Watch Now

Newcomer Christine Bermas, pinaghandaan ang maseselang eksena sa Moonlight Butterfly

by PEP Troika
Sep 23, 2021
Christine Bermas on leading man Kit Thompson: "He’s also a good-looking guy at mabait din siya. Feeling ko lang, nakakatakot siya pag sa ano na or nakaka-excite sa part na yun! Ha! Ha! Ha!"
PHOTO/S: 3:16 Media Network

JERRY OLEA

Ilulunsad ng 3:16 Media Network ang 19-anyos na si Christine Bermas sa pelikulang Moonlight Butterfly, sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Member si Christine ng all-female sing-and-dance group na Belladonas, kung saan kabilang din si Cloe Barreto na inilunsad ng 3:16 Media Network sa pelikulang Silab, also with Direk Joel as director.

Ang Silab ay nag-streaming noong Hulyo 9 sa Vivamax. Nag-frontal dito si Cloe at ang baguhang leading man niyang si Marco Gomez.

Pinag-usapan sa social media ang climax ng Silab, kung saan nilason ni Cloe si Marco, pinutol ang prosthetic na ari nito, na kapagkuwan ay kinain niya.

Ang isa pang leading man ni Cloe sa Silab ay si Jason Abalos.

Nag-cameo rito si Christine, maging sa isa pang natapos na pelikula ni Direk Joel, iyong Ang Huling Baklang Birhen Sa Balat-Lupa.

Hindi nagdalawang-isip si Christine na magbida sa Moonlight Butterfly kahit may maseselang eksena sa pelikula, kagaya ng pakikipaglampungan sa tatlong leading men na sina Kit Thompson, Albie Casiño, at Ivan Carapiet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Albie Casino, Christine Bermas, and Kit Thompson

“Noon ko pa po pangarap na mag-artista, and naghihintay lang din po talaga ako ng time,” saad ni Christine sa storycon noong Setyembre 16, Huwebes, sa Claire’s restaurant sa Dampa Seaside, Macapagal Avenue, Pasay City.

“May mga time at chance po tayo na dapat hintayin. Sixteen years old po ako nang sumali sa Circle of 10 contest sa Palawan, at doon po ako na-discover ni Nanay Len [Carrillo] para makasama sa Belladonas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Excited po akong gawin ang project na ito, kasi first time ko po ito na gawin lahat. Super kinakabahan po ako.

“Super happy po ako and thankful at the same time na naibigay sa akin ang project na ito.”

Kanino siya mas na-excite, kay Kit o kay Albie?

“Both po!” mabilis na bulalas ni Christine.

Kaya bang pantayan ni Christine ang kapangahasan ni Cloe, o lalampasan pa niya?

Ngumiti si Christine, “Ahhm, ang masasabi ko na lang po, gagawin ko po lahat ng kaya kong gawin, kaya kong ipakita.

“And nasa sa inyo na lang din po yun, kayo na lang po ang magdya-judge kung nagawa ko po ba yung dapat kong gawin, kung na-satisfy po ba kayo sa gagawin ko.

“So, hindi po natin kailangan ng comparison between two actresses. Kasi, lahat naman po tayo, ginagawa natin yung best natin para ma-appreciate tayo ng ibang tao.”

Magkaibigan ba sila ni Cloe?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yes, we’re very close friends!” mabilis na tugon ni Christine.

Kuntento na si Christine sa kanyang boobs. Sakto na raw iyon sa kanyang hubog kaya wala siyang balak magpalaki ng boobs.

GORGY RULA

Ang ganda ni Christine na napakainosente ang dating. Parang kabataan noon ni Alma Moreno na napakaamo ng mukha.

Sinabihan nga namin si Christine sa story conference ng Moonlight Butterfly na mas bagay sa kanya ang light make-up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero inosente naman talaga si Christine sa ibang bagay, lalo na sa sex, dahil wala pa raw siyang experience.

Kaya bilang paghahanda sa role niya sa pelikulang ito, nanood siya ng mga pelikulang may love scenes para magkaroon siya ng ideya.

Napanood niya ang love scenes nina Anne Curtis at Marco Gumabao sa Just A Stranger (2019), at pati 50 Shades of Grey (2015), at 365 Days (2020).

Iyon ay para may ideya siya sa gagawin niya sa pelikula kasama sina Albie Casiño at Kit Thompson.

Pinanood din ni Christine ang pelikulang Burlesk Queen (1977) ni Vilma Santos para may peg siya sa gagampanang karakter. Ipinagdiinan ni Christine na hindi siya nanood ng porn.

Nasalang na si Christine sa hubaran sa pelikula nina Coco Martin at Julia Montes na idinirek ni direk Brillante Mendoza, ang Pola (Red Earth). Kaeksena niya si Vince Rillon na nag-frontal sa pelikulang yun.

Sobrang kinarir at pinag-aralan ni Christine ang role niya sa Moonlight Butterfly na pati ang leading men niyang sina Albie, Kit, at Ivan ay pinag-aralan din niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Si Albie… ano siya, e, parang magka-vibes kami, feeling ko lang.

“Kasi, kinakausap niya rin po ako kanina. Approachable siya at feeling ko naman po, mabait siya,” sey ni Christine.

Ang tamis naman ng ngiti ni Christine nang tinanong sa kanya si Kit, na obvious namang mas type niya ito kesa kay Albie.

“Kay Kuya Kit naman po, he’s also a good-looking guy at mabait din siya.

“Feeling ko lang, nakakatakot siya pag sa ano na or nakaka-excite sa part na yun! Ha! Ha! Ha!” kinikilig na sagot ng dalaga.

E, si Ivan na gaganap bilang Iranian terrorist?

“Si Ivan naman po, parang ano siya… ahh, mabait din siya for me. Tapos, siguro, may pagkasungit lang po nang slight! Ha! Ha! Ha! Iyong look lang po niya! Ha! Ha! Ha!” halakhak pa ni Christine.

NOEL FERRER

Bunso si Christine sa tatlong magkakapatid. Noong mag-storycon, hindi pa raw alam ng parents niya na nasa Palawan ang gagawin niya sa kanyang launching movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-aaral pa si Christine. Second year college student siya ng kursong Tourism.

“Noong nabasa ko yung script ng Moonlight Butterfly, yung pagiging breadwinner sa story, medyo related siya sa akin sa personal,” pag-amin ni Christine.

“Medyo na-shock lang po ako sa ibang mga eksena. Ayun, kailangan talagang paghandaan po para magawa ko nang tama.”

Bet ni Christine ang kilay at mga mata ni Albie. Sabi ng dalaga, parang nangungusap ang eyes ni Albie, na kahit magsasalita pa lang ito ay alam niya ang sasabihin.

Kay Kit, gusto niya ang jawline at yung eyes din nito.

Kay Ivan, pansin agad niya ang balbas.

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Christine Bermas on leading man Kit Thompson: "He’s also a good-looking guy at mabait din siya. Feeling ko lang, nakakatakot siya pag sa ano na or nakaka-excite sa part na yun! Ha! Ha! Ha!"
PHOTO/S: 3:16 Media Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results