Carla Abellana, pinagsasabay ang taping at preparations sa kasal nila ni Tom Rodriguez

by PEP Troika
Sep 22, 2021
Carla Abellana: "Ang ginagawa ko po is in between scenes, or dinner break or lunch break, dun po ako nagsisingit ng wedding planning—whether it’s a meeting with the coordinator o i-update ko po ang, let’s say, suppliers or guest list. Kaya naman po, and time management lang."
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Napabilib si Tom Rodriguez sa fiancée niyang si Carla Abellana dahil ang galing nito sa time management.

Napagsasabay ni Carla ang trabaho at paghahanda sa kanilang church wedding sa October 23.

Kinuwento ni Carla na sa gitna ng taping niya sa bagong drama series na To Have and To Hold, naisisingit niyang ayusin ang ilan pang kailangan para sa kanilang wedding preparations.

Ani Carla sa virtual mediacon ng To Have and To Hold nitong Martes, September 21,“Mahirap po siyang ipagsabay, pero kailangan kong gawin.

“When we announced our engagement last March, akala po namin, matututukan namin yung wedding planning.

“Pero ang dami nga pong nasagasaan in terms of schedule, which is okay pa naman po dahil maaga-aga pa naman at that time.

“There are some case na hindi ko talaga kayang gawin while being at lock-in, mostly, kaya naman pong ipagsabay.

“Ang ginagawa ko po is in between scenes, or dinner break or lunch break, dun po ako nagsisingit ng wedding planning—whether it’s a meeting with the coordinator o i-update ko po ang, let’s say, suppliers or guest list.

Continue reading below ↓

"Kaya naman po, and time management lang."

Natuwa rin si Carla na napasama siya sa To Have and To Hold kahit hindi pa siya gaanong nakaka-relate sa karakter na ginagampanan niya rito bilang si Erica Gatchalian.

“I don’t necessarily identify myself sa tatlong characters nina Gavin [Rocco Nacino], Dominique [Max Collins], at Erica, pero may nakukuha po ako from all of them.

“Sa bawat isa sa kanila, may napupulot akong lesson… in a way, I can somehow imagine myself being in their situation,” pakli ni Carla.

Pero tiyak na marami raw matutunan ang mga mag-asawa sa kuwento ng To Have and To Hold na magsisimula na sa Lunes, September 27.

“Basically, it’s not just about infidelity or mistakes, it’s about protecting your family or your loved ones, fighting for your husband or your wife… and forgiveness.

“Ang dami pong lessons for married couples,” dagdag niyang pahayag.

Continue reading below ↓

Max Collins, Rocco Nacino, and Carla Abellana

JERRY OLEA

Magtatapos na sa Biyernes ng gabi, September 24, ang rerun ng Endless Love, na papalitan ng To Have and To Hold (THATH) sa Lunes.

Mami-miss natin back-to-back scenes nina Dennis Trillo at Bernard Palanca sa Legal Wives at Endless Love.

As a friend, maraming makaka-relate sa istorya ng pagtataksil at pangangalunya sa THATH.

Balik-Kapuso si Rafael Rosell sa bagong handog na ito ng GMA Telebabad.

Ang theme song ng To Have and To Hold ay ang "More Than Before" (2019) na kanta ni The Clash Season 1 Grand Champion Golden Cañedo. Komposisyon iyon ni Vehnee Saturno.

Sabihin mang kulang sa promo ang To Have and To Hold, siguradong mangunguna pa rin ito sa timeslot nito.

NOEL FERRER

Katulad ng sinabi ko sa mga ka-Troika, sa ngayon ay mas interesting ang mga nangyayari sa tunay na buhay ng lead characters na sina Carla Abellana, Max Collins, at Rocco Nacino kaya kailangan ma-match pa ito ng matinding paghu-hook ng mga tao sa teleseryeng To Have And To Hold.

Continue reading below ↓

Gusto ko talagang mag-succeed lalo na ang mga new content na talagang pinaghihirapan ng ating movie workers despite the pandemic.

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carla Abellana: "Ang ginagawa ko po is in between scenes, or dinner break or lunch break, dun po ako nagsisingit ng wedding planning—whether it’s a meeting with the coordinator o i-update ko po ang, let’s say, suppliers or guest list. Kaya naman po, and time management lang."
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results