Watch Now

Senator Bong Revilla mamimigay ng more than P4M sa kanyang birthday game show

by PEP Troika
Sep 26, 2021
Senator Bong Revilla's wish on his 55th birthday: “Matapos na ang pandemic na ito at mamuhay na tayo nang normal. Yun ang wish ko. Pagtulung-tulungan nating ipagdasal sa Panginoon.”
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

GORGY RULA

Mahigit P4M pesos ang ipamimigay na papremyo ni Senator Bong Revilla sa pa-game show niya sa kanyang Facebook live at YouTube channel, ang Kap’s Amazing Agimat Birthday Giveaway na sinimulan niya noong Sabado, September 25.

Ayon kay Bong, masaya na siya sa ganitong paraan ng celebration ng kanyang 55th birthday kahapon.

Meron pa uli ngayong Linggo ng gabi, September 26, para mas marami pa raw siyang mapasayang tao na nakatutok sa Facebook account at YouTube channel niya.

Sumali ang buong pamilya ni Bong na naki-celebrate sa kanya. Nag-surprise pa ang ate niyang si Princess Revilla na nag-donate ng additional na papremyo na P100,000.

Nagpasalamat si Bong sa lahat ng nag-donate ng mga ipinamigay na premyo— kagaya ng gadgets, cash, at kabuhayan package.

Senator Bong Revilla with Lani Mercado and Jolo Revilla

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Senator Bong Revilla with wife Mayor Lani Mercado, son Vice Governor Jolo Revilla, and daughter Gianna

Sabi ni Bong, kagaya ng ibang nag-celebrate ng kaarawan, isa rin sa hiling niyang matapos na itong hinaharap nating pandemya para maahon na tayo sa kahirapan.

“Napakahirap na sitwasyon ang inabot ng ating mga kababayan.

“Kumbaga, kami nahirapan na maayos ang kalagayan natin sa buhay, what more yung mga maliliit nating kababayan,” pakli niya.

Dagdag niyang hiling, sana ay maabot na raw natin ang herd immunity at lahat ay mabakunahan na.

“Sa panahon pa naman ngayon, hindi mo alam kung sinong meron, especially ang Delta variant na kumakalat na hindi mo talaga alam kung paano ma-control ng ating gobyerno.

"Kaya yung herd immunity ang hinihintay natin. Kaya dapat talaga magpabakuna na tayo.

“Sabi nga, kapag may bakuna ka, may agimat ka.

“Kaya ang laging dasal ko talaga, lalo na ngayon sa birthday ko, na matapos na ang pandemic na ito at mamuhay na tayo nang normal. Yun ang wish ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pagtulung-tulungan nating ipagdasal sa Panginoon,” saad ni Bong.

Bilang senador, hangad din niyang matapos na ang mainit na imbestigasyon ngayon sa Senado tungkol sa pag-handle ng Department of Health sa pandemic budget, at matigil na ang batuhan ng kung anu-anong paninira.

“Nangyari na sa akin ‘yan, e,” pakli niya.

“Ang pulitika talaga, madumi, masalimuot. Harapin sana natin ang tunay na problema.

“Sana… kung talagang wrapped up na, kasuhan na ang dapat kasuhan. Managot na ang dapat managot.”

JERRY OLEA

Hindi sinagot ni Bong kung si Andrea Torres na nga ba ang leading lady niya sa book two ng Agimat ng Agila. Sisimulan na raw nila ang lock-in taping sa susunod na buwan.

“Surprise na muna. Basta, magti-taping na po kami mid of October, dahil magri-recess na kami.

“Kaya abangan niyo kung sino man ang magiging leading lady ko. Hindi pa namin puwedeng i-reveal.”

Lagi raw silang nagmi-meeting para pag-usapan kung paano pa pagandahin ang book two. Kasama pa rin daw si Sanya Lopez sa Agimat ng Agila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasama si Sanya. May madadagdag lang.”

Siyanga pala, nito ring Setyembre 25, Sabado ng 8:00 p.m. ay inilunsad ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang Dobleng Fortune: Dobleng Saya sa kanyang Facebook page.

Katuwang ni Gov Daniel sa launch si Bokal Alex Castro.

Nagpaningning dito sina Joross Gamboa, Gab Lagman, Mark Herras, Jason Abalos, Joseph Bitangcol, Marco Alcaraz, Matt Evans, Onyok Velasco, JR Tiuseco, at Eagle Riggs.

Isa sa segments ay ang "Don’t Forget Tiktok Challenge" na tatlo ang kategorya—Kids, Teens at Adults.

Naghuhumiyaw ang paalala ni Gov Daniel sa kanyang nasasakupan: DON’T FORGET TO WEAR YOUR FACE MASK DON’T FORGET TO WEAR YOUR FACE SHIELD DON’T FORGET TO WASH YOUR HANDS DON’T FORGET TO PRACTICE SOCIAL DISTANCING

Don’t Forget Tiktok Challenge poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Mahirap mag-tape ng new episodes ngayon, ang husay lang ng team ni Senator Bong para itayo ang Agimat Ng Agila.

Buti naman, dagdag kay Sanya ang bagong leading lady kung sakali. At sana, lalo pang pumalo sa rating ang show, kasama na ang pampabuenas na giveaways nito.

Bukod sa TV, nakaka-miss din si Senador Bong sa pelikula. Nakaka-miss siya sa mga Panday/Hero movies tuwing MMFF.

Sana maibalik niya yun… kung open na ang mga sinehan.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Bong Revilla's wish on his 55th birthday: “Matapos na ang pandemic na ito at mamuhay na tayo nang normal. Yun ang wish ko. Pagtulung-tulungan nating ipagdasal sa Panginoon.”
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results