Rocco Nacino, may basbas ni Derek Ramsay na pinalitan niya sa To Have & To Hold

by PEP Troika
Sep 27, 2021
Rocco Nacino (left) on replacing Derek Ramsay in To Have & To Hold: "Nakuha kong balita na natuwa raw si Derek nung ako raw ang napili for the role. Kaya nagpapasalamat ako sa mga sinabi niya at ipinagkatiwala niya sa akin yung role."
PHOTO/S: GMA Corporate Affairs / Noel Orsal for PEP.ph

GORGY RULA

Natuwa si Rocco Nacino nang nakarating sa kanyang nagustuhan ni Derek Ramsay na siya ang piniling gumanap sa role bilang si Gavin Ramirez sa bagong drama series ng GMA-7 na To Have & To Hold.

Kay Derek unang ibinigay ang project, pero hindi pa handang magtrabaho ang Kapuso hunk at naghahanda sa nalalapit na kasal nila ni Ellen Adarna.

Hindi raw na-pressure si Rocco na baka maikumpara siya kay Derek.

"Ang sa akin naman po, basta nandiyan ang trabaho at pasok ‘yan sa career path, why not?

"Nakuha kong balita na natuwa raw si Derek nung ako raw ang napili for the role. Kaya nagpapasalamat ako sa mga sinabi niya at ipinagkatiwala niya sa akin yung role," pakli ni Rocco.

Hindi pa gaanong nakaka-releate si Rocco sa role na ginagampanan niya rito, kaya nag-research pa raw siya para mapag-aralan ito.

"Ang ipinakita kasi ng mga characters sa To Have & To Hold ay isang marriage consumed with work and mix of priorities," sabi ni Rocco.

Continue reading below ↓

Kaya nagtanung-tanong daw siya sa mga matagal nang mag-asawa.

"Nagtatanong ako kung 'Ano yung mga ayaw mo? May mga nadi-discover ka ba na bago at ayaw at gusto mo? Sawa ka na ba?'

"As in medyo diretso na yung mga tanong ko para makapulot ng isa o dalawang traits para mabuo itong character na ito.

"Once nagawa ko na siya, I held on to it.

"So, yun ang naitulong ng lock-in taping. Kasi, makabalik lang kami sa kuwarto, in character pa rin kami,

"So, it was easy to switch on and off," saad ni Rocco sa virtual mediacon ng To Have & To Hold.


Continue reading below ↓

Magsisimula na ang To Have & To Hold ngayong Setyembre 27, Lunes ng gabi, pagkatapos ng Legal Wives sa GMA Telebabad.

Sa trabaho muna naka-focus si Rocco, pero wish niyang matapos na itong pandemic dahil gusto niyang matuloy na ang binabalak nilang honeymoon ng misis niyang si Melissa Gohing.

"Kailangang pag-isipan pa, e. Hindi pa natin alam kung kailan matatapos ang pandemic.

"Definitely, around the world kapag tapos na itong pandemic," saad ni Rocco.

NOEL FERRER

We wish Rocco all the best, at natatandaan pa rin natin ang pangako niyang itu-tour niya ang PEP Troika sa bahay niya.

Then, si Carla Abellana, we are anticipating a happy wedding ceremony for her and Tom Rodriguez sa October 23.

As for Max Collins, she said this of the new show: "I feel like yun ang kagandahan ng show namin, walang bida, walang kontrabida. Everyone’s just human.

"And we all.... you’ll find things to love and hate about each character. Kasi, ganun naman talaga sa totoong buhay, di ba? No one’s perfect talaga.

Continue reading below ↓

"So, throughout the story, we’ll see the good side and the bad side of marriage. You’ll see the honesty.

"Sana maka-relate kayo kahit papaano to somebody’s story, kasi ang dami talagang stories."

Kumusta kaya si Max sa kanyang personal life? Sana, okay naman like her co-stars. Hawaan lang iyan ng good vibes sana at suportahan.


Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Istorya ng pag-ibig at pagtataksil ang bagong Kapuso prime-time series na To Have & To Hold.

Ilang taon nang kasal sina Dominique (Max Collins) at Gavin (Rocco Nacino), at nagkakalabuan na sila.

Kabit-kabit ang mga kasalanan at kasinungalingan sa relasyon nina Dominique at Gavin, kung saan sangkot ang mag-asawang Erica (Carla Abellana) at Tony (Rafael Rosell).

Continue reading below ↓

When the bad starts to outweigh the good, is love truly enough to uphold the sacred vows of marriage?

Si Erica ay people-pleaser, submissive housewife, at handang magtiis alang-alang sa kanyang pamilya.

Si Tony ay charming at manipulative, walang keber kung mag-take advantage sa kahinaan ng iba.


Si Gavin ay chef at entrepreneur, seryoso sa kanyang mga responsibilidad. Si Dominique ay ismarte, isang alpha female, at matagumpay na interior designer.

Continue reading below ↓

Maliban kina Carla, Rafael, Rocco at Max, nasa cast ng To Have & To Hold sina Roi Vinzon, Ina Feleo, Valeen Montenegro, Bing Pimentel, Gilleth Sandico, Luis Hontiveros, Athenah Madrid, at Dion Ignacio.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rocco Nacino (left) on replacing Derek Ramsay in To Have & To Hold: "Nakuha kong balita na natuwa raw si Derek nung ako raw ang napili for the role. Kaya nagpapasalamat ako sa mga sinabi niya at ipinagkatiwala niya sa akin yung role."
PHOTO/S: GMA Corporate Affairs / Noel Orsal for PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results