Lovi Poe, magpapasiklab sa ASAP Natin 'To; Bea Alonzo, may welcome party sa All-Out Sundays

by PEP Troika
Oct 1, 2021
Bagong Kapamilya Lovi Poe (left), maglulunsad ng single niya na "Candy" sa ASAP Natin 'To. Bagong Kapuso Bea Alonzo, sasalang sa unang pagkakataon sa All-Out Sundays.
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Engrande ang pagpirma ni Lovi Poe ng kontrata sa ABS-CBN noong Setyembre 16, Huwebes, kung saan may pa-red carpet pa.

Fabulous din ang pag-welcome kay Lovi sa ASAP Natin ‘To noong Setyembre 19, Linggo, kung saan may mensahe sa kanya sina Iza Calzado, Janine Gutierrez, Paulo Avelino, Sunshine Dizon, Ogie Alcasid, Coco Martin, Piolo Pascual, Martin Nievera, at Senator Grace Poe.

Nakasama ng 32-anyos na si Lovi sina Erik Santos at Gary Valenciano sa song number na "L-O-V-E."

Noong nakaraang Linggo, Setyembre 26, “best-of-the-best” ang pa-party ng ASAP kaya waley si Lovi.

Pero sa Oktubre 3, Linggo, live muli ang ASAP Natin ‘To at ilulunsad dito ng Precious Jewel na si Lovi ang bagong single niyang "Candy" sa segment na "ASAP Fresh."


Continue reading below ↓

Napapanood ang longest-running musical-variety show sa bansa tuwing Linggo, 12:00 noon, sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5. Mayroon din online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Kailan kamo mag-Maalaala Mo Kaya si Lovi? Not this October na may limang Sabado.

Buo na ang line-up ng MMK this month. Dalawa ang bagong episode, at tatlo ang replay.

Fresh ang October 2 episode ng MMK tungkol sa life story ng Pinoy Big Brother ex-housemate na si Ralph Malibunas, na gagampanan ni Jeremiah Lisbo.

Replay ang October 9 episode ni Kim Chiu at ng Kapuso nang si Edgar Allan “EA” Guzman. Istoryang kababalaghan ito na swak sa Halloween.

Replay ang October 16 episode nina Bela Padilla at Mon Confiado tungkol sa anting-anting sa Tawi-tawi.

Fresh ang October 23 episode nina Michelle Vito at Miles Ocampo kaugnay sa pagmamahalan ng dalawang babae.

Replay ang October 30 episode nina Zanjoe Marudo at Isabel Oli.

Continue reading below ↓

Teka! Ire-replay pa ba ng MMK iyong "Janitor Love" episode nina Joem Bascon at Denise Laurel? Na-preempt iyon ng replay ng lifestory ni Hidilyn Diaz noong Hulyo 31.


NOEL FERRER

Marami pang paandar at payanig ang "Rock-tober" treat ng ASAP Natin 'To sa Linggo.

Kung pa-sweet si Lovi sa "Candy," hahataw si Joshua Garcia sa kanyang birthday blowout kasama sina Aljon Mendoza, Valentino Jaafar, Ralph Malibunas, RJ Perkins, Kei Kurosawa, Drey Brown, Anne Tenorio, at Janella Salvador.

Continue reading below ↓

Hindi pahuhuli sa sayawan sina Enchong Dee, Jeremy Glinoga, Jameson Blake, Ronnie Alonte, at Edward Barber kasama ang mga viral na guro na sina Joemari Alamer Tadeo at Kristine Joan Hinanay sa World Teachers' Day edition ng "ASAP Discoveries."

Kaabang-abang din sa ASAP ang tribute nina Sheena Belarmino, JM Yosures, Lara Maigue, Anthony Castillo, Janine Berdin, Sam Mangubat, Elha Nympha, at Reiven Umali para sa ika-10 na anibersaryo ng tambalang KathNiel.

Matindi ang collab nina Gary Valenciano at Darren kasama sina AC Bonifacio, Charlie Dizon, at Loisa Andalio.

Bonggang-bongga muli ang biritan mula nina Zsa Zsa Padilla, Angeline Quinto, Kyla, Klarisse de Guzman, at Regine Velasquez.

GORGY RULA

Kung hindi ako nagkamali, dalawang beses sa isang buwan nagla-live ang ASAP Natin ‘To.

So, live din ang katapat nitong All-Out Sundays kung saan bibigyan ng grand welcome ang bagong Kapusong si Bea Alonzo.

Pangungunahan ni Dingdong Dantes ang pag-welcome kay Bea, kasama sina Alden Richards, Albert Martinez, at Richard Yap.

Continue reading below ↓

Buong show ay kasama si Bea at may iba pang pasabog na dapat abangan.


May participation ang netizens na open sa mga katanungan na sasagutin doon ni Bea.

Maraming dapat pag-usapan sa Kapuso actress, at isa na roon ay ang Angel Warrior na pelikulang gagawin niya.

Sisimulan na rin ang pelikula nila ni Alden Richards.

Continue reading below ↓

Ang tanong ng lahat ay kung sino ang makaka-partner niya sa kauna-unahang drama series na gagawin niya sa Kapuso network.

Noong July 1 opisyal na naging Kapuso si Bea.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bagong Kapamilya Lovi Poe (left), maglulunsad ng single niya na "Candy" sa ASAP Natin 'To. Bagong Kapuso Bea Alonzo, sasalang sa unang pagkakataon sa All-Out Sundays.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results