Watch Now

Marco Gallo, may sagot sa komento ni Kim Atienza tungkol sa mensahe niya kay Kisses Delavin

by PEP Troika
Sep 23, 2021
Marco Gallo: "I just realized, in this industry, whatever you say, everyone has always something to say about it. And I know, I didn’t mean it that way. So if you wanted it to see it that way, it’s fine."
PHOTO/S: Viva Films

GORGY RULA

Ipinarating namin kay Marco Gallo ang Facebook comment ni Kim Atienza kaugnay ng makahulugang mensahe ng Viva actor para sa dating ka-love team na si Kisses Delavin.

Binanggit ni Marco na sana ay mag-post din si Kisses ng kahit konti lang ng nagaganap sa kanyang buhay, hindi yung sponsors o endorsements lang ang nakikita sa social media account nito.

Dito pinagsabihan ni Kuya Kim si Marco na hindi kailangang i-share ang pribadong buhay sa social media.

Buong komento ni Kuya Kim sa Facebook post ng PEP.ph: “Your private life need not be shared on social media Marco. She is blessed she has lots of endorsements. You should be happy for her. Back to you guys.”

Nang nakatsikahan namin si Marco sa aming radio program sa DZRH nitong Miyerkules ng gabi, September 22, hiningan namin siya ng reaksiyon sa komento ni Kuya Kim.

Sabi ng Filipino-Italian actor, “I never said that I wasn’t happy for her. I mean, I was just saying, as a friend...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I was just saying, it would be interesting… you know, you look at your old school friends and you catch up what’s going on with their lives, that’s all I meant.”

Ewan ko lang kung gaano kakilala ni Marco si Kim Atienza, pero tila nairita siya sa iba pang pahayag ng TV Patrol weatherman.

Sabi ni Marco, “I think he saw it in a different way, you know… like, whatever…

“I just realized, in this industry, whatever you say, everyone has always something to say about it. And I know, I didn’t mean it that way.

“So if you wanted it to see it that way, it’s fine.

"I’m just saying… first of all, I never said that I’m not happy for her. Like, good for her.

"And, second, can’t people relax for a little bit… like, honestly?

“Can’t just people have a laugh? Can’t just people smile a little bit more and relax, and get off of my shoulder, 'coz I don’t care."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa niya patungkol kay Kuya Kim, “It’s just his comment, and I don’t think it was needed.

“I totally get his point but, like, I’m sure he would have got my point, too.”

Ayon kay Marco, wala silang komunikasyon ngayon ni Kisses.

Hindi naman daw niya itinatanggi ang isyu nila nung pareho pa silang housemates ng Pinoy Big Brother Lucky 7.

Masaya raw siya para kay Kisses na natupad na ang matagal nitong dream na makasali sa beauty pageant kagaya ng Miss Universe Philippines.

“I know she’s getting it,” pakli ni Marco.

“If she wins, good for her. If she doesn’t, she still proved to everybody else that she still tried.”

JERRY OLEA

As we write this, naka-16M views na sa Facebook page pa lang ng VinCentiments ang second teaser ng pelikulang Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso kung saan nakabuyangyang ang wetpaks ni Marco.

Noong Setyembre 15, Miyerkules, iyon in-upload sa iba’t ibang social media platforms and accounts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinost ni Marco sa Instagram ang still photo ng kanyang butt exposure habang naliligo sa bakuran.

“Kayo ba naman, bigyan ng project na Darryl Yap, hindi kayo magpapakita ng puwet?” napangiting sambit ng 20-anyos na aktor.

“I don’t care! I share my blessing. If people enjoy looking on my butt, then enjoy!”

Open ba siya sa frontal nudity kung talagang maganda ang project para sa kanya?

“Everyone has a price. I think it’s more of if the role is right, then we’ll see about that.

“But I really have to love the role for me to do that.”

Sa Oktubre 1, Biyernes, ang Vivamax streaming ng Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso.

NOEL FERRER

Ibang klase rin itong si Marco Gallo. Gagawin ang lahat para mapansin.

Sana, marating niya ang kanyang hangarin sa showbiz at maging mas magaling at mabuting tao siya pagkatapos nito.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marco Gallo: "I just realized, in this industry, whatever you say, everyone has always something to say about it. And I know, I didn’t mean it that way. So if you wanted it to see it that way, it’s fine."
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results