Miss Universe PH 2021 delayed telecast, umaga mapapanood sa GMA-7; Miss World PH 2021, tuloy na sa Oct. 3

by PEP Troika
Oct 1, 2021

JERRY OLEA

Nag-tweet ang KTX nitong Oktubre 1, Biyernes ng 12:13 a.m.:

“Thank you for making Miss Universe Philippines 2021 the SECOND most-attended event in KTX's history!!!

“Congratulations to all the winners, candidates, and organizers! Mabuhay!”

May mga naghimutok na kesyo KJ ang KTX dahil pinatigil ng ABS-CBN ang illegal livestreams ng timpalak sa YouTube at Facebook.

Continue reading below ↓

Ni-retweet ng KTX ang comment ng isang netizen, “Hahaha! Teka, alam nyo ba kung gaano kahirap at kamahal mag-maintain ng platform like @KtxPH? Untikan na nga rin yan magsara nun first few months nya. Magbayad po tayo ng ticket. NO TO PIRACY.”

Ang official broadcast partner ng Miss Universe Philippines ay ang GMA Network, kaya mapapanood ang delayed telecast ng timpalak sa Oktubre 3, Linggo ng 9:00 a.m. sa GMA 7.

Continue reading below ↓

Sa Sunday morning telecast ay may interbyu sa bagong Miss Universe Philippines na si Beatrice Luigi Gomez, at sa mga hurado.

Meron din kayang interbyu sa first ever Miss Universe PH Charity, maging sa Miss Universe PH Tourism (na nagwagi before bilang Bb. Pilipinas Tourism 2012)?

Ngayong Biyernes ng umaga ay ini-announce ng Miss World Philippines na tuloy na ang koronasyon nila sa Oktubre 3, Linggo ng gabi, sa Subic Bay Exhibition and Convention Center Hall A.

“With the full endorsement of the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) and the Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), the Miss World Philippines Organization will ensure the strict implementation of all IATF-mandated protocols for the safety of all the candidates, organizers and production crew,” pahayag ng organizers sa iba’t ibang socmed platform.

Continue reading below ↓

Sa KTX din mapapanood ang livestream ng Miss World Philippines 2021.

Originally ay noong Hulyo 25, Linggo, sana iyon gaganapin sa Okada Manila.

Hulyo 23, ipinagpaliban ang koronasyon dahil sa heightened GCQ restrictions ng IATF.

Ni-resched iyon na Agosto 8, same venue. Agosto 2, inihayag ng organizers na postponed indefinitely until further notice ang koronasyon dahil sa stricter ECQ restrictions sa NCR.

NOEL FERRER

Imbes na maging staple sa ating viewing fare, parang nagiging niche market na ang beauty pageants kung saan kailangan mo nang magbayad o mag-subscribe para mapanood nang live ang mounting nito.

I bet para sa mga hikahos, yung capsule reports na lang ng resulta at mga favorite portions ang pinanonood in part sa FB or YT.

Gaano ba ka-relevant ngayong pandemya ang beauty pageants?

OK yung portion ng charity dahil mainam kung gamitin iyung platform para makatulong sa iba.

Pero gaano katotoo na pahirapan daw kumuha ng sponsors ngayon ang mga timpalak… kaya katulad ng awards shows, itinatanong talaga, gaano ba ka-essential ang pageants sa buhay natin ngayong pandemya?

Continue reading below ↓

Oh well, buti… despite the challenges ay nakaraos ang Miss Universe Philippines.

Sana ganun din ang kasapitan ng Miss World Philippines. Good luck!

JERRY OLEA

Setyembre 25, Sabado, ang original na petsa ng coronation night ng Miss Universe Philippines 2021. Ipinagpaliban iyon dahil sa pinaigting na safety protocols.

Setyembre 24, Biyernes, ini-announce ng organizers na ang grand finals ay sa Setyembre 30, Huwebes ng gabi, sa Panglao, Bohol. May livestreaming iyon sa KTX.

Noong Setyembre 30 ng hapon — ilang oras bago ang timpalak — ipinaalala ng GMA Network via email sa PEP Troika na sila ang official broadcast partner ng Miss Universe Philippines.

“Don’t miss the grand telecast with exclusive interviews from the newly-crowned Miss Universe Philippines and judges this Sunday, 9:00 AM, only on GMA-7,” ayon sa press release ng Kapuso network.

Kaabang-abang kung ipapalabas ng GMA-7 ang performances nina Sam Concepcion, Michael Pangilinan, at BINI.

Ngayong Oktubre 1, Biyernes ng hapon, naghuhumiyaw ang press release mula sa ABS-CBN:

Continue reading below ↓

“MISS UNIVERSE PHILIPPINES 2021 NAPAPANOOD NA SA YOUTUBE NG ABS-CBN.”

Sa Linggo ng 9:00 a.m. ang delayed telecast ng GMA 7, pero ipinagbanduhan ng ABS-CBN na mapapanood ng mga Pilipino ang boung journey ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez simula ngayong araw (Oktubre 1) sa iWantTFC, ABS-CBN Entertainment YouTube Channel, at TFC IPTV sa paghahatid ng ABS-CBN ng mga kaganapan mula preliminaries hanggang coronation night.

Bahagi pa ng pralala ng ABS-CBN, “Sariwain ang naging winning performance ni Bea sa coronation night simula sa Linggo (Oktubre 3), 6:00 PM at ang kanyang naging sagot sa final Q & A na nagpapanalo sa kanya ng korona.

“Dito tinanong siya kung paano siya magpapatuloy magbigay ng inspirasyon sa mga tao bilang Miss Universe Philippines 2021 kung sakaling dumaan siya sa panahon ng kalungkutan.

“Sagot niya, ‘It is very evident that all of us went through difficulties during this pandemic, but it is also proof that we are able to rise to the occasion, and if anything happened to me during my reign, I will not give up and inspire others by rising to the problems that I am encountering and by inspiring them that what you are going through, you will be able to overcome it.’

Continue reading below ↓

“Tulad niya, lumutang din ang ganda at talino ng mga kapwa niya finalist na sina Miss Universe Philippines Tourism 2021 Katrina Dimaranan ng Taguig, Miss Universe Philippines Charity 2021 Victoria Velasquez Vincent ng Cavite, first runner-up Maureen Christa Wroblewitz ng Pangasinan, at second runner-up Steffi Rose Aberasturi ng Cebusa kanilang mga sagot.

“Mapapanood din sa coronation night ang final walk at mga sinabi ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa kanyang pagpasa ng korona kay Bea at ang performances nina Sam Concepcion, Michael Pangilinan, at BINI.

“Samantala, mapapanood rin ng fans ang pagsagot ng 28 kandidata sa preliminary Q & A simula ngayong araw (Oktubre 1). Huwag din palampasin kung paano sila rumampa sa Clark International Airport suot ang kanilang naggagandahang swimwear at gowns sa Swimsuit at Evening Gown competitions na mapapanood na rin simula bukas (Oktubre 2).

“Nakipagsanib-pwersa ang ABS-CBN sa Empire Philippines para makapagbigay ng magandang digital viewing experience sa mga Pilipino sa pagpapalabas online ng Miss Universe Philippines ngayong taon.

Continue reading below ↓

“Saksihan ang lahat na nangyari sa kakatapos lamang na Miss Universe Philippines 2021 via streaming at video-on-demand simula ngayong araw (Oktubre 1) kasama ang inyong pamilya sa iWantTFC, ABS-CBN Entertainment YouTube Channel, at TFC IPTV.”

GORGY RULA

Nasilip ko kanina sa Facebook Live ni Senator Bong Revilla, nag-eensayo siya sa kanyang gym.

Nabanggit niyang uupo siya bilang isa sa mga judge sa Miss World Philippines sa Subic, Zambales sa Linggo.

Ang producer ng Miss World Philippines na si Arnold Vegafria ay balak tumakbong mayor ng Olongapo. Hindi naman siguro magagamit ang beauty competition na ito sa kanyang kandidatura.

Hindi ako sure kung isa rin ba sa judges si Claudine Barretto na tatakbong konsehal ng Olongapo.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results