Mag-inang Lani Mercado at Jolo Revilla, parehong tatakbong kongresista sa Cavite; Nora Aunor at Karla Estrada, nominees sa party-list?

by PEP Troika
Oct 7, 2021
Sinamahan si Cavite Vice Governor Jolo Revilla ng kanyang magulang na sina Senator Bong Revilla, Mayor Lani Mercado-Revilla, at ang asawang si Angelica Alita-Revilla nang mag-file siya ng COC bilang congressman ng first district ng Cavite ngayong Huwebes, October 7. Si Lani naman ay bukas, October 8, magpa-file ng COC bilang congresswoman ng second district ng Cavite.
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA

Bukas, October 8, na ang huling araw ng filing of the Certificate of Candidacy (COC) sa Comelec.

Inaasahan ang surprises lalo na sa showbiz na tila lalong dumarami ang mga artistang pumapasok sa pulitika.

Nang nagdeklara si Vice President Leni Robredo ng pagtakbo bilang Pangulo ng bansa, ang daming nanghulang si Kris Aquino raw ang running mate nito.

Pero hindi raw ito totoo, sabi ni Sir Noel.

At lumabas na ngang si Senator Kiko Pangilinan ang magiging running mate ni VP Leni.

Kaninang tanghali ay nag-file na rin sa Cavite si Vice Governor Jolo Revilla bilang congressman ng first district ng Cavite.

Sinamahan siya ng kanyang magulang na sina Senator Bong Revilla, Mayor Lani Mercado-Revilla, at ang asawang si Angelica Alita-Revilla.

Continue reading below ↓

Bukas, October 8, naman magpa-file ng kanilang CoC si Mayor Lani bilang congresswoman ng District 2 ng Cavite, at si Congressman Strike Revilla naman ang tatakbong Mayor ng Bacoor.

Pero ang isa sa aabangan bukas ay kung matutuloy ba ang pagpa-file ng original Superstar na si Nora Aunor na magiging first nominee sa isang party-list.

Hindi pa kinukumpirma sa amin kung matutuloy, pero mayroon daw nabuong NORA A Partylist o National Organization for Responsive Advocacies for the Arts.

Hindi pa nagbigay ng pahayag si Ate Guy, at hindi pa ito kinukumpirma ng kampo ng aktres. Pero nakahabol si Ate Guy na magpa-register sa Comelec.

Ang isa pang narinig naming maaring magpa-file bukas ay si Karla Estrada.

Kasali rin daw sa isang party-list ang ina ni Daniel Padilla, pero wala pang sinasabi sa PEP Troika kung ano ito, at kung itutuloy rin ang pagsumite ng CoC.

Bilang governor ng CamSur naman daw ang ipa-file ni Imelda Papin bukas.

Abangan na lang ang kung ano pa ang susunod na magaganap dahil maaaring may mabago pa rito.

NOEL FERRER

Sa kaugnay na development, nagpahayag si Ate Vi (Vilma Santos) na hindi siya tatakbo sa anumang elective position kahit inaaaya siyang tumakbo para sa Senado.

Ang sabi ni Ate Vi, “After careful consideration of the present situation, especially the limitations in conducting a campaign during a pandemic, I have decided not to seek any elective post in the May 2022 elections.”

Pero magpaganunpaman, “Tuloy pa rin ang trabaho at serbisyo,” sabi ni Ate Vi.

Kahit saan mang larangan, relevant talaga ang Superstar, Star for All Seasons, at Megastar na may malaking papel sa pagkakaisa at paghilom dahil ang asawa niya (Kiko Pangilinan) ay tatakbo sa parehong posisyon ng kanyang uncle (Tito Sotto).

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Showbiz na showbiz ang pulitika, at ang mga politiko ay pahusayan ng akting sa panahon ng kampanya.

Aarangkada muli ang mga coach upang ang mga kandidato ay maging mas kaaya-aya sa kani-kanyang constituents.

Maaaliw, matatawa, maiiyak, manlulumo, manghihina, mapapautot, masusulasok, manlulupaypay, at iba’t iba pa ang mararanasan natin sa star-studded circus na ito.

Iba’t ibang kulay ang mga kaganapan sa hinaharap… mga galamay na sasakmal sa ating diwa at sikmura.

Ngayong Oktubre 7, Huwebes ng 6:00 p.m. ang digital launch ng Yorme The Movie sa YouTube channel ng Saranggola Media.

Cha-cha-cha! Let the rumbles begin!!!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sinamahan si Cavite Vice Governor Jolo Revilla ng kanyang magulang na sina Senator Bong Revilla, Mayor Lani Mercado-Revilla, at ang asawang si Angelica Alita-Revilla nang mag-file siya ng COC bilang congressman ng first district ng Cavite ngayong Huwebes, October 7. Si Lani naman ay bukas, October 8, magpa-file ng COC bilang congresswoman ng second district ng Cavite.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results