hindi po naman namin masasabi na fully, completely naka-move on na.”

Nakasumpong ng bagong love si Gigo. Nakakatulong ba iyon para mas maging stable ang buhay niya?

“Yes po. Very much po. Actually, nandito siya,” mabilis na tugon ni Gigo.

“Very supportive, very caring and, kumbaga, it really did help. Hindi ko na-expect na may darating.

“So, surprising lang po, on the positive note, meron pong dumating na blessing.”

Continue reading below ↓

Siyanga pala, chef si Gigo, kaya okay na siya ang mag-manage ng Claire’s restaurant.

“Legacy rin po ito ng nanay ko. Matagal na po kaming nandito. Fifteen years na po ito,” sabi pa ni Gigo.

GORGY RULA

Bukod sa in love ngayon si Gigo, gusto rin niyang balikan ang isa pa niyang love—ang pag-arte.

Noon pa man ay gusto niya ang pag-arte dahil bahagi siya noon ng Trumpets bilang stage actor.

Ang kanyang inang si Claire daw ang hesitant na pasukin niya ang pag-aartista.

"To be honest po before, medyo… ahh, she didn't want me to enter showbiz. Yun po ang sa umpisa,” sabi ni Gigo.

“Pero nung talagang pinakiusapan ko po siya, pinayagan po niya akong mag-acting, here and there po. So, naging supportive na rin po siya.

"I think she will just be happy na I'm doing what I want," pakli ni Gigo.

Bakit kumontra noon si Claire na mag-showbiz siya?

Continue reading below ↓

“Kasi, nanggaling po siya sa showbiz. For her po, yung experience niya, while it was mostly good, there were parts na she also didn’t like,” paliwanag ni Gigo.

“Siyempre, alam naman po natin iyan, nothing is perfect. So, she wanted to protect me from that.”

Thankful naman si Gigo na binigyan siya ng chance ng 3:16 Media Network na maging bahagi rito sa project nilang Midnight Butterfly, at nakaka-excite din daw na madidirek siya ni Joel Lamangan.

Gaganap si Gigo sa movie bilang Kevin, na may secret feeling sa kaibigan niya at kapwa Nursing student na si Dario (Jolo Estrada).

NOEL FERRER

Inamin din ni Gigo na hindi na muna sila nagkikita-kita ng mga kaibigan niyang nakaladkad sa Christine Dacera case.

“Ahhm, for now po, honestly, they’re very busy. Kasi, try po namin na… ahh, mabuhay ulit,” lahad ni Gigo.

“Kasi, karamihan po sa amin, kailangang magtrabaho. Sila rin po. Actually, ongoing pa rin po yung kaso.

Continue reading below ↓

“Minor lang po, yung sagut-sagot, sagutan. So, kailangan po namin ng pambayad sa lawyer namin.

“So, focus muna kami sa trabaho. Sa pag-aayos ng buhay namin. Step by step din po.”

By the way, ang Moonlight Butterfly ay launching film ni Christine Bermas, isa sa members ng all-female group na Belladonas.

Continue reading below ↓

Tatlo ang leading men ni Christine—sina Kit Thompson, Albie Casiño, at Ivan Carapiet.

Ang iba pang nasa cast ng movie ay sina Tanya Gomez, Jim Pebanco, Quinn Carrillo, at Hershie de Leon.

Ayon sa scriptwriter na si Eric Ramos, ang original title ng movie ay Paruparo sa Liwanag ng Buwan.

“Masyadong old school yung title. Gusto ni Direk Joel, Moonlight Butterfly,” sabi ni Eric.

Si Eric din ang nag-script ng Rainbow’s Sunset na entry ni Direk Joel sa MMFF 2018. Ang original title niyon ay Dapithapon ng Bahaghari.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gigo de Guzman: “So far, so good. Okey naman po. Pero siyempre, hindi po naman namin masasabi na fully, completely naka-move on na.”
PHOTO/S: Instagram / Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results