Joshua Garcia, katambal ni Jane de Leon sa Darna?; Sino ang Valentina?

by PEP Troika
Oct 6, 2021
Joshua Garcia, Jane de Leon
Susubukan kaya ang bagong tambalang Joshua Garcia at Jane de Leon sa Darna: The TV Series?
PHOTO/S: ABS-CBN PR Facebook

JERRY OLEA:

Meron pa bang JoshLia?

Si Julia Barretto ay may Gerald Anderson sa totoong buhay, at dalawang Marco sa teledramang Di Na Muli (2021) ng TV5.

Naka-partner ni Joshua Garcia si Janella Salvador sa Kapamilya teleseryeng The Killer Bride (Agosto 2019-Enero 2020).

Nagpakilig ang JoshNella tandem sa TV, pero sa totoong buhay, ang wagas na pag-ibig ni Janella ay si Markus Paterson.

Nagsama muli sina Joshua at Julia sa official music video ng "Paubaya" ni Moira de la Torre.

Mahigit 33M views na iyon mula nang in-upload noong Pebrero 14, 2021 sa eponymous YouTube channel ni Moira. Mukhang iyon na talaga ang closure para sa JoshLia.

Napabalita na makakasama ni Joshua si Charlie Dizon sa Kapamilya teleseryeng Viral, kung saan tampok din sina Jake Cuenca at Dimples Romana. Ipapalabas na ba iyon sa susunod na buwan?

Nitong Oktubre 5, Martes ng hapon, kinumpirma ng ABS-CBN na kasama si Joshua sa cast ng Darna: The TV Series na pagbibidahan ni Jane de Leon. If ever, hanggang TV lang ba ang tambalang JoshJan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

O mas interesting na dalirutin kung sino ang Regina/Valentina sa Darna: The TV Series? Kung ako ang tatanungin, bet kong maging Valentina si… Vice Ganda!!!

Joshua Garcia and Jane De Leon

GORGY RULA:

Tingin ko naman, hindi na kailangang gawin iyan ni Vice Ganda kahit siya pa ang major kontrabida sa seryeng iyan ni Jane de Leon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Unless, gumawa sila ng hiwalay na comedy fantasy series na bida si Valentina, iyun ang swak kay Meme Vice. Meme Vice daw, o?!

Pero sa cast reveal ng Darna kahapon, iyun ang isa sa mga characters na inaabangan talaga.

Nung hawak pa ito ni Direk Jerald Tarrog, may haka-haka nang wala na raw Valentina na kontrabida. Kinausap pa noon si Christopher de Leon na gaganap bilang mad scientist, at siya na raw ang main kontrabida.

Nabago na naman ngayon, at ang latest, meron uling Valentina.

May ilan na akong nabalitaang kinausap na subukang mag-audition sa role na iyun, pero wala pa akong ideya kung natuloy sila, at kung may napili na ba.

Pero ang isa pang nasagap namin ay nagmamarakulyo ang ilang Kapuso supporters dahil sa ang costume daw ng Darna statue nila sa cast reveal ay kaparehong-kapareho ng costume ng Darna sa GMA-7 na ginampanan ni Marian Rivera. May mga ganung ingay na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero cool lang naman ang mga taga-Kapuso network dahil ang dami pa nilang naka-line up na malalaking drama series na puwedeng pantapat sa mga ganitong projects ng Kapamilya channel.

Mas madami, mas masaya at mga manonood ang nakikinabang nito.

Darna statue, Marian Rivera Darna costume

NOEL FERRER:

Wala pa silang napipili talaga. Ang daming pinagpipilian, pero ang gusto ni Direk Chito Roño, may strong presence talaga ang magiging Valentina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa 2005 TV series na Darna ng GMA-7 starring Angel Locsin, ang gumanap bilang Valentina ay si Alessandra de Rossi.

Sa 2009 TV series na Darna ng GMA pa rin kung saan bida si Marian Rivera, ang Valentina ay si Iwa Moto.

“Ako na rin lang kaya,” pabirong sambit ng talent kong si Iza Calzado, sabay tawa.

Imagine mo naman, ikaw na ang original Darna… tapos, ikaw pa ang Valentina, di ba? Grabeng dual role iyun talaga.

At siyempre, ipapaalam pa ang lahat sa Ravelo family. Kaya abang-abang tayo sa magiging final choice!!!

Iza Calzado in Darna presscon

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Susubukan kaya ang bagong tambalang Joshua Garcia at Jane de Leon sa Darna: The TV Series?
PHOTO/S: ABS-CBN PR Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results