Watch Now

Mayor Vico Sotto, sinamahan nina Vic Sotto at Coney Reyes mag-file ng COC para sa 2022 elections

by PEP Troika
Oct 1, 2021
Sinamahan nina Vic Sotto at Coney Reyes ang anak nilang si Vico Sotto (gitna) nang mag-file ito ng certificate of candidacy ngayong araw, October 1, para sa 2022 elections. Tatakbo si Vico para sa kanyang ikalawang termino bilang mayor ng Pasig City.
PHOTO/S: Mayor Vico Sotto Facebook

JERRY OLEA

Sinamahan nina Vic Sotto at Coney Reyes ang anak na si Vico Sotto sa pagpa-file ng Certificate of Candidacy ngayong Oktubre 1, Biyernes, sa Comelec.

Ngayong Biyernes ang unang araw ng pagpa-file ng mga nagnanais kumandidato sa 2022 elections. Magtatagal ito hanggang October 8.

Reelectionist si Vico bilang mayor ng Pasig City.

Facebook announcement ni Vico: “Nag-file na po ako kaagad ng COC para tapos na, di naman kailangan ng drama at suspense.

“Basta, panahon man ng pulitika o hindi, uunahin natin ang trabaho.

“Simula 2019, ang laki na ng pagbabagong naipakilala natin sa Pasig. Sa pagbubukas pa lang ng procurement/bidding, nasa 1 BILYON PISO KADA TAON ang binaba ng mga presyo ng mga binibili/pinapagawa ng LGU.

“Ngunit nahirapan tayo at maraming proyekto na naantala dahil sa pandemya. 9 months lang ako naging mayor sa normal na sitwasyon.

“Kaya sa susunod na term, magtulungan tayo para bawiin ang oras na ninakaw sa atin ng covid-19.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nandiyan na 'yung mga reporma. Iba na ngayon. Paiigtingin na lang natin at sisiguraduhin na damang dama ng bawat Pasigueño ang mas pinabubuting serbisyo ng pamahalaang lungsod.

“Ang hiling ko lang sa inyo, bigyan niyo ako ng mga kasanggang MAPAGKAKATIWALAAN natin. Yung hindi puwesto o pera ang habol, kundi yung magiging katuwang ko para paigtingin pa ang mga reporma't serbisyo ng pamahalaan.

“Sa Pasig, umaagos ang pag-asa. Patuloy tayong magsumikap para lalong palakasin ang pag-agos nito.”

Humingi ng paumanhin si Vico sa postscript.

Aniya, “P.S. pasensya na sa mga supporters na gustong sumama, hindi na ako nag-imbita... sumunod muna tayo sa Comelec health protocols...”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

May ilang kaibigan akong may negosyo sa Pasig City, at sinasabi nilang malinis ang pamamalakad sa naturang lungsod. Hindi raw madadaan sa suhol o pakiusapan.

Kaya sinasabi nilang wala talagang corruption sa naturang lungsod.

May ilan din akong kakilala na naninirahan sa Pasig na nagka-COVID, hindi raw sila nakaramdam ng kaba dahil nandiyan ang LGU na nakatutok at nag-alaga sa kanila.

Na-experience daw nila ang maayos na pag-aalaga sa kanilang facility. Kaya kapag nagkasakit doon, minabuti nilang doon sa facility magpagaling kesa kanilang tahanan, dahil mas natutukan sila roon.

Naikuwento rin sa aking nagagalit daw si Mayor Vico kapag may miyembro ng pamilya niya na tumatawag sa kanya kung meron ipapakiusap na bigyan ng special treatment o mapagbigyan ang request ng isang kaibigan.

Ayaw na ayaw raw niyang idaan sa miyembro ng pamilya. Kaya talagang walang nangangahas tumawag o mag-text sa kanya para humingi ng special request dahil nagagalit daw siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malinis at maayos. Sana, mapanindigan ni Mayor Vico at hindi madadala ng ibang trapo.

NOEL FERRER

Ang makakalaban ni Mayor Vico sa 2022 elections ay ang kanyang incumbent vice mayor na si Iyo Bernardo, na maganda rin ang track record sa Pasig.

Mula nang maupo sa puwesto si Vico, kitang-kita ang naging improvement sa Pasig na hinahangaan ng Metro Manila, ng bansa, at ng buong mundo.

Ka-tandem ni Vico sa 2022 elections si Dodot Jaworski as vice mayor.

Kaya kung may Vic Sotto at Coney Reyes na kasama si Vico, may Mikee Cojuangco-Jaworski naman na kasama ni Dodot sa filing.

This seems to be a winning team!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sinamahan nina Vic Sotto at Coney Reyes ang anak nilang si Vico Sotto (gitna) nang mag-file ito ng certificate of candidacy ngayong araw, October 1, para sa 2022 elections. Tatakbo si Vico para sa kanyang ikalawang termino bilang mayor ng Pasig City.
PHOTO/S: Mayor Vico Sotto Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results