Watch Now

Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, may kilig factor?

by PEP Troika
Sep 30, 2021
Rayver Cruz on what makes him and Julie Anne San Jose click: "Siguro naging teamwork na rin. May ano, e, may… hindi ko ma-explain, e. Merong something na nagdya-jive talaga kami, e."
PHOTO/S: @myjaps / @rayvercruz Instagram

GORGY RULA

Kahit hindi magka-love team sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, padami nang padami ang JulieVer fans.

Nabuo ito nang magkasama sila sa Studio 7, hanggang sa All-Out Sundays, at natuloy pa sa The Clash.

Hindi lang ako, kundi pati ang mga kasamahan nila sa The Clash ay nakitaan sila ng chemistry kahit hosting lang sila sa naturang singing competition.

Sabi nga ni Ai-Ai delas Alas, “Meron kasi silang magic.”

Napangiti si Rayver, pero kumportable nga raw siyang si Julie Anne ang nakakasama niyang nag-perform.

Paliwanag ni Rayver: “Nung Studio 7 pa lang, madami na yung JulieVer. Nakakatuwa. Bagay naman talaga.

“Yung rapport namin ni Juls sa stage, iba rin. Kahit ako, nagiging fan na rin.

“Marami pa akong natutunan in terms of… pag nagpi-perform ako kasama si Juls.

“Siya yung nagtuturo sa akin. Lahat kasi, kaya niyang gawin, e. Parang nadadala ako kapag kasama ko siya, e. Kailangan mo ring galingan kapag kasama si Juls pati sa paghu-host, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa parte ni Julie Anne, gusto niya ang pagiging magaan katrabaho ni Rayver.

“Si Rayver kasi, masarap siyang katrabaho, and we really get along. Kapag wala kami sa stage, like before nung show o ng prod, ganyan, basta every time na makita ko si Rayver, never ako nahirapan na i-approach siya.

“Never ako nagkaroon ng dull moment with him. Kasi, kalog si Rayver, e, parang masaya siyang kasama. Everything else follows.

“Kapag masaya ka naman as a person, nagri-reflect din sa trabaho mo."

Kaya tinukso ko ang dalawa na parang type ko silang intrigahin, pero nakakahiya lang siyempre kay Janine Gutierrez na girlfriend ni Rayver.

“I love Janine,” pakli ni Julie Anne.

“Hindi ko rin ma-explain kung ano yung nakikita sa amin together,” dagdag niyang pahayag.

Dugtong ni Rayver, “Siguro naging teamwork na rin. May ano, e, may… hindi ko ma-explain, e. Merong something na nagdya-jive talaga kami, e."

Singit ni Julie Anne, “It’s really the rapport. Tulungan naman kami ni Rayver. Teamwork."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tingnan natin sa darating na Sabado, October 2, sa pagsisimula ng The Clash kung talagang lalong naging solid ba ang tambalang JulieVer.

NOEL FERRER

I have reservations with the Julie Anne and Rayver tandem.

Sana talaga, makahanap si Julie ng partner na mag-stick sa kanya. Kasi, parang transient lang silang lahat sa kanya.

In any case, okay naman na nag-jive sila ni Rayver. Kudos to their effort in achieving that chemistry.

If it will translate to mass following—and even the harder part which is excellence in whatever they do together— parang long way to go pa.

Pero who knows, di ba?

JERRY OLEA

Limitless Star nga raw si Julie Anne, dahil unli raw ang talent nito. Kung noon pa may magic ang JulieVer, bakit hindi sila ang nagtambal sa Heartful Café?

Aba! Ang ganda-ganda ng timeslot na ibinigay noon sa Heartful Café nina Julie Anne at David Licauco, ahead sa Owe My Love nina Lovi Poe at Benjamin Alves.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil mas binigyan noon ng importansiya ang Heartful Café kesa sa Owe My Love, isa ba iyon sa mga factor kaya nag-over da bakod si Lovi?

Bakit kaya hindi itambal si Julie Anne kay Alden Richards? Baka mas may kilig iyon.

Naasiwa kasi ako sa tambalan nina Alden at Jasmine Curtis-Smith sa The World Between Us.

Hopia at asado ako na mag-guest si Bea Alonzo sa The World Between Us para masubukan ang chemistry nila ni Alden.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rayver Cruz on what makes him and Julie Anne San Jose click: "Siguro naging teamwork na rin. May ano, e, may… hindi ko ma-explain, e. Merong something na nagdya-jive talaga kami, e."
PHOTO/S: @myjaps / @rayvercruz Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results