Dating Regal babies at young Kapuso stars, balak pagsamahin sa Regal Studio Presents

by PEP Troika
Sep 20, 2021
Tampok sina Allen Ansay at Sofia Pablo (kaliwa) sa second episode ng Regal Studio Presents na "Raya Sirena." Ang real-life couple namang sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos ang bida sa third episode na pinamagatang "One Million Comments, Magjo-Jowa Na Ako."
PHOTO/S: GMA Network / @gabbi on Instagram

JERRY OLEA

Nag-trending sa Twitter ang "Raya Sirena" episode ng Regal Studio Presents (RSP) nitong Setyembre 18, Sabado ng gabi.

Hindi nagpabaya ang AlFia fans nina Allen Ansay at Sofia Pablo!

Ang third episode ng Regal Studio Presents ay nasa Saturday night timeslot na.

Mapapanood ang RSP episode na "One Million Comments, Magjo-Jowa Na Ako" sa Setyembre 25, Sabado ng 4:35 p.m., sa GMA-7.

“Exciting ang 'One Million Comments, Magjo-Jowa Na Ako.' It’s all about Ana Marie [Gabbi Garcia], na accidentally nag-post as an April Fools Day prank,” lahad ni Direk Easy Ferrer nitong Setyembre 19, Linggo ng hapon.

“Kaso, totoong umabot ng One Million comments ang post niya. Because of that, her friend Nona [Kat Galang] urges her to look for the commenter na nagpaabot ng 1 Million comments sa kanya.

“Then she meets Prince Matt [Khalil Ramos], isang IT Computer Technician.

“Matagal ko nang nakatrabaho si Khalil when I was an Assistant Director. 2013 pa for a Regal Horror Project and 2016 for an indie movie. Naging close ko na rin siya somehow so medyo gamay ko na siya.

Continue reading below ↓

“Si Gabbi rin, I worked with her in 2019 when I was assistant director for Miko Livelo for an online show where she was the lead. Magaan sila both katrabaho. Tsaka hindi ako nahirapan dahil nandun na yung kilig.”

Si Direk Easy pa rin ang direktor ng fourth episode ng RSP, kung saan bida si Bianca Umali bilang Janice, isang babaeng mag-isa sa buhay.

Kuwento pa ni Direk Easy, “Ang tanging inaasam ni Janice is to find ‘the one,’ by looking for signs kung siya na ba talaga.

“She believes kasi na her mom and dad ang greatest love story ever told, and signs din ang nag-lead para magkatuluyan sila.

“So, meron siyang listahan ng qualities ng the one niya like 5’11”, sportsman, may mole sa chest, name starts with P, etc.

“Then she meets Paul [Prince Carlos] and Patrick [Gab Moreno]. Parehong pasok sa signs niya.

“Pero mami-meet din niya ang kontrabidang kapitbahay na si Niel [Carlo San Juan] na kinokontra ang paniniwala niya.”

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Marami pang plano sina Roselle Monteverde at Joey Abacan para sa Regal Studio Presents.

Na-excite silang pag-usapan ang mga susunod na ipi-feature na episodes. Every week daw ay nag-uusap ang dalawa para mag-isip ng magandang kumbinasyon.

Ang isa sa napagkasunduan nila ay ibalik ang mga Regal babies na naging bahagi ng Regal Films noon pa.

Sabi nga ni Joey, “Pinag-uusapan na nga namin, as long as okay ang schedule nila… alam mo yung mga Underage girls dati, sina Marya [Maricel Soriano], Cookie [Snooky Serna], si Dina [Bonnevie].

“Possible na right now, you know we could make them… yung mga generation ba ng Regal, kasi yun ang naabutan natin, e.

“And then after that, we also have yung mga Ruffa [Gutierrez], Carmina [Villarroel], and Aiko [Melendez], di ba?”

Agree si Roselle, at nakaka-excite daw dahil tuwing nagka-casting sila ay hindi sila nahirapang kumuha sa pool of artists ng GMA Artist Center dahil halos lahat ay taga-Regal.

Continue reading below ↓

“Sa totoo lang, ang dami rin talagang GMA na Regal babies, e. So, parang wala na nga kaming ano ni Roselle minsan pag nagka-casting kami, kasi wala na kami yung 'Regal 'yan, eto GMA.'

“It was never like that. Parang lahat sila, magaganda. Parang lahat, puwede,” sabi pa ni Mr. Abacan.

Sa darating na Sabado ay sa hapon na mapapanood itong episode nina Khalil at Gabbi.

Sayang at hindi pa natapos ang unang drama series nina Gabbi at Khalil na Love You Stranger. Pero at least, masusubukan dito ngayon sa Regal Studio Presents kung papatok ang tambalan nilang dalawa.

NOEL FERRER

Tama ang strategy na pagsamahin ang mga dating Regal Babies at ang young stars na nasa GMA7 para may basbas ang old sa new.

Pero sana, mag-pick up hindi lang sa PR kundi sa ratings, at commercial load at siyempre, sa quality ng production. Sana makagawa ito ng major impact tulad noon.

Continue reading below ↓

Teka… sinu-sino ba ang bet ninyong Regal Babies na pagsama-samahin?

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tampok sina Allen Ansay at Sofia Pablo (kaliwa) sa second episode ng Regal Studio Presents na "Raya Sirena." Ang real-life couple namang sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos ang bida sa third episode na pinamagatang "One Million Comments, Magjo-Jowa Na Ako."
PHOTO/S: GMA Network / @gabbi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results