Lovi Poe may engrandeng welcome party sa ASAP Natin 'To

by PEP Troika
Sep 18, 2021
Sa unang paglabas ni Lovi Poe sa ASAP Natin 'To bilang isang Kapamilya, isang enggrandeng welcome party ang magaganap.
PHOTO/S: PR

JERRY OLEA

Nagpa-red carpet ang ABS-CBN nitong Setyembre 16, 2021, Huwebes, para sa paglipat ni Lovi Poe at pagbabalik ni Piolo Pascual.

Isang engrandeng welcome party ang naghihintay kay Lovi sa ASAP Natin 'To, live na live sa Setyembre 19, Linggo ng tanghali, sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Sasalubungin si Lovi nina Erik Santos at Gary Valenciano.

Sasabak din sa pagkanta si idol Raffy Tulfo kasama sina Zsa Zsa Padilla at Nina sa segment na “ASAP Fresh." Ang bali-balitang kakantahin nila ay "Kung Kailangan Mo Ako."

E, si Piolo, tatapak kayang muli sa studio ng ASAP Natin ‘To? Remember, si Piolo ang pangunahing host ng defunct Sunday afternoon variety show ng TV5 na Sunday Noontime Live?

At any rate, nananabik tayo sa Pinoy adaptation ng South Korean thriller drama na Flower of Evil (2020) na pagbibidahan nina Lovi at Piolo.

Totoo ba na ikinakasa na rin ang mga kasunod na Kapamilya project ni Lovi kung saan makakatambal niya sina Coco Martin at JM de Guzman?

Continue reading below ↓

Sakaling magwakas na ang FPJ’s Ang Probinsyano, bonggacious na mag-partner sina Lovi at Coco sa FPJ’s Batang Quiapo!

NOEL FERRER

Isa na ang aking talent si Iza Calzado na nahingan ng message for Lovi sa kanyang pagiging Kapamilya.

I’m sure, marami pang mga nag-ober da bakod ang magwe-welcome kay Lovi, kasama na rin ang mga homegrown talents ng Kapamilya network.

Ang galing din kasi kahit walang franchise, tumataya si Lovi sa network na magbibigay ng fulfillment sa kanya bilang aktres. Well, Urian best actress nominee siya ngayon sa pelikulang Malaya.

All the best, Lovi!!!

GORGY RULA

Kung may pasabog na welcome ang ASAP Natin ‘To para kay Lovi Poe, iwi-welcome naman sa All-Out Sundays ang bagong segment nilang tampok ang mga magagaling na balladeers na sina Chistian Bautista, Mark Bautista, Jeremiah Tiangco, Garrett Bolden, Nef Medina, Anthony Rosaldo, Derrick Monasterio, at Bugoy Drilon.

Ang tawag nila sa segment ay "Kingdom," na pantapat sa laging pinapalakpakang "Queendom" nina Aicelle Santos, Julie Anne San Jose, Rita Daniela, Jessica Villarubin, Jennie Gabriel, at Hannah Prescillas.

Isi-celebrate din sa Linggo ang kaarawan ng guwapitong si Miguel Tanfelix sa segment nilang "Cypher," featuring Gloc-9’s hits kasama ang napapabalitang girlfriend na si Ysabel Ortega at iba pang Kapuso stars na sina Rayver Cruz, Gabbi Garcia, Kris Bernal, Mannex, at Barbie Forteza.

Samantala, nakatsikahan ko sa nakaraang story conference ng pelikulang Moonlight Butterfly si Jolo Estrada na bahagi sa pelikulang ito.

Nagkasama raw sila ni Lovi sa shooting ng pelikulang Seasons ng Regal Films, at wala pa raw siyang naririnig noon tungkol sa isyung lipatan.

Pero masaya raw siya para sa aktres at kapatid niya sa kuwadra ni Leo Dominguez. “Nung time na yun, wala pa akong naririnig na lilipat siya. Pero I’m so happy for her na ayun, she has a new home, sa Kapamilya network, nakakatuwa po.

“Grabe si Lovi bilang co-actor, e, dahil baguhan pa lang ako, e. Inaalagaan niya talaga ako,” pakli ni Jolo.

Kasama rin doon sa story conference ng pelikulang Moonlight Butterfly ang isa pang alaga ni Leo na si Albie Casiño. Masaya ang hunk actor na makakasama na niya sa Kapamilya network si Lovi. Sa takbo ng mga pangyayari, hindi na umaasa si Albie na ililipat siya ng manager niya sa GMA-7.

Continue reading below ↓

“Wala, e, sa ABS naman, e,” napapangiting pahayag ni Albie.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa unang paglabas ni Lovi Poe sa ASAP Natin 'To bilang isang Kapamilya, isang enggrandeng welcome party ang magaganap.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results