Analyn Barro excited na sa Book 2 ng First Yaya

by PEP Troika
Oct 1, 2021
Analyn Barro on First Yaya cast: “Napaka-close po namin lahat, hindi lang po kami parang magkatrabaho lang, dahil parang family na kami dun. Isa na po kaming family dun. Nung natapos ang unang First Yaya, hindi kami humihinto sa pag-update. Buhay na buhay pa rin yung group chat, at mas lalong nabuhay nung nalaman naming ‘Uy, tuloy na tuloy na pala talaga ‘yung book two.’"
PHOTO/S: @analynbarro on Instagram

GORGY RULA

Nagkaroon ng virtual meeting ang buong cast at production staff ng drama series ng GMA-7 na First Yaya.

Ipinost iyon ni Gabby Concepcion sa Instagram at nilagyan niya ng caption na “Magsisimula na!!! #SaMulingPagkikita.”

Hindi pa sila nagbibigay ng detalye tungkol sa Book 2 ng Firt Yaya. Pinag-uusapan pa lang ang karakter ng bawat isa, at kung ano ang tatakbuhin ng kuwento.

Continue reading below ↓

Hindi pa nila kinumpirma kung First Lady na ba ang magiging title, pero sa ngayon ay First Yaya Book Two ang kanilang working title.

Nakatsikahan namin nung Huwebes, September 30, ang isa sa cast na si Analyn Barro. Gumanap siya bilang si Gemrose, ang malditang kapatid ni Yaya Melody (Sanya Lopez).

Ani Analyn, “Tuloy ang pagmamaldita ni Gemrose. Excited po ako, kasi makakasama ko po ang First Yaya family.

“Napaka-close po namin lahat, hindi lang po kami parang magkatrabaho lang, dahil parang family na kami dun. Isa na po kaming family dun.

“Nung natapos ang unang First Yaya, hindi kami humihinto sa pag-update. Buhay na buhay pa rin yung group chat, at mas lalong nabuhay nung nalaman naming ‘Uy, tuloy na tuloy na pala talaga ‘yung book two.’

“Kaya naman sobrang excited kami, at mas marami pa silang aabangan sa kanya-kanyang character, at yun nga, si Gemrose tuloy ang pagmamaldita.”

Continue reading below ↓

Si Analyn ang isa sa pinapirma uli ng GMA Artist Center na humarap sa virtual mediacon ng Signed for Stardom, kasama ang iba pang ni-renew ang kontrata bilang Kapuso artists na sina Luanne Dy, Jose Sarasola, Bryce Eusebio, Patricia Tumulak, Denise Barbacena, Pauline Mendoza, Hannah Precillas, at Ashley Ortega.

JERRY OLEA

Kapana-panabik ang balik-tambalan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez sa ikalawang yugto ng First Yaya.

Bongga ang pakilig nila kaya rumatsada sa ratings ang kanilang teledrama. Malaki ang agwat ng ratings ng First Yaya sa pumalit ditong The World Between Us nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith.

Na-miss natin ang pagiging hitad at mahadera ni Gemrose (Analyn Barro), ganundin ang nagmamagandang si Pepita (Kakai Bautista)!

Wala pa tayong balita kung kailan mag-uumpisa ang lock-in taping ng Book 2 ng istorya nina Yaya Melody at President Glenn Acosta.

Mahirap pa rin talaga ang mga lock-in taping ngayon dahil sa pabagu-bago ng quarantine status sa bawat lugar.

Continue reading below ↓

Na-pack-up ang Artikulo 247 nang biglang nag-ECQ uli ang La Union.

Doon dapat sila magla-lock in taping nang ilang linggo, at noong papunta na sila pagkatapos nilang ma-quarantine ng sampung araw at safe na lahat na cast members at staff, bigla silang sinabihan ng LGU na bawal munang mag-taping doon dahil.

Na-ECQ uli ang La Union gawa ng tumataas na COVID cases. Kaya pinauwi na lang silang lahat.

Nasayang ang more than a week na quarantine at swab tests sa lahat na involved sa TV series na ito. Nakakalukring ang gastos!

NOEL FERRER

Yehey, may Book 2 na ang First Yaya!!!

Iyong The World Between Us na nag-season break, nakatakdang magpatuloy ang kuwento sa Nobyembre 15.

Ang teleserye nina Alden at Jasmine ay loosely based sa 1847 novel ni Emily Bronte na Wuthering Heights, na siya ring pinagbatayan ng pelikulang Hihintayin Kita Sa Langit (1991) nina Richard Gomez at Dawn Zulueta, maging ng Kapamilya teleseryeng Walang Hanggan (2012) nina Coco Martin at Julia Montes.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Analyn Barro on First Yaya cast: “Napaka-close po namin lahat, hindi lang po kami parang magkatrabaho lang, dahil parang family na kami dun. Isa na po kaming family dun. Nung natapos ang unang First Yaya, hindi kami humihinto sa pag-update. Buhay na buhay pa rin yung group chat, at mas lalong nabuhay nung nalaman naming ‘Uy, tuloy na tuloy na pala talaga ‘yung book two.’"
PHOTO/S: @analynbarro on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results