Xian Lim, patuloy ang pag-arangkada bilang writer at direktor

by PEP Troika
Oct 10, 2021
Patuloy ang pag-arangkada ni Xian Lim bilang writer at direktor. Siya ang nag-direk ng bagong WeTV romantic comedy mini-series na Pasabuy, na pinagbibidahan nina Heaven Peralejo at Gino Roque.
PHOTO/S: @xianlim on Instagram

GORGY RULA

Nagpasalamat ang actor/producer na si Gino Roque kay Xian Lim dahil binigyan siya ng pagkakataong makatrabaho sa isang mini-series.

Kuwento ni Gino nang nakatsikahan namin sa DZRH nung nakaraang linggo, nagkasama sila ni Xian sa isang project sa Viva at napag-usapan nila ang isang magandang material na sinulat ni Xian at gusto niyang idirek.

Ito na nga ang Pasabuy na nagsimula nang napanood sa WeTV nung September 24.

Ani Gino, “Kasi we had a project sa Viva, tapos kinukuwento niya sa akin yung mga dinidirek niya. Tapos ako naman, sinasabi ko sa kanya yung mga pinu-produce ko.

“Sinabi ko sa sarili ko na, ‘Okay, why don’t we put two together, di ba?’ Siya magdirek ng series ko. So, that’s how it came.”

Kasama nila rito si Heaven Peralejo kung saan nabuo nila ang walong episodes na napapanood sa WeTV tuwing Biyernes ng gabi.

Puring-puri ni Gino si Xian dahil sa bawat eksena ay matiyaga raw siyang tinutukan ng actor/director at minu-motivate daw siya kung ano ang tamang atake sa isang eksena.

Continue reading below ↓

“Before every scene, he will talk to me for 30 minutes. He would tell me how to do things… minu-motivate ako. Kung ano yung dapat gawin. Tapos, tinatanong niya sa akin kung ano ang gusto kong gawin dito.

“Kasi, iyan ang problema minsan, e. Since producer ako, minsan natatakot yung mga direktor na magsabi sa akin.

“Sinabi ko sa kanya, once I step on the set, hindi na ako producer, actor po ako,” napangiting pahayag ni Gino.

Samantala, nakatengga pa rin hanggang ngayon si Xian at naghihintay kung ano ang programang ibibigay sa kanya ng GMA-7.

Naka-hold pa rin ang taping ng Love. Die. Repeat, dahil sa kalagayan ni Jennylyn Mercado.

Wala pang ibinibigay ang kampo ni Jennylyn kung ano na ang update sa kalagayan niya ngayon.

Ang nakarating na balita sa PEP Troika ay bibigyan daw muna ng ibang project ang bagong Kapuso actor.

Tumanggi muna si Xian na magbigay ng pahayag kaugnay rito.

Continue reading below ↓

Basta, naghihintay lang daw si Xian kung ano ang ipapayo sa kanya ng mga bosses ng GMA-7.

Gusto rin sana niyang magamit ng GMA-7 ang ibang naisulat niyang kuwento na siya rin ang magdidirek.

JERRY OLEA

Gaya ng naiulat natin dito before, malamang na next year pa mag-resume ang taping ng Love. Die. Repeat.

May naulinigan tayo na naghahanda na raw si Dennis Trillo na mamanhikan kina Jennylyn?

Naku! Baka mauna pa ang kasalang DenJen kesa sa pagre-resume ng lock-in taping ng TV series nina Jennylyn at Xian, ah?!

NOEL FERRER

Ang ganda naman nu’n. Hindi man natuloy ang teleserye ni Jennylyn, e, mala-teledrama naman ang kanyang buhay pag-ibig!

As per Xian, at least patuloy siyang sumusubok para mapabuti ang kanyang output hindi lang bilang writer kundi as director din.

Buti na lang maraming bukas na platforms para kay Xian. Bukod sa Vivamax, meron pang WeTV and also GMA.

Way to go, Xian!

Continue reading below ↓

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Patuloy ang pag-arangkada ni Xian Lim bilang writer at direktor. Siya ang nag-direk ng bagong WeTV romantic comedy mini-series na Pasabuy, na pinagbibidahan nina Heaven Peralejo at Gino Roque.
PHOTO/S: @xianlim on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results