GORGY RULA:
Nakakaaliw ang Beks Battalion na sina Chad Kinis, MC Muah, at Lassy Marquez sa pelikulang Ang Manananggal na Nahahati ang Puso, na nag-umpisang mag-streaming nitong Oktubre 1, Biyernes, sa Vivamax.
Nakakatawa silang tatlo na kahit may pagka-corny ang ilang eksena, keri nilang katawa-tawa ito.
Nang nakatsikahan namin si Lassy sa DZRH noong nakaraang linggo, sinabi niyang tinitiyak nilang mas nakakatawa at riot ang pinaghahandaan nilang virtual concert na pinamagatang Beksinated. Mag-i-streaming ito sa October 30 sa Viva Live at KTX.Ph.
Si Vice Ganda ang isa sa napakarami nilang special guests na very supportive sa special project nilang ito.
Ipinagmamalaki ni Lassy ang masaya nilang samahang Beks Battalion. Nag-aaway man daw sila, pero hindi natatapos ang araw na hindi nila iyun naaayos at napapag-usapan.
Maaring mag-aaway raw sila sa ibang isyu, pero never daw ang pera.
"Iyun ang iniiwasan namin na mawala ang trust sa isang kaibigan," pakli ni Lassy.
Hindi rin daw sa kanila isyu ang dyowa dahil magkakaiba raw sila ng taste sa lalaki.
Kaya masaya raw silang lahat para kay Chad na happy rin sa kanyang kasalukuyang boyfriend.
"E, kaso si Chad, kamukha ko, nagustuhan siya. E, paano, baka magustuhan din ako.
"Nakita mo ang dyowa ni Chad? Nagustuhan si Chad na kamukha ko rin.
"Kaya natakot siya. Minsan, tumitingin sa akin dyowa niya. Charot!" natatawang pahayag ni Lassy.
Pero nakita raw nila kung gaano kamahal si Chad ng boyfriend nito, at tanggap daw ito ng pamilya ng lalaki.
Seryosong pahayag ni Lassy: "Sa nakikita ko, mahal talaga siya nung guy. At sobrang bait nung family, sobrang accommodating, tanggap na tanggap kung anong merong relasyon sila.
"Na-meet ko na yung guy, e, nakausap ko. Mararamdaman mo naman yung isang tao, e, kung gagamitin lang ba yung isang tao, kung ano ang pakikitungo sa ‘yo. Kasi may mga instinct tayong ganun, e.
"Mararamdaman mo naman talaga bilang kaibigan, kung lolokohin mo lang at sasaktan mo, di ba? Pero as long as masaya ka, dun kami. Mahal mo, masaya ka, go lang.
"Basta nandito lang kami pag masaktan ka."
Ngayon ay masaya naman daw si Lassy sa kanyang love life, pero LDR lang daw sila dahil nagtatrabaho ang dyowa sa ibang bansa.
Ang gusto lang daw nilang patunayan dito, na kahit ganun daw ang itsura nila, meron talagang lalaking magmamahal sa kanila.
Kaya huwag daw mawalan ng pag-asa ang ibang bading na hangad ding magkaroon ng guwapong dyowa.
"Huwag mawawalan ng pag-asa ang lahat na mga kamukha namin, dahil may darating.
"Kasi, pangit is the new pretty," pagmamalaki pa ni Lassy.
NOEL FERRER:
Nagbida sina Lassy, Yen Santos, at Hashtag Kid Yambao sa pelikulang Two Love You (2019), na idinirek ni Benedict Mique.
Friends sina Lassy at Yen, at nagkukumustahan sila paminsan-minsan.
Hindi kailang naging laman ng mga balita si Yen nang madawit sa hiwalayan ni Paolo Contis at longtime partner ng aktor na si LJ Reyes.
Namataang magkasama sina Yen at Paolo sa Baguio ilang araw mula nang unang pumutok ang breakup ng couple.
Comment ni Lassy sa pinagdaanan ng kaibigang si Yen: "Pagdating sa mga private life, minsan hindi ako makikialam.
"Alam ko, kaya naman niya yan resolbahin kung ano yung pinagdadaanan niya.
"Kung hindi na niya kaya, andito lang naman mga kaibigan para… puwede naman siya mag-message kung hindi na niya kaya.
"Ganun naman ang mga magkakaibigan, e. Kung hindi na niya kaya, humihingi tayo ng payo sa mga kaibigan natin."
JERRY OLEA:
Pinapakinis ng isang derma ang kutis ni Chad.
Malamang, lalong mamahalin si Chad ng kanyang BF na si Nikko Alano Chua.
Sa Oktubre 10, Linggo, ay fourth monthsary na nila. Kung fantastic ang love life at sex life ni Chad, bonggacious ang career ni Lassy.
Sumemplang man ang Two Love You nila nina Yen at Hashtag Kid, bidang-bida muli si Lassy sa pelikulang Sarap Mong Patayin kasama sina Ariella Arida at Kit Thompson.
Sa Oktubre 15 na ang streaming ng Sarap Mong Patayin, kung saan nagpasasa sina Lassy at Ariella sa katawang lupa ni Kit. Nakakapaglaway!
Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.