Aiko Melendez, bumitiw sa Prima Donnas ng GMA-7; kakandidato bilang QC councilor

by PEP Troika
Oct 6, 2021
Aiko Melendez, inalala ang aniya'y siyam na taong tapat na paglingkod niya noon bilang konsehala ng Quezon City Second District. Aniya, "Kaya taas noo ko na maipag mamalaki na babalik ako dahil higit akong kailangan ng mga aking ka distrito na buong katapatan ko pinaglingkuran dati."
PHOTO/S: @aikomelendez Instagram

JERRY OLEA:

Sinamahan ni Zambales Vice Governor Jay Khonghun ang kasintahang si Aiko Melendez sa pag-file ng certificate of candidacy (COC) bilang konsehala.

Kakandidato si Aiko sa fifth district ng Quezon City, nitong Oktubre 6, Miyerkules ng 11:48 a.m.

Inihayag ni Aiko sa Facebook na iniwan na niya ang second season ng Kapuso drama series na Prima Donnas, kung saan gumanap siya na Maria Kendra Fajardo.

Ngayong pandemya ay nakatapos siya ng dalawang pelikula.

Hindi ito ang unang pagsabak ni Aiko sa pulitika, dahil nagsilbi siyang konsehala ng parehong distrito sa Quezon City mula noong 2001 hanggang 2010.

Pahayag ni Aiko (published as is): "Hindi ako naghihirap pero di ko dn masasabi na mayaman na mayaman ako,” lahad pa ni Aiko.

"Modesty aside po matagal na ako sa industriya galing ako sa mga soap operas na nagtagal pareho sa ere. Madami na dng nagawang pelikula ,May mga endorsements at higit sa lahat hindi po ako nawawalan ng proyekto.

Continue reading below ↓

"Marahil na dn dahil sa mahal ako ng dios kaya Tuloy Tuloy ang biyaya na dumating Sa akin na gusto ko ibalik Sa tao.

"Lahat ng ito hindi bago sa akin 9 na taon akong naging konsehal. Nag aral ako at wala ako iniwan na di maganda sa QC.

"Kaya taas noo ko na maipag mamalaki na babalik ako dahil higit akong kailangan ng mga aking ka distrito na buong katapatan ko pinaglingkuran dati…"

Sa isa pang FB post, pinasalamatan ni Aiko ang lucky charm niyang si VG Jay Khonghun, na nagpapalakas ng kanyang loob, at idolo niya sa public service.

Nangako rin si Aiko sa dalawa niyang anak na sina Andre Yllana at Marthena Jickain na maipagmamalaki siya ng mga ito.

Pahayag pa ni Aiko, "Ako lang sa pamilya namen ang pumasok sa pulitika dahil sa pag susumikap.

"Kaya kahit magkakaiba ang naging batayan o pulso natin sa pag pili ng lider buong puso ko mapapagmamalaki na hindi ako nagnakaw at nag malabis sa pondo ng bayan at kailanman hindi ko ipag kakait Ang Serbisyo at benepisyo na para sa Tao.

Continue reading below ↓

"Aalagaan ko ng buong katapatan ang tiwala na Ibibigay nyo sa akin dahil nais Kong ipadama Sa inyo Ang kaibahan ng pag lilingkod at pag mamahal ng #AlagangAikoMelendez."

GORGY RULA:

Pagkatapos mag-file ni Aiko sa Quezon City ay magkasama pa rin sila ni VG Jay Khonghun na dumalaw kay Gretchen Barretto.

Ipinost ni La Greta sa Instagram na dumalaw sa tanggapan nila ni Mr. Atong Ang ang magkasintahan.

May Facebook post din si Aiko tungkol dito.

"Visiting my good friend @gretchenbarretto thank you my platinum girl for everything, I love you! Your honesty is something to be admired of kaya madami nagmamahal syo," sabi ni Aiko.

Naroon din ng mga oras na iyon si Art Atayde na "kuya" raw ang turing ni Aiko.


Continue reading below ↓

Si Arjo Atayde ay dadalaw rin kaya kina Gretchen pagkatapos niyang mag-file ng COC?

Ang unang napabalita ay tatakbo si Aiko bilang congresswoman sa Quezon City Fifth District, pero konsehal na pala.

Magtutunggali sila ni Quezon City Fifth District Representative Alfred Vargas na balak bumalik sa pagiging konsehal.

Sinamahan ni Cong. Alfred ang kapatid niyang si Councilor PM Vargas na siyang tatakbo namang congressman.

Magkakapartido sila ng incumbent Mayor Joy Belmonte, na maaring kalaban ng partido ni Aiko.

Magkakalaban-laban sila sa pulitika, pero iisa lang ang hangarin nilang magsilbi sa kanilang distrito.


Continue reading below ↓

NOEL FERRER:

Isa sa mga nag-file din ng COC ay ang kaibigan natin sa industriya na si Herbert Bautista na haharapin ang mas malaking hamon ng pagiging senador.

At least, hindi na makikipagsiksikan si Bistek sa Quezon City dahil pinaghandaan niya ang pagiging mambabatas at nag-aral talaga siya para rito.

Nasa iyo ang suporta namin, Bistek, pati na sa alaga natin na nag-break muna sa showbiz na award-winning actor na si Victor Neri na tumatakbo naman bilang congressman ng Montalban.


Continue reading below ↓

Matapos ma-nominate sa best actor at best supporting actor sa Urian, ibinuhos ni Victor ang kanyang effort sa pag-aaral ng abogasya at nakita ko ang dedikasyon niya rito.

Good luck and all the best sa lahat ng mga taga-showbiz na nagnanais maglingkod sa bayan at dadaan sa isang crucial na eleksyon sa isang taon!

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez, inalala ang aniya'y siyam na taong tapat na paglingkod niya noon bilang konsehala ng Quezon City Second District. Aniya, "Kaya taas noo ko na maipag mamalaki na babalik ako dahil higit akong kailangan ng mga aking ka distrito na buong katapatan ko pinaglingkuran dati."
PHOTO/S: @aikomelendez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results