KathNiel 10th anniversary, ipagdiriwang sa pamamagitan ng docu special

by PEP Troika
Sep 24, 2021
kathniel 10th anniversary
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla will celebrate their 10th anniversary as a love team, KathNiel, via a documentary special chronicling their journey as a love team and as a couple.
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Highest-grossing Filipino film ang Hello, Love, Goodbye (2019) na pinagtambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Sa thanksgiving party ni Kathryn noong Setyembre 22, 2019 sa Tivoli Royale Country Club, ibinalita niya sa KathNiel fans na gagawa sila muli ni Daniel Padilla ng teleserye.

Pangako ni Kathryn, “Gagandahan po namin, so next year will be a good year for KathNiel. Mag-ready po tayong lahat.

“Also, may isa pa akong good news para sa inyo, pero hindi ko muna siya ia-announce.”

Bago nagtapos ang 2019 ay napabalita nang gagawin ng KathNiel ang teleseryeng Tanging Mahal, na nakatakdang magsyuting sa Mexico.

Ilang araw bago ang Valentine’s Day noong 2020, napabalitang may reunion movie na rin ang KathNiel, ang After Forever, na magsyusyuting sa San Francisco, California, USA.

Naudlot ang pelikula at teleserye dahil sa COVID-19 pandemic. Pinatay pa ng Kongreso ang prangkisa ng ABS-CBN.

Ginawa na lang muna nina Kathryn at Daniel ang mini-series na The House Arrest Of Us.

Oktubre 24, 2020 nag-premiere ang nasabing series sa KTX, na weekly ipinalabas ang bagong episode hanggang Enero 16, 2021. Ipinalabas din iyon sa iWant TFC.

Pebrero 1, 2021 nag-umpisang mag-streaming ang buong season sa Netflix, at eleven consecutive days na nanguna iyon sa Top 10 ng Netflix Philippines.

Nitong Setyembre 10, 2021 ay nag-streaming na rin sa Netflix ang 100 episodes ng The Promise (Pangako Sa ‘Yo) ng KathNiel. As of this writing ay pang-apat iyong The Promise sa Top 10 ng Netflix Philippines.

Ipinagdiriwang ng KathNiel ang kanilang ikasampung anibersaryo, at meron silang pa-“save the date” kaugnay rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mapapanood ang documentary na KathNiel: Isang Dekada bukas, Setyembre 25, Sabado ng 6:00 p.m., sa YouTube channel na Everyday Kath.

Sina Kathryn at Daniel ang nag-produce ng docu, kung saan babalikan nila kung paano sila nagkamabutihan sa set ng Kapamilya show na Growing Up (Setyembre 2011-Pebrero 2012), ang matitinding pinagdaanan nila sa likod at harap ng camera, at ang mga aral na napulot nila mula sa mga pelikula at seryeng pinagbidahan nila.

Pag-uusapan ng KathNiel ang naging epekto ng kanilang love team sa mga personal nilang buhay at ang pagbuo nila ng matibay na samahan sa kanilang fans.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Maglalahad ng mga nakakakilig nilang karanasan kasama ang KathNiel sina Direk Cathy Garcia-Molina, screenwriter na si Carmi Raymundo, pati na ang ilan sa mga pinakamalapit nilang mga kapamilya, mga kaibigan, mga katrabaho, at die-hard KathNiel fans.

Patuloy ang selebrasyon ng ABS-CBN dahil mapapanood pa rin sa YouTube channels ng ABS-CBN Entertainment at Star Cinema ang mga pelikula ng KathNiel tulad ng Barcelona: A Love Untold (2016), Must Be Love (2013), at She’s Dating the Gangster (2014), at Spanish-dubbed episodes ng teleseryeng Pangako Sa ‘Yo.

Nariyan din ang Secret Movie Files kung saan ipinapaliwanag kung paano nabuo at kinunan ang mahahalagang eksena sa She’s Dating The Gangster, ang paboritong pelikula ng KathNiel.

She's Dating The Gangster

Maraming first na ginawa si Daniel sa movie na ito—pagsusuot ng shorts at pagta-topless sa eksena, pagsasayaw sa screen, at pagmamaneho ng kotse na may manual transmission.

Ito ang KathNiel movie na may pinakamaraming wig na ginamit. Si Direk Cathy Garcia-Molina mismo ang naglagay at nag-style ng mga wig nina Kathryn at Daniel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nahirapan ang production design team sa paghahanap ng beeper na functional.

Kabilang sa mga nag-cameo sa movie sina Khalil Ramos, Elisse Joson, Ian Veneracion, Jojit Lorenzo, Janus del Prado, Rayver Cruz, Ginger Conejero, Pooh, Joem Bascon, Ketchup Eusebio, Joross Gamboa, at JM de Guzman.

GORGY RULA

Isang dekada na ang kanilang love team at, so far, ang KathNiel pa rin ang maituturing na pinakamalakas na love team sa kanilang henerasyon.

Since isang dekada na sila, nag-mature na sila at pati sa kanilang relasyon.

Sa tono ng mga sagot ni Daniel Padilla sa The Purple Chair interview sa kanya ni Kuya Boy Abunda, tila lalong lumalalim ang relasyon nila ni Kathryn, at naramdaman naman sa mga sagot niyang sila na ang magsasama hanggang sa kanilang pagtanda.

Pero inaasahan na rin sana ang pag-mature nila bilang aktor.

Napatunayan ni Kathryn sa Hello, Love, Goodbye ang lakas niya sa takilya kahit hindi si Daniel ang kasama niya.

Si Daniel naman ay meron na ring Kun Maupay Man It Panahon (Whether The Weather Is Fine) kasama sina Rans Rifol at Charo Santos-Concio.

Sana, meron pang gawing project ang KathNiel upang lalong mapatunayan ang kanilang pagiging artista, hindi yung pangkilig-kilig lang.

NOEL FERRER

Tama, it’s high time na gumawa ang KathNiel ng project na beyond the usual love story, na may halaga naman sa lipunan na ginagawalan nila. Kaya nila iyan!

Nag-mature na ang roles nila sa mga content nila, like yung digital series nila The House Arrest Of Us. Pero sana, a significant movie that will solidify their places as actors na kinikilala sa galing at hindi lang sa popularidad!

Kaya nila iyan! Bilib ako sa dalawang iyan!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla will celebrate their 10th anniversary as a love team, KathNiel, via a documentary special chronicling their journey as a love team and as a couple.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results