NOEL FERRER
TULOY ANG PASKO, AT TULOY ANG METRO MANILA FILM FESTIVAL!
Hinihintay natin ang pagbubukas muli ng mga sinehan kaya naman ihinahanda na rin ang posibleng mga lahok sa 2021 Metro Manila Film Festival.
Inurong muli ang deadline na imbes na September, ginawa na itong October 31, Sunday.
Online lang naman ang submission kaya for downloadable Festival Calendar & Forms, i-click ang link na nasa Facebook page ng Metro Manila Film Festival.
Ngayon, anu-ano na ang mga pelikulang naririnig ninyong gearing up for this year’s festival, mga Ka Troika?
So far, may 20 films na nakapag-submit ng letter of intent ng pagsali sa MMFF 2021.
Balitang bent on submitting ang Team Yorme The Musical nina McCoy de Leon at Xian Lim, at ang nanalo abroad na Kun Maupay Man It Panahon (Whether the Weather is Fine) nina Daniel Padilla at Charo Santos-Concio.
Kun Maupay Man It Panahon (Whether the Weather is Fine)
May naririnig pa ba kayong ibang possible entries, mga ka-Troika?
JERRY OLEA
Andami nang pelikulang natapos na naghihintay sa pagbubukas ng mga sinehan.
Sa naudlot na 1st Summer MMFF na gaganapin sana noong Abril 11-21, 2020 ay dalawang entry ang hindi pa naipapalabas.
Una, ang Ngayon Kaya nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino, sa direksiyon ni Prime Cruz. Maganda ang chemistry nina Janine at Paulo sa umeereng Kapamilya teleserye na Marry Me, Marry You.
Ngayon Kaya
At ikalawa, A Hard Day ni Dingdong Dantes at ng kapapanalo pa lang best actor sa 78th Venice international filmfest na si John Arcilla (para sa On The Job: The Missing 8). Idinirek ito ni Lawrence Fajardo.
A Hard Day
Nag-back out sa MMFF 2020 iyong Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan nina Joshua Garcia at Angie Ferro, sa direksiyon ni Chito S. Roño. Isasali na kaya ito ng Regal Entertainment?
Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan
If ever, makakapasok kaya ang pelikulang Kontrabida ni Nora Aunor, sa direksiyon ni Adolf Alix Jr.?
Pam-prestige ang Bangsa ni Piolo Pascual, sa direksyon ni Brillante Mendoza. Nakunan na kaya ni Direk Brillante ang natitirang two shooting days nito?
Makabuluhan at napapanahon ang isa pang pelikulang natapos ni Direk Brillante, ang Resbak nina Vince Rillon, Albie Casiño, Khalil Ramos, at Nash Aguas.
Resbak
Kung katatawanan, pwedeng pumasok sa banga ang Mudrasta ni Roderick Paulate sa direksiyon ni Julius Alfonso, o Ang Huling Baklang Birhen ni Teejay Marquez sa direksiyon ni Joel Lamangan.
Pang-award din daw ang pelikulang sinusyuting ngayon ni Direk Joel sa Angeles City, ang Moonlight Butterfly starring Christine Bermas, Albie Casiño, Kit Thompson, and Ivan Carapiet.
Moonlight Butterfly
Natapos din ni Direk Joel ang reunion movie nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez na Deception.
GORGY RULA
Marami pa rin sa mga producers ang willing mag-produce ng pelikula at isali sa Metro Manila Film Festival kung itutuloy ang pagbubukas ng mga sinehan.
Nabanggit noon ni Roselle Monteverde ng Regal Entertainment, Inc. na marami na silang natapos, at inaasahang maipapalabas ang mga ito kapag okay na ang mga sinehan.
Definitely, magsa-submit na sila sa MMFF.
Gustong subukan ngayon ng FDCP na gawin ang Pista ng Pelikulang Pilipino sa mga sinehan sa buong buwan ng November.
Dito masusubukan kung kaya nang gawin sa mga sinehan. Para magawa na rin ng MMFF.
Gagawin namang limited ang mga papasuking tao, kaya gagawin daw ang PPP ng buong buwan ng November.
Kung matutuloy ito, puwedeng buong December 25, 2021 hanggang January 24 next year ang MMFF.
Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.