Raymart Santiago di totoong tatakbong vice mayor sa Olongapo City

by PEP Troika
Sep 29, 2021
"Hahaha" ang tanging reaksiyon ng aktor na si Raymart Santiago sa lumabas na poster kung saan kasama ang larawan niya sa lineup ng mga kakandidato sa Olongapo City sa 2022 elections. Base sa pekeng larawan, tatakbo raw na vice mayor si Raymart.
PHOTO/S: @raymartsantiago on Instagram

JERRY OLEA

Ni-repost ni Zambales Vice Governor Jay Khonghun ang nakakatuwang Facebook post ni Kagawad Celso L. Miraflor nitong Setyembre 28, Martes:

“A- BATANG BARRETTO a-tapang a-tao

'“A-tuli a-pototoy hindi a-takbo

“A-patak a-kalamansi a-takbo a-tulin”

May kalakip iyong mga laughing while crying emoji.

Patungkol iyon sa programang LIBRENG TULI sa Brgy. Barretto ng Olongapo City, Zambales, kung saan kabilang sa sponsors si VG Jay (na kasintahan ni Aiko Melendez), at ama nitong si Congressman Jeffrey Khonghun ng 1st District ng Zambales.

Nang araw ring iyon, kumalat sa Facebook ang isang artwork na kesyo tatakbong Congressman si VG Jay, at kapartido raw nitong reelectionist bilang mayor ng Olongapo si Len J Paulino, at ang tatakbo namang vice mayor ay si… Raymart Santiago.

Continue reading below ↓

Nakakaintriga, di ba?!

Kasi, ang estranged wife ni Raymart na si Claudine Barretto ay tatakbong konsehal, kapartido ang talent manager na si Arnold L. Vegafria (ALV) na tatakbong mayor ng ‘Gapo.

“Masaya” kung totoo iyon! Pero malamang sa alamang na fake news!!!

NOEL FERRER

Anong kaguluhan ito? Si Raymart Santiago, tatakbo sa pulitika?

Oo, maayos na pamilya ang mga Santiago, magiliw sa mga tao, at kilalang mabuti makisama. Pero hindi siguro aabot sa ganitong kailangan pa nilang pasukin ang pulitika para tumulong sa kapwa.

Alam mo ang sagot lang sa akin ni Raymart? Isang malutong na "Hahaha" lang…

Dahil parang pamilya na ang turing ko diyan, alam kong walang katotohanan ito.

GORGY RULA

Hindi na nakakagulat kapag may mga ganung maglalabasang memes. Tiyak na paglalaruan iyan.

Tahimik lang ang pamilya Santiago, lalo na si Raymart. Tiyak na hindi siya makikigulo sa pulitika.

Ang curious ako kung ano ang reaksiyon diyan ni Aiko Melendez, na girlfriend ni Zambales Vice Governor Jay Khonghun.

Continue reading below ↓

Makakalaban nila ito ng partido, kaya hindi malayong pagsabungin sina Aiko at Claudine.

Napag-usapan kaya ito nina Arnold at Aiko dahil magkakatunggali sila pagdating sa pulitika?

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hahaha" ang tanging reaksiyon ng aktor na si Raymart Santiago sa lumabas na poster kung saan kasama ang larawan niya sa lineup ng mga kakandidato sa Olongapo City sa 2022 elections. Base sa pekeng larawan, tatakbo raw na vice mayor si Raymart.
PHOTO/S: @raymartsantiago on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results