Watch Now

AJ Raval, dedma sa detractors sakaling maging sila ni Aljur Abrenica

by PEP Troika
Oct 6, 2021
AJ Raval on possible negative feedback if Aljur Abrenica becomes her boyfriend: "To be honest, wala naman din po akong care sa sasabihin ng ibang tao as long as masaya po ako, wala po akong tinatapakang ibang tao. Alam ko po ang priorities namin." Maayos daw nagpaalam si Aljur sa mga magulang ni AJ bago ito nanligaw sa kanya.
PHOTO/S: @ajravsss Instagram / Aljur Abrenica Facebook

GORGY RULA:

Pagkatapos ng pag-amin ni AJ Raval sa PEP Live nitong Oktubre 5, Martes, tumuloy ang sexy actress ng interview sa radio program namin sa DZRH.

Naging pranka rin siya sa kung ano ang namamagitan sa kanila ngayon ni Aljur Abrenica.

Sabi ni AJ, hanggang "dating" pa lang sila ni Aljur, at wala pa silang pormal na relasyon.

Pero kinilig si AJ nang biniro naming pareho pa pala sila ng palayaw ni Aljur na AJ.

Sabi ng 21-year old sexy actress, maayos ang panliligaw ni Aljur, dahil kinausap ang mga magulang niya.

"Parang old school po. Pumupunta po siya sa father ko, nagpapaalam po siya sa mother ko, sa family ko," pag-amin ni AJ.

Naintindihan daw ni AJ kung kailangan siyang bantayan ng magulang niya nang nalamang nanunuyo na si Aljur.

Si AJ ay anak ng '90s action star na si Jeric Raval at '90s sexy star na si Alyssa Alvarez. Malapit din si AJ sa stepmom na si Holiday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya, "Hindi naman po natin masisisi yun dahil babae po ako. Tinatanggap naman po siya.

"Si Aljur naman po, nakikita naman po nila na totoo po. Maganda po ang intensyon niya. Ayun po, okay naman po sa tatay ko.

"May mga advice lang na hindi ko rin naman po siguro puwedeng sabihin ngayon dito."

Napapag-usapan daw nila ni Aljur na okay muna sila sa "getting to know" stage dahil gusto rin ng dalaga na mag-focus sa kanyang showbiz career.

Kakasimula lamang ng karera ni AJ nitong 2021, at abala siya sa mga pelikulang ginagawa niya sa Viva, at may iba pa raw siyang priorities.

Aligaga pa siya ngayon sa promo ng pelikula niyang Shoot! Shoot! kasama sina Andrew E at Sunshine Guimary. Magsisimula iyong mag-i-streaming na sa Vivamax sa October 8.

Pero posible kayang ma-in love si AJ kay Aljur?

Diretsong sagot ni AJ: “Yes po. Puwede po akong ma-in love sa kanya. Kahit sino naman po, napakabuting tao po ni Aljur. Napaka-pure po, totoong tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Possible naman po na ma-in love ako sa kanya."

HOT STORIES

JERRY OLEA:

Isiniwalat ni Robin Padilla na nakipaghiwalay ang anak niyang si Kylie Padilla sa asawa nitong si Aljur Abrenica dahil sa third party.

Ibinunyag iyon ni Robin noong Hulyo 7, 2021.

Kung sinu-sino ang nakisakay sa usaping third party, pero iyong prime suspect na kilalang aktres ay nanahimik at hindi pinangalanan.

Hulyo 30 nag-streaming ang pelikulang Nerisa, kung saan leading man si Aljur ng title role na si Cindy Miranda.

Dekorasyon sa movie si AJ Raval, na love interest si Sean de Guzman. Bale patikim iyon ng tambalan nina Sean at AJ.

Agosto 27 nag-streaming ang pelikulang Taya kung saan bida sina Sean at AJ, kasama ang dalawa pang babaeng baguhan.

Di ba, may eklay na araw-araw o gabi-gabi ang komunikasyon nila, na meron pa silang pa-"I love you" sa isa’t isa?

Makalipas ang isang buwan, nagpahiwatig si Christian Albert Gaza na may scoop siya tungkol kay AJ. Ayun na nga, nagkakamabutihan na sina AJ at Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aminado naman si AJ sa sitwasyon ni Aljur na hiwalay sa asawang si Kylie mula noong Abril 2021.

Pag-amin ni AJ sa DZRH interview, napag-usapan nila ni Aljur ang tungkol kay Kylie.

Pero ayaw na raw niyang mag-comment kung ano ang napagkasunduan ng estranged couple dahil labas daw siya roon.

"Napapag-usapan naman po namin ang mga ganung bagay. I think napag-usapan naman po nila [ni Kylie] ang ganito.

"Sinabi niya po sa akin… Pero ayoko naman po sanang pag-usapan ang sa kanila.

"Pero okay naman po sila."

Kung sakaling maging sila man ni Aljur, wala raw siyang pakialam kung hindi pabor dito ang mga tao.

Wala raw siyang pakialam sa sasabihin ng iba.

"To be honest, wala naman din po akong care sa sasabihin ng ibang tao as long as masaya po ako, wala po akong tinatapakang ibang tao," saad pa ni AJ.

"Alam ko po ang ginagawa ko. Alam ko po ang priorities namin. So, siguro po yun lang po. Wala na rin po akong care.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ko lang po iisipin as long as wala naman po akong tinatapakang tao."

Si Kylie, wala ring care siyempre kay AJ.

Noong October 1 una nang nasabi ni Kylie na hindi isyu sa kanila ni Aljur na makipag-date sa iba dahil hiwalay na sila noon pang Abril.

Ang focus muna ni Kylie, promo ng BetCin project nila ni Andrea Torres.

Post ni Kylie sa Instagram nitong Oktubre 6, Miyerkules ng hapon, tungkol kay Andrea: “I learned so much from this woman.

"I’m happy you were my first leading lady. Cheers to more projects with you!

"Another strong beautiful lady I’m blessed to have worked with."

If ever, willing kaya si Kylie na makatrabaho rin si AJ? At okay kaya kay AJ na makatrabaho si Robin?

NOEL FERRER:

Kung sinuman ang na-link kay Aljur na kilalang aktres kaya hiniwalayan siya ni Kylie, baka taste test lang iyun.

Umaasa pa ako na alang-alang sa pamilya, magkaayos sina Kylie at Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana, kahit para sa kanilang dalawang anak man lang, at least.

As per AJ Raval, may sarili siyang concerns apart from Aljur. It’s hard to ask the blind to lead the blind.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval on possible negative feedback if Aljur Abrenica becomes her boyfriend: "To be honest, wala naman din po akong care sa sasabihin ng ibang tao as long as masaya po ako, wala po akong tinatapakang ibang tao. Alam ko po ang priorities namin." Maayos daw nagpaalam si Aljur sa mga magulang ni AJ bago ito nanligaw sa kanya.
PHOTO/S: @ajravsss Instagram / Aljur Abrenica Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results